+ All Categories
Home > Documents > RESEARCH REPORTdspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/512/1/H... · 2020. 9. 9. ·...

RESEARCH REPORTdspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/512/1/H... · 2020. 9. 9. ·...

Date post: 02-Feb-2021
Category:
Upload: others
View: 2 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
69
RESEARCH REPORT (Ulat sa Saliksik) Silya Elektrika Ang Pagsusuri sa Epekto ng EPIRA sa Kakayahan ng Rural Electric Cooperatives sa Pagpapadaloy ng Elektripikasyon sa Kanayunan Zheanne Aeson M. Dantis BA Political Science Second Semester, AY 2011-2012
Transcript
  • RESEARCH REPORT

    (Ulat sa Saliksik)

    Silya Elektrika

    Ang Pagsusuri sa Epekto ng EPIRA sa Kakayahan ng Rural Electric Cooperatives

    sa Pagpapadaloy ng Elektripikasyon sa Kanayunan

    Zheanne Aeson M. Dantis

    BA Political Science

    Second Semester, AY 2011-2012

  • DEDIKASYON

    Ang Ulat sa Saliksik na ito ay inaalay ko, una, sa aking pamilya na patuloy na

    sumusuporta at gumagabay sa akin. Nagpapasalamat ako sa aking dakilang ama,

    Engr. Alfred Abeleda Dantis, na nag-ambag ng kanyang kaalaman tungkol sa paksang

    ito. Nagpapasalamat rin ako dahil siya ang sumama sa akin sa buong panahong iniukol

    ko sa pangangalap ng datos at pagsulat ng saliksik na ito. Gayundin, nagpapasalamat

    ako sa aking ina, Zenaida Matira Dantis, na siyang pinagkunan ko ng inspirasyon at

    lakas sa aking pagsusulat. Lubusan rin akong nagpapasalamat sa aking mga kapatid

    na nagbigay sa akin ng inspirasyon at motibasyon upang makagawa ng mahusay na

    pananaliksik.

    Hindi ko rin nakakalimutan ang aking “awesome” na barkada na kasama kong naghirap

    sa aming paggawa ng aming mga sariling saliksik. Sila ang naging taga-tulak ko sa mga

    panahong tila ba sinusubok ako kung matatapos ko ang pananaliksik na ito. Salamat sa

    inyo!

    Higit sa lahat, lubusan akong nagpapasalamat sa kanilang nag-ambag ng kaalaman

    upang maging possible ang pag-aaral na ito: sa mga ekspertong aking nakapanayam,

    at sa mga konsyumer na lumahok sa aking pananaliksik.Iniaalay ko ang saliksik na ito

    sa mga mamamayan ng Occidental Mindoro na walang pag-iimbot na lumahok sa

    ginawa kong pananaliksik.

    Ang saliksik na ito ay para sa mga taga-Occidental Mindoro, at sa mga mamamayan ng

    iba pang probinsya, na patuloy na nagtitiis sa hindi magandang sistema ng pakuryente

    sa bansa. Kasama ninyo akong umaasa na darating rin ang araw, magkakaroon rin ng

    liwanag ang ating buhay at bahay.

  • TALAAN NG MGA NILALAMAN

    Introduksyon 1

    Panimula 1

    Pangkalahatang Katanungan 2

    Partikular na mga Katanungan 2

    Sakop at Limitasyon 2

    Metodolohiya 4

    Disenyo ng Pananaliksik 4

    Pagpili ng Case Study 4

    Pagsasampling at Pangangalap ng Datos 4

    Pag-aanalisa ng Datos 7

    Mga Etikang Pagsasaalang-alang sa Pananaliksik 7

    Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura 9

    Layunin ng Reporma 9

    Mga Istratehiya ng Reporma 11

    Mga Polisiyang Nakapaloob sa Reporma at Karanasan 12

    sa Ibang Bansa

    Mga Pangunahing Hakbang sa Pagpapatupad 15

    Ang mga Rural Electric Cooperatives (RECS) sa Ilalim 15

  • ng EPIRA

    Balangkas ng Pag-Aanalisa 17

    Depenisyon ng mga Terminolohiya 19

    Mga Resulta 21

    Pagsusuri at Diskusyon 39

    Konklusyon at Rekomendasyon 42

    Batis 47

    Apendiks

    Key Informant Interview Guide 50

    Focus Group Discussion Guide 56

    Survey Questionnaire 57

    Free, Prior, Informed Consent Form 59

  • 1

    UNANG KABANATA: INTRODUKSYON

    Panimula

    Ang Electric Power o Pakuryente ay isa sa mga pinakamahalagang sangkap ng

    kaunlaran sapagkat ito ay kailangan ng mga industriya ng produksyon at kalakal na

    siyang nagpapasok ng salapi sa kaban ng bayan. Sa kasalukuyan, itinuturing din na

    ang kuryente ay isa sa mga pangunahing pangangailangan sa pang-araw-araw na

    nagdudulot ng kaalwanan sa maraming aktibidad ng mga mamamayan. Hindi magiging

    maunlad ang ekonomiya ng ating bansa kung walang maayos, mura at mabisang

    sistema ng Pakuryente.

    Upang matiyak ang pagsulong ng kaunlaran sa buong bansa, sa pangangasiwa

    ng National Electrification Administration ay itinatatag ng pamahalaan ang mga Rural

    Electric Cooperatives na siyang nagpapadaloy ng kuryente sa mga maralitang lugar na

    hindi binibigyang pansin ng mga pribadong mamumuhunan noong dekada 60. Ang Mga

    RECs ay non-stock at non-profit kaya ang panimulang puhunan ay ipinautang ng

    pamahalaan na binabayaran naman sa taripa ng mga kasapi-konsyumer na mga

    kamay-ari ng RECs. Nang lumaon ay tinustusan din ng pamahalaan ang

    pagpapalaganap ng pakuryente sa mga malalayong sitio at barangay na nasasakupan

    ng RECs dahil hindi makayanan ng mga ito ang gastusin para sa mga pasilidad na

    kailangan.

    Sa kadahilanang ang pagpapakuryente ay naging matinding pabigat sa

    pananalapi ng Pilipinas, naging pangunahing kundisyon ang Reporma sa pagkamit ng

    utang mula sa mga International Financing Institutions kaya napilitang ipasa ng

    pamahalaan ang RA 9136 o Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) noon ika-8 ng

    Hunyo, 2001 - na naglalayong makapagtatayo ng maaasahang suplay ng elektrisidad

    na may maayos na kalidad sa murang halaga, sa pamamagitan ng pagpapaigting ng

    pribadong puhunan kaakibat ng pagkalas sa mga monopliya upang maging patas ang

    kompetisyon sa pamilihan o merkado (RA 9136).

  • 2

    Sa pag-iral ng Reporma sa Industriya ng Pakuryente, ang mga RECs ay

    nalantad sa merkadong kinabibilangan ng malalaking pribado, sa tunggaliang idinikta

    ng market cost efficiency o tubo sa puhunan. Kung hindi makakasabay ang mga RECs

    sa tugtog ng Reporma, maaaring masakripisyo ang kaunlaran sa mga kanayunan.

    Pangkalahatang Katanungan: Ano ang epekto ng Reporma sa Pakuryente sa

    kakayahan ng Rural Electric Cooperatives na maisulong ang elektripikasyon sa

    kanayunan?

    Partikular na mga katanungan:

    1. Anu-ano ang mga batayan kaya napasama ang RECs sa hanay ng Private

    Distribution Utilities (PDU) na napailalim sa Reporma sa Industriya ng

    Pakuryente?

    2. Anu-ano ang epekto ng pagiging non-stock at non-profit ng RECS sa

    kakayahang tumugon sa alituntunin ng EPIRA?

    3. Ano ang kinalaman ng katangian ng prangkisa ng RECs sa pagpapalakas ng

    kalidad at seguridad ng paserbisyo?

    4. Ang umiiral na kompetisyon ba sa mga kompanyang sumasali sa EPIRA ay

    may kaugnayan sa maayos na serbisyo ng pakuryente sa komunidad?

    Sakop at Limitasyon

    Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa pag-aaral sa naging epekto sa

    performance - particular sa kakayahang magpadaloy ng kaunlaran sa kanayunan; ng

    isang Rural Electric Cooperative, ang Occidental Mindoro Electric Cooperative (o

    OMECO) sa loob ng sampung taon na pag-iral o implementasyon ng Reporma sa

    Pakuryente na isinabatas sa Republic Act No. 9136 noong June 2001 at kilala din

    bilang EPIRA.

  • 3

    Ang mga datos at impormasyong nakalap ay mula sa kaalaman, kaisipan o

    impresyon ng mga ekspertong kalahok sa magkakahiwalay na Key Informant Interview

    (o KII) na ginanap sa buwan ng Enero hanggang Pebrero, 2012 na pinalawak naman

    ng mga impormasyong nakalap mula sa isang Focus Group Discussion na ginanap

    noong ika-22 ng Enero sa opisina ng OMECO sa San Jose, Occidental Mindoro na

    nilahokan ngmga representante ng iba’t-ibang sector ng konsyumer ng kooperatiba.

    Binigyang din ng konsiderasyon ang mga impormasyon mula sa 413

    partisipanteng konsyumer ng OMECO sa survey na ginanap sa mga bayang

    nasasakupan ng prangkisa. Ang mga partisipante ay pinili, at random, mula sa mga

    konsyumer na naserbisyohan na ng hindi bababa sa 15 taon pabalik mula 2011.

    Ang mga ahensyang pinanggalingan ng mga ekspertong kalahok sa KII ay

    kinabibilangan ng: Department of Energy (DOE); National Power Corporation – Small

    Power Utilities Group (NPC-SPUG); National Electrification Administration (NEA), at

    Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO) at University of the Philippines –

    National Engineering Center (UP-NEC). Ang impormasyon galing sa NEA ay natanggap

    sa pamamagitan ang e-mail at telepono.

    Wala nang iba pang pinaggalingan ng mga impormasyon, maliban sa mga

    babasahin at naka-post sa mga websites ng internet.

    Wala ding ginawang pagtitiyak kung ang mga partisipante sa survey ang

    mismong nag-mamay-ari ng koneksyon ng serbisyo mula sa OMECO.

  • 4

    IKALAWANG KABANATA: METODOLOHIYA

    Disenyo ng Pananaliksik

    Ang mananaliksik ay gumawa ng applied research, sa partikular ay evaluation

    research. Gumamit siya ng case study upang pag-aralan ang isang rural electric

    cooperative na nasa probinsya ng Occidental Mindoro at ang pamayanang binibigyan

    nito ng serbisyo, upang makapagbigay ng mas konkreto at partikular na pag-aanalisa

    sa kanilang kalagayan matapos ang pagpasa ng Electric Power Industry Reform Act o

    EPIRA.

    Pagpili ng Case Study

    Ang REC ay napili batay sa katangian ng prangkisa nito, at sa katayuan o

    kalagayan ng operasyon noong Disyembre 2011 na maaring maging representante sa

    kundisyon ng karamihan ng mga RECs na nasa isolated islands na din ng

    sinusuplayan ng NPC-SPUG.

    Minabuti ng mananaliksik sa ang REC na mapipili ay dapat may katamtamang

    lamang na ganda ng operasyon at pinansya subalit may mahusay na teknikal na

    kakayahan upang ang resulta ng pananaliksik ay matuon sa istraktura ng EPIRA at

    hindi sa pansariling kataangian ng REC.

    Isa pang naging batayan ay ang kaalwanan ng transportasyon at haba ng biyahe

    mula sa Metro Manila at probinsiya ng REC upang madaling isagawa ang pagdayo sa

    lugar ng kooperatiba sa pagganap ng survey.

    Pagsasampling at Pangangalap ng Datos

  • 5

    Ang mananaliksik ay gumamit ng survey, key informant interview (KII) at focus

    group discussion (FGD) upang ganap na maintindihan kung: (1) natupad ba ng EPIRA

    ang layunin nito na magkaloob sa mga konsyumer ng mura at de-kalidad na kuryente,

    (2) naging plataporma ba ang EPIRA upang magkaroon ng patas na kompetisyon ang

    mga players sa industriya ng pakuryente, at (3) ano ang naging impact nito sa

    ekonomiya sa kanayunan sa Occidental Mindoro.

    Ang paggamit ng KII ay naaangkop upang higit na maunawaan ang kalagayan

    ng pakuryente sa kanayunan. Sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga eksperto,

    mas nabigyang linaw ang mga teknikal na aspeto ng kalagayan ng mga RECs. Ang

    mga ekspertong kinapanayam ng mananaliksik ay pinili base sa kanilang kaalaman ukol

    sa EPIRA, reliability, at availability. Base na rin sa mga criteria na nabanggit, ang

    mananaliksik ay kumapanayam ng tig-isang eksperto mula sa Department of Energy,

    National Power Corporation-Small Power Utilities Group, University of the Philippines-

    National Engineering Center, at Occidental Mindoro Electric Cooperative.

    Samantala, ang FGD ay mas nakapagbigay-kulay sa pang-araw-araw na

    kalagayan ng kanayunan na naging bunga ng pagsasabatas ng EPIRA. Ang

    mananaliksik ay pumili ng pitong partisipante sa FGD base sa mga sumusunod na

    criteria: pagiging bahagi ng komunidad bago at matapos ang implementasyon ng

    EPIRA (1991 hanggang kasalukuyan) – samakatuwid ay may kaalaman sa isyu at

    maaasahan na magbibigay ng tamang impormasyon (reliable). Gayundin, isinaalang-

    alang ang availability nila para maging partisipante. Mula sa mga pumasa sa criteria ay

    nag-random sampling upang makapili ng sampung kalahok. Subalit, mula sa sampung

    nagkumpirmang makakarating ay pito lamang ang nakapunta sa itinakdang petsa at

    oras ng focus group discussion.

    Ang paggamit naman ng survey ay naging mainam upang malaman ang

    bahagdan o antas ng kaunlaran sa kanayunan sa paningin ng mga mamamayan nito

    matapos ang implementasyon ng EPIRA. Mula sa mga opisyal na nakalistang

    konsyumer ng OMECO ay pinili ang mga kalahok, tig-isang konsyumer kada household,

    na nasa komunidad na mula noong 1991 hanggang sa kasalukuyan. Mula sa listahan,

    nag-random sampling ang mananaliksik upang malaman kung sino ang ilalahok sa

  • 6

    survey. Ang pagsasarbey sa komunidad ay ginawa mula ika-20 ng Enero, 2012

    hanggang ika-8 ng Pebrero, 2012. Nagkaroon ng 413 na partisipante ang survey.

    Table 1 Disenyo ng Pagsasaliksik

    Grupo ng mga Datos Pinagmulan Pamamaraan

    Kasalukuyang kalagayan

    ng Industriya ng

    Pakuryente

    Kalagayan ng RECs bago

    at matapos ang 10 taong

    pagpapatupad sa EPIRA

    Kalagayan ng ekonomiya

    sa kanayunan

    Mga eksperto mula sa:

    Department of Energy

    National Power

    Corporation – Small

    Power Utilities Group

    University of the

    Philippines – National

    Engineering Center

    Occidental Mindoro

    Electric Coop. (OMECO)

    Key Informant

    Interview

    Presyo at kalidad ng

    pakuryente sa kanayunan

    Kalagayan ng ekonomiya

    sa kanayunan

    Mga konsyumer mula sa

    OMECO

    Focus group

    discussion

    Survey

    Mga isyu, kontrobersya at

    problema sa

    implementasyon ng

    EPIRA

    Pahayagan, online news,

    news at forum, websites,

    organizational reports

    Document and

    website data

    collection

  • 7

    Pag-aanalisa ng Datos

    Gumamit ang mananaliksik ng open coding upang maipangkat ang mga datos at

    makita ang mga recurring na tema sa bawat salin (transcript) ng interbyu at focus group

    discussion. Matapos nito ay gumawa ng case analysis at cross case analysis ang

    mananaliksik upang mas maitampok pa ang mga dominanteng tema sa interbyu at

    FGD. describe what u did when u did cross case

    Sa pag-aanalisa ng mga datos na kinalap sa pamamagitan ng document at

    website data collection, gumamit ang mananaliksik ng content analysis.

    Ang mga datos na nalikom mula sa survey ay ginamitan ng kuwantitatibong

    mapaglarawang pagtatasa (quantitative descriptive analysis) upang makapagbigay ng

    kwantitatibong detalye ng pananaliksik, at upang makapag-ambag sa impormasyong

    nakalap mula sa KII at FGD.

    Mga Etikang Pagsasaalang-alang sa Pananaliksik

    Isinaalang-alang ng mananaliksik ang seguridad at kapakanan ng mga kalahok

    na indibidwal, grupo, at komunidad sa pagsasagawa ng pananaliksik. Tiniyak din ng

    mananaliksik ang paggalang sa privacy, awtonomiya, at dignidad ng mga kalahok.

    Bilang pagsasaalang-alang sa seguridad, kapakanan, at mga karapatan ng mga

    kalahok na indibidwal sa isinagawang key informant interview, focus group discussion,

    at survey, tiniyak ng mananaliksik ang lubos na kabatiran na mga noo’y magiging

    kalahok pa lamang ang kanilang malaya, maagap at may kabatirang pagbibigay

    pahintulot (free prior informed consent) na sumali sa ginagawang pananaliksik.

    Dahil wala namang bulnerable (vulnerable) na partisipante sa KII at FGD, walang

    agarang pahamak na nakita ang mananaliksik para sa mga kalahok. Ipinaalam sa

    kanila na sila ay walang pinansyal o materyal na benepisyong matatanggap kapalit ng

    kanilang pagbibigay pahintulot. Ipinaalam rin sa kanila ang kanilang mga karapatan: na

  • 8

    maari nilang ipatigil ang panayam o FGD kahit anong oras, na maaari nilang hindi

    sagutin ang lahat ng tanong, at maaari rin nilang bawiin ang kanilang pahintulot kahit pa

    napirmahan na nila ang consent form. Itinanong rin sa kanila kung maaaring irecord ang

    panayam o FGD at kung maaaring banggatin sa pananaliksik ang panayam o FGD.

    Sineguro ng mananaliksik sa mga kalahok sa KII na sa kanyang salikisik, siya ay

    hindi magsasagawa ng pagbubunyag na maaring mag-uugnay sa sino mang

    pinanggalingan ng mga maseselang impormasyon. Sa pagsasaliksik at paglalathala ng

    mga nakalap na kaalaman at kalakip na mga aral mula sa mga ito, sineguro rin na ang

    ang mga impormasyong naibahagi ay ginamit lamang sa partikular na paksa ng

    pananaliksik, ayon na rin sa malayang kasunduan ng mga partisipante at mananaliksik.

    Ganito rin ang pagbibigay kaseguruhan ng mananaliksik sa mga kalahok ng FGD.

    Sa mga nagsagot ng survey, ipinabatid na pananatilihing konpidensyal ang

    kanilang katauhan at gagamitin lamang para sa saliksik ang nasabing survey.

  • 9

    IKATLONG KABANATA: REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

    Laging may dahilan ang ano mang pagbabago. Maaring ito ay kusang loob tungo

    sa pag-unlad o kaya naman ay itinakda ng mga may impluwensya bilang kundisyon sa

    ano mang hangarin. Sa mga bansang may papaunlad o bumabangong ekonomiya, ang

    malawakang Reporma ay kundisyong itinakda ng World Bank para makapangutang ng

    pondong pantustos sa pangangailangan (Bacon, 1999). Sa hanay ng mga bansang

    naghihikahos ay kasama ang Pilipinas.

    Sabihin nang pwersahan ang pagpasok sa Reporma dahil dikta ng mga

    International Financing Institutions (IFIs), subalit kung susuriin ay talagang kailangan

    ang Reporma sa Pakuryente upang makabangon ang ating ekonomiya o kung hindi

    man ay makatulong sa pagpapagaan sa problemang-pananalapi ng bansa.

    Matatandaang lantarang katuwiran ng pamahalaan sa pagsasabatas ng Reporma ay

    ang mabigat na adhikaing mabayaran ang pagkakautang ng National Power

    Corporation (o NPC) na nagkakahalaga noon ng USD 16.3 bilyon noon pang 2001 na

    kung kalian ang Php 43 = USD 1 (Reyes, 2011).

    Layunin ng Reporma

    Ang Reporma sa Industriya ng Pakuryente ng Pilipinas ay isinabatas sa RA 9136

    – Electric Power Industry Reform Act (o EPIRA) noong ika-8 ng Hunyo, 2001. Ito ay

    “naglalayong: (1) seguruhin at pabilisin ang pagpapakuryente sa kabuuan ng bansa; (2)

    seguruhin na may matataas na kalidad, maaasahan at matatag ang supply ng kuryente

    sa abot-kayang halaga, at (3) pangalagaan ang interes ng publikong nagbabayad at

    umaasa sa serbisyo ng mga utilities at providers ng elektrisidad” (RA 9136, Sec.2a-2k)

    Dahil sa Reporma, ang enerhiyang-kuryente na dating paserbisyo ay itinuring na

    produktong-kalakal na may masalimoot na kakaibahan o kakanyahan bilang

    commodity. Ang enerhiyang-kuryente ay hindi naiimbak at nalilikha lamang habang may

    kumukunsumo. Dapat isiping ang kakayahang gumawa at makapagpadaloy ng

    kuryente o capacity ay mula sa mga makinarya at pasilidad ay dapat na laging

  • 10

    makakatumbas sa demand – na dahilan kung bakit kailangan ng malaking puhunan. Sa

    ganoon, ang industriya ay may katangiang na likas sa isang monopolya na kailangang

    buwagin ng Reporma.

    Ang polisiya tungo sa pagpapakuryente sa buong bansa ay nakatuon sa

    programa para sa kaunlaran ng pamumuhay at ekonomiya. Ayon sa pag-aaral ng World

    Bank noong 1998 sa limang (5) Rural Electric Cooperatives o RECs, ang singhalaga ng

    pakuryente para sa ilaw lamang ng isang kabahayan o household ay USD 137.50 kada

    buwan (World Bank, 2002). Napakuryentehan na ang lahat ng mga potensyal na

    kabahayan sa mga mauunlad na komunidad, subalit itinatayang nasa tatlong (3)

    milyong potensyal pa sa mga probinsya at kanayunan noong matapos ang December

    2010 ayon sa National Electrification Administration ( o NEA) na siyang tagapangasiwa

    sa pagpapakuryente sa mga kanayunan. Ang ekonomiya ay uunlad ng hindi bababa sa

    USD 4.95 bilyon sa isang taon kung mapapailawan ang mga potensyal na kabahayan

    pa lamang. Isipin pa ang ekonomiyang dulot ng pakuryente na siyang nagpapa-ikot ng

    makinarya ng produksyon!

    Ang katuparan ng ikalawang layunin ng Reporma para sa mura subalit

    maasahan at may mataas na kalidad na pakuryente ay lubos na nakasalalay sa dami

    ng maibebentang kuryente sa isang lugar na makapagpapababa ng singilin sa

    paserbisyo na may subing kita na hihikayat sa mga mamumuhunan sa industriya.

    Ayon sa mga ginawang pag-aaral sa mga bansang sumailalim sa kahalintulad na

    Reporma kung may parehong antas sa buwis at polisiya sa mga bayarin sa dalawang

    bansa, pipiliin ng kapitalista ang bansang may higit na malaking merkado na kanyang

    pagkikitaan (Amerighi & De Feo, 2008) dahil sa balik ng tubong kinakailangan para sa

    malaking kapital na mahirap likupin sa mahihirap o hindi pa maunlad na pamayanan.

    Ang mga mamamayang naninirahan sa mga naturang lugar ay mahihirapang umasa sa

    pangalawang layunin ng EPIRA kung walang gagawing sapat na hakbang ang

    pamahalaan upang itaguyod ang social justice and equity.

    Ang pagtanggap ng mga mamamayan sa isang Reporma ay nakasalalay sa

    kaagapay na pagmamalasakit sa lipunan. Ayon kay Dubash (2002) ang Reporma sa

  • 11

    Pakuryente ay kadalasang may kaakibat na pag-aalis ng subsidiya na magpapataas sa

    taripa upang makamit ang ipisyenteng operasyon kaya ang resultang singilin ay

    makapagpapahirap sa mamamayan, kaya kailangang may nakalapat na istratehiya ang

    implementasyon upang maiwasan ang oposisyon mula sa mga konsyumer.

    Bagama’t malawak ang sakop ng ikatlong layunin na pangalagaan ang interes ng

    mga konsyumer na umaasa sa paserbisyo ng industriya, ang kabuuan ay nakatali sa

    iba pang sugnay na itinalaga ng EPIRA bilang pamamaraan o kasangkapan sa

    pagpapatupad ng Reporma. Sa pagkakataong ito ay naraarapat na ikahon lamang

    muna sa Prinsipyo ng Taripa ang paglalahad dito.

    Napakaraming prinsipyo at metodolohiya ng pagsusulit sa taripa, subalit ang

    pinakamahalaga ay ang “Used and Useful Principle” o pagbawi lamang ng mga

    gastusing ginamit para sa paserbisyo at gastusing napakinabangan ng mga konsumer.

    At upang maging equitable o patas ang taripa, ang “Cost Causation Principle” o

    paniningil ng angkop sa kung sino ang naging dahilan ng gastusin ay dapat

    nakaagapay. Mahalagang mabawi ng mamumuhunan ang kanyang capital at gastusin

    kaakibat ng makatuwiran at sapat na ganansya upang maipagpatuloy ang episyenteng

    pasaserbisyo (Berg & Tschirhart, 1988). Ang pagsusuri at pagpapahintulot sa tamang

    antas ng taripa ay pananagutan ng Energy Regulatory Commission (o ERC) sa

    sambayanang Pilipino, at inaasahang ang komisyon ay mananatiling patas at

    idependyente sa patupad sa maselang tungkuling ito.

    Mga Istratehiya ng Reporma

    Sa ikasasakatuparan ng Reporma, naging mahalagang tuntunin at istratehiya na:

    (1) itakdang lubos na pananagutan sa publiko na seguruhing lantad at makatuwiran ang

    halaga ng kuryente sa rehimen ng malaya at patas na kompetisyon upang makamit ang

    ekonomiya sa mataas na efficiency ng operasyon at pagsusulong sa karapatan ng

    konsyumer sa pagpili ng paserbisyo, at pag-igtingin ang kaangatan ng mga produktong

    Pilipino sa pandaigdigang kalakal; (2) palakasin ang pasok ng pribadong puhunan,

    partisipasyon sa mga kaakibat na risks, at mapalawak ang ownership base sa mga

  • 12

    sektor ng power generation, transmission at distribution; (3) seguraduhin ang patas at

    walang pagkiling na trato sa mga sektor ng publiko at pribado habang isinasaproseso

    ang Reporma sa industria ng pakuryente, at (4) isulong ang paggamit ng katutubo at

    new and renewable na yamang-enerhiya upang mabawasan ang pagsandal sa

    inaangkat na enerhiya (RA 9136).

    Mga Polisiyang Nakapaloob sa Reporma at Karanasan sa Ibang Bansa

    Ang kababangit na litanya ay mga batayang Polisiyang bumabalangkas sa

    Reporma na magkakaugnay at umiinog sa: (1) Pagsasapribado upang makapangalap

    ng kailangang puhunan; (2) Kompetisyon sa merkado o pamilihan para sa interes ng

    mamamayan at pamahalaan; (3) Regulasyon tungo sa kaseguraduhan, katatagan sa

    industriya at episyenteng paserbisyo nito, at panghuli ang (4) Mabuting pamamahala o

    “Governance”. Sa konsepto ay inaasahan ang tungalian ng mga polisiyang nabanggit

    sa magkabilang interes sa panig ng nagbebenta at bumibili ng serbisyo ng bawat sektor

    sa industriya.

    At tulad ng nasaad sa panimula, ang Privatization ang natatanging pagpipilian ng

    bansa upang magkamit ng pagkakataong maibangon ang ekonomiya. Makatotohanan

    at totoong ang tulak ng International Financing Institutions (IFIs) sa pagsasapribado ay

    hindi matanggihan ng mga bansang umaasa sa pangungutang o donasyong pondo

    (Leeds, 1991; Bergeron, 1991). Ang Privatization ay dapat ituring na paraan lamang sa

    pagkamit ng katatagan sa oras ng krisis sa politika at ekonomiya at hindi ang siyang

    layunin dito. Samakatuwid ang tagumpay ng polisiya ay masusukat lamang sa naging

    bunga kumpara sa ultimong layunin ng pagsasatupad nito (Aharoni, 1991; Domberger &

    Piggott, 1986; Vernon 1991).

    Ibig sabihin ang Privatization ay pagsasalin ng pag-aari o pangangalakal ng

    pamahalaan o Government-Owned Enterprises sa pribadong sektor patungo sa mas

    higit na kapakinabangan ng mamamayan – sa mga kadahilanang hindi na kayang

    tustusan ng pamahalaan ang paserbisyo dahil sa kakapusan ng pondo o kaya’y upang

    mabawasan ang pagkalugi ng pamahalaan dahil sa hindi maayos na pagganap ng

  • 13

    anumang ahensya. Sa bandang huli, ang kapakanan ng mamamayan o Public Welfare

    pa din ang dapat isinasaalangalang dito.Mahalagang maititik ang pananagutan ng

    pinagsalinan ng pagmamayari: na dapat ay laging ligtas na maipagpalagay na may

    hangarin at kakayahang itong mapagbuti ang pagganap dahil nakataya din ang interes

    niya dito (Vernon, 1991; Yotopoulos, 1989; Jones et al, 1991). Ang pribado ay dapat na

    maging episyente sa pagbibigay ng tama at angkop na paserbisyo upang kumita ng

    maayos.

    Dapat ding isa-isip na ang pribadong kapitalista ay maghahangad ng

    masaganang kita at tubo sa kanyang negosyo kaya’t maaaring maisakripisyo niya ang

    kapakanan at interes ng lipunan. Hindi malayong magsamantala sa halagang sisingilin

    nya katumbas ng kanyang produkto o paserbisyo. May panganib din na sa paglaon ay

    maipasalin ang dating publikong monopolyo sa isang pribadong monopolyo kung

    pagkakaisahan ang mga pribadong namumuhunan.

    Upang lumawak at dumami ang pribadong puhunan sa industriya, kailangang

    may kaseguruhan o kaya’y insentibo ang mga kapitalista – katulad ng pagtalikod ng

    pamahalaan sa pagtustos sa nasabing industriya subalit may pagsasaalang-alang ang

    pa rin sa interes at kapakanan ng publiko. Ito ay batay sa naging pag-aaral ni Nankani

    (1990) sa Chile, Malaysia at Sri Langka.

    Ang kasagutan dito ay kompetisyon na siyang magbibigay ng pagkakataaon sa

    konsumer na mamili ng produkto o paserbisyo sa may tamang halaga ayon sa

    presyong kanyang babayaran. Ito ay nangangahulugan ng pagbubuwag sa isang

    industriyang vertically integrated o pagmamay-ari ng magkasunsong mga sektor sa

    pakuryente: generation; transmission; distribution, at supply na pinaghiwalay ng EPIRA.

    Mula sa mga resulta ng pag-aaral nina Zhang et al (2006), “napatunayang

    lubhang napakahalaga ng tunay na kompetisyon sa pagpaangat ng antas ng

    paserbisyo mula sa mga namumuhunan sa larangan ng kakayahang tumugon sa

    paglaki ng volume ng enerhiya at kapasidad sa pagpapakuryente, sa mahusay na

    pagkilos ng mga manggagawa at mahusay na paggamit ng puhunan” Kung gayon, ang

    kompetisyon ay pinakamabisang sangkap sa pagsulong ng kapakanan ng publiko tungo

  • 14

    sa pagpapababa sa taripa ng kuryente at pagpapabuti ng kalidad ng maasahang

    paserbisyo.

    Subalit mahalaga pa rin ang Regulation sa pagtiyak sa kapakanan ng Publiko

    lalo na kung nagiging napakalawak na ang pagmamay-ari ng mga pribado sa

    repormadong industriya, lalo na kung mahina ang kompetisyon (Shirley and Nellis,

    1991; Zhang et al, 2006). Ang regulasyon ang siyang magwawasto sa gawi ng

    industriya kapag ang ibang istraktura ng Reporma ay nabigo. Kailangang ang

    balangkas ng regulasyon at sariling istraktura nito ay walang-pasubaling nakatutok

    laban sa pang-aabuso ng mga manlalaro sa industriya.

    Ayon naman kina Bakovic et. al. (2003) kailangan din ang mahigpit na

    pagbabantay para sa patas na Kompetisyon sa pamamagitan ng mga istrakturang

    pipigil sa pang-aabuso sa merkado. May awtoridad na dapat nagsasagawa nito na

    hiwalay sa tungkulin ng Regulasyon dahil ang Regulasyon ang siyang magpapairal ng

    direct at indirek na pagtutuwid sa industriya sa layuning mapakamit ang tamang galaw

    ng mga istraktura at manlalaro – kasama na ang pagpataw ng taripa, pagpapatupad sa

    kalidad ng serbisyo, entry-dispatch guidelines at pagkontrol sa bilang ng manlalaro sa

    Industriya (Reiche et al, 2006).

    At mula kay Dubash (2002), ang bahagi ng balangkas na mag-uugnay sa lahat

    ng istraktura ng Reporma ay ang wastong pagsasapamahala o good governance. Ito ay

    nagbibigay daan sa mas mabisa at epektibong pagdedesisyon sa mga isyu sa Reporma

    ng pagpakuryente. Ito rin ay nagtatakda ng isang predictable at politically viable na

    patakaran para sa pribadong pamumuhunan. Ang governance ay kaugnay sa mga

    processo tungkol sa Polisiya; Regulasyon, at aspetong panlipunan at pangkalikasan.

    Maraming bansa ang sumailalim sa katulad ding Reporma. Sa mga papaunlad

    pa lamang na mga bansa tulad ng El Salvador ang Reporma ay hindi nakapagpaangat

    ng ekonomiya na taliwas sa mithiin, sa kadahilanang hindi angkop ang mga

    pamamaraan dulot ng kulturang politiko, kung saan naisalin ang monopoly mula

    pamahalaan sa piling pribado (Lara, 2006); tulad din sa Cameroon na hindi naihanda

    ang mga kakayahan ng mga ahensya sa istraktura ng Reporma (Pineau, 2004). Higit sa

  • 15

    lahat, ang pagkabigo ng Reporma sa California (Dubash, 2002) na siyang huwaran ng

    EPIRA ng Pilipinas. Mayroon din mga naging matagumpay na Reporma tulad ng sa

    Chile. Ang naging kaibahan lamang doon ay ang pagsasaalang-alang sa pwersa ng

    pamilihan. Ang mga dumanas ng kabiguan ay mga bansang napilitan lang na maki-

    ayon sa napausong paghakbang tungo sa Reporma.

    Isang katanungan ang dapat pag-isipan: Ang EPIRA ba ng Pilipinas ay

    sumusunod sa bakas ng nabigong Reporma ng pakuryente sa California na siyang

    naging modelo nito?

    Mga Pangunahing Hakbang sa Pagpapatupad

    Upang maging matagumpay ang Reporma “kailangan at mahalagang: (1)

    itaguyod ang maayos at lantad at pagsasapribado ng mga ari-arian at mga

    pagkakautang ng National Power Corporation (o NPC); (2) magtatag ng mabisa at

    lubos na malayang Regulatory Body at mga sistema upang mapangalagaan ang mga

    kusumidor at mapalakas ang kompetisyon sa operasyon sa pamilihan ng pakuryente, at

    (3) itaguyod ang episyenteng paggamit ng enerhiya at iba pang pamamaraan sa

    Demand Side Management (o DSM) (RA 9136).

    Ang mga Rural Electric Cooperatives (RECS) sa Ilalim ng EPIRA

    Ang mga Rural Electric Cooperatives (RECs) ay isa sa mga industry players sa

    distribution na naapektuhan ng mga Reporma. Sila ay mga non-stock at non-profit na

    mga kooperatiba na siyang nagsasagawa ng pagpapakuryente tungo sa kaunlaran sa

    kanayunan sa pangangasiwa ng National Electrification Administration (NEA) ng

    pamahalaan (PD 269), datapwa’t binigyan ng option na maging stock at profit

    cooperative sa bandila ng Cooperative Development Authority sa ilalim din ng Reporma

    sa industriya (RA 9136).

  • 16

    Ang mga RECs ay itinatag sa hangaring magpalaganap ng pakuryente sa lahat

    ng kanayunang nasasakop ng kanyang prangkisa nang walang pasubali sa viability –

    ay may taripang cash flow reimbursement basis upang mabawi ang pambayad sa mga

    utang na ipinantustos sa pamumuhunan o Capex, pantugon sa operasyon o Opex at

    mga buwis. Ang NEA ay naatasang magpautang para sa Capex at magbigay ng

    subsidiya mula sa pondo ng pamahalaan para sa pagpapalawak ng mga ng linya,

    bilang instrumento ng pamahalaan tungo sa pagpapaunlad sa kanayunan (National

    Electrification Administration, n.d.). Ang karagdagang puhunan ng mga RECs ay

    nagmumula lamang sa ibinabayad ng mga kasaping konsyumers.

    Ang mga RECs na nasa malalaki at mauunlad na mga isla ay

    nakikipagkompetisyon sa pamilihan sa mga major power grids subalit ang mga RECs

    sa mga maliliit at maralitang mga isla ay umaasa sa Missionary Electrification ng NPC-

    SPUG kung saan ang presyo ng generation ay may subsidiya ng Universal Charge for

    Missionary Electrification (o UCME) na binabalikat ng lahat ng konsyumer ng kuryente

    sa buong bansa (Department of Energy, n.d.). Darating ang panahon na ang mga

    kosyumer ay tututol na sa pagpasan ng subsidiya para sa UCME. Ang NPC-SPUG

    naman ay nakatakda ding buwagin sa ilalim ng EPIRA (RA 9136).

    Dahil sa istraktura ng pagmamay-ari, sa anyo ng pamumuhunan at sa karalitaan

    sa prangkisa ng mga RECs, masasabi kayang naaangkop ang EPIRA sa

    ikapagpapadaloy ng kaunlaran sa kanayunan? Makikitang ang prinsipyo sa

    pagpapataas ng pangkalahatang kalidad ng paserbisyo ay taliwas sa konsepto ng

    pagbababa ng singilin sa mga lugar na maliliit lamang ang pamilihan at ang

    mamumuhunan ay tiyak na maghahangad ng masaganang balik-kita ng kanilang salapi.

  • 17

    IKA-APAT NA KABANATA: BALANGKAS NG PAG-AANALISA

    Kung susuriin ang Reporma sa Pakuryente, ang ultimong layunin nito ay ang

    pagseguro sa kapakanan ng bayan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng ekonomiya

    na idudulot ng pagsugpo sa kalugihan ng pamahalaan na mula sa direktang

    produksyon at pagpapadaloy ng kuryente, at ang kaakibat na paglago ng industriya ng

    produksyon at komersyo.

    Ang Electric Power o Pakuryente ay isa sa mga pinakamahalagang sangkap ng

    kaunlaran sapagkat ito ay kailangan ng mga industriya ng produksyon at kalakal na

    siyang nagpapasok ng salapi sa kaban ng bayan. Sa kasalukuyan, itinuturing din na

    ang kuryente ay isa sa mga batayang pangangailangan sa pang-araw-araw na

    nagdudulot ng kaalwanan sa maraming aktibidad ng mga mamamayan. Hindi magiging

    maunlad ang ekonomiya ng ating bansa kung walang maayos, mura at mabisang

    sistema ng Pakuryente (Udah, E. B., 2010). Ito ay pangunahing dahilan kung bakit ang

    kaunlaran ay nakasentro lamang sa mga piling lungsod at pamayanan.

    Ang kakulangan sa serbisyo ng pakuryente sa kanayunan ang nagtutulak sa

    paglikas ng mga mamamayan patungo sa mga urbanisadong pamayanan upang

    makakita ng hanap-buhay at makaranas ng kaginhawahan (International Chamber of

    Commerce – World Business Organization, n.d.). Ang di-mapigilang migrasyon ang

    nagpapasikip sa mga mauunlad na komunidad at siya namang nagiging dahilan ng

    samu’t saring problemang nakakapigil sa kaunlaran.

    Sinasabing ang pagkakaroon ng kuryente ay tumutulong sa pangkabuuang pag-

    unlad sa bansa at ang antas ng paggamit ng enerhiya ng mga sektor ng konsyumer ay

    sagisag ng kauunlaran ng ekonomiya. Ang pakuryente ay may mahalagang papel sa

    balansyadong pag-unlad sa larangan ng agrikultura at mga industriya ng produksyon

    kaya kinakailangang tugunan ang maayos at maasahang kalidad ng kuryente sa

    makatarungang presyo at ang epektibong paggamit nito. Malakas gumamit ng kuryente

    ang mga mauunlad na pamayanan subalit ang mga yamang pang-ekonomiya ay nasa

    kanayunan na kailangang mabigyan ng pagkakataong makinabang sa mga

    teknolohiyang umamasa sa kuryente. Dapat na isabay ang pagpapaunlad sa

  • 18

    kanayunan tungo sa kaunlaran ng ekonomiya ng buong bayan (National Power

    Corporation, n.d.) at bilang aspeto ng social justice na tumutugon sa pagsupil sa

    energy-poverty, na kung saan ang isang pamilya ay walang kakayahang abutin ang

    enerhiyang kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay. (Walsh, 2011)

    Ang pagpapalaganap ng maayos at abot-kayang enerhiya sa mga kanayunan

    ang maselang misyon ng mga RECs, na nasakupan din ng Reporma sa Pakuryente.

    Nakasalalay kung ganoon sa balangkas at mga istraktura ng Reporma ang kaunlaran

    sa kanayunan.

    Ang simpleng pagpapakuryente sa kanayunan ay hindi sapat upang

    makapaghatid ng pag-unlad sa ekonomiya o paglawak ng komersyo. Mahalaga ang

    maasahan at walang putol na suplay ng kuryenteng na magsusulong sa makaabagong

    teknolohiyang pang-impormasyon, komunikasyon, edukasyon, kalusugan at

    transportasyon na siyang salalayan ng paglago ng hanap-buhay (Niez, A, 2010) Ayon

    sa Modernization Theory, inaasahang ang paggamit ng akmang teknolohiya sa mga

    lesser-developed na pamayanan (e.g. mga kanayunan) ay maghahatid ng pagginhawa

    ng ekonomiya (economic growth).

    Inaasahang sa pamamagitan ng EPIRA ay magdudulot ng mahusay na kalidad

    (angkop sa pinaggagamitna at walang brownout), episyente at murang pakuryente na

    kailangan para sa kaunlaran. Marapat na ang merkado ng pakuryente na nilikha ng

    nakapaloob na liberalisasyon at kompetisyon sa reporma ay makakatugon sa

    pangangailangan ng buong kapuluan upang maseguro ang pag-unlad ng ekonomiya.

    Sa pagtuon sa balangkas ng EPIRA at partikular sa prangkisa ng mga RECs,

    susuriin ang mga polisiyang batayan ng Reporma sa pagliberalisa at pagsasapribado

    ng sektor ng pakuryente, at kung naging epektibo ang nasabing mga pamamaraan

    upang magkaroon ng malayang kompetisyon sa nasabing sektor. Hangaring

    mapatunayan na tama ang istratehiya sa ginawang liberalisasyon sa industriya. Higit

    sa lahat, masusuri din kung ang Reporma sa industriya ay makapagtataguyod sa Rural

    Electrification.

  • 19

    Sa paningin ng mga konsyumer ay masasabing naging mabisa ang

    pagpapatupad sa EPIRA sa loob ng nakaraang sampung (10) taon pag-iral nito kung: 1)

    Napabilis at naging ang pagpapakuryente sa mga kanayunan sa buong bansa; 2)

    Umunlad ang kalidad ng paserbisyo sa kuryente sa technical na sukat nito (reliability

    and parametric quantities), at 3) Naging makatuwiran ang antas ng taripa na

    inaasahang magiging bunga ng pagsasapribado, liberalisasyon at kompetisyon.

    Sa hanay ng mga Rural Electric Cooperatives, maituturing na episyente sa

    pagpapalaganap ng kaunlaran and Reporma kung: 1) Nakapapagdulot ito ng katatagan

    at seguridad sa operasyon habang isinasaalan-alang ang non-stock at non-profit na

    istraktura ng ng mga kooperatiba, at kadukhaan sa kanilang mga prangkisa, 2) Hindi

    nakasagabal ang Reporma sa pagpapatuloy ng pagpapalawak ng pakuryente sa mga

    maralitang pook ng kanayunan, at 3) Ang taripa ng kuryente ay nakatulong sa

    pagtataguyod ng pag-unlad ng ekonomiya sa mga probinsiya.

    Sa aspetong panlipunan, masasabing naging makatarungan ang Reporma sa

    Pakuryente kung: 1) Naging instumento ang EPIRA upang mapairal ang tamang

    paglalapat ng mga benepisyo at pasanin ayon sa kakayahan at pangangailangan ng

    lahat ng sektor sa industriya – kasama na rin ang mgas konsyumer, at 2) Nakinabang

    ng lubos ang mga mamamayan mula sa paggamit ng mga katutubo at likas na yaman

    sa kanilang lugar na maaring gamitin sa paglikha ng kuryente.

    Depinisyon ng mga Terminolohiya

    Kalidad. – Ang kuryente o paserbisyo sa kuryente ay masasabing nasa wasto o may

    magandang kalidad kung maaasahan ang patuloy na pagdaloy nito at

    nasa tamang antas ang parametro tulad ng boltahe at frequency na naka-

    angkop sa mga pinaggagamitan nito.

    Energy poverty. – Ito ay sitwasyon na kung saan ang isang pamilya ay walang

    kakayahang abutin ang enerhiyang kailangan sa pang-araw-araw na

  • 20

    pamumuhay na maaring dulot ng kakapusan sa pinansya o kakulangan ng

    pisikal na pasilidad.

    Episyente. – Sinasabing episyente ang pagganap ng isang sektor sa industriya ng

    pakuryente, o ng buong industriya kung ang paserbisyo ng kuryente ay

    may kalidad at nabibili sa pinakamurang halaga.

    Istraktura. – Ang istraktura ay kabuuan ng batayang polisiya, gabay, proseso at iba’t

    ibang mekanismo na sinusunod sa pagpapatupad ng Reporma sa

    pakuryente. Maari ding sa paggamit ay mangahulugang anyo,

    oryentasyon at kakanyahang pangnegosyo ng REC o ibang kompanya.

    Missionary Electrification. – Ito ay programa sa EPIRA na nakadisenyo upang magbigay

    ng mura kaysa totoong presyo ng kuryente sa pamamagitan ng mga

    subsidiyang mula sa pamahalaan o kontribusyon ng mga mamamayan na

    ipinantutustos na pampuno sa tunay na presyo nito, o ang pagtustos ng

    pamahalaan sa mga proyektong nagpapalawak sa pasilidad ng

    pakuryente upang hindi maging bahagi ng singilin ang puhunan dito.

    Occidental Mindoro. – Sa pagtukoy sa nasabing probinsya, nangangahulugan ito sa

    mga lugar na nasasakop ng prangkisa ng Occidental Mindoro Electric

    Cooperative, Inc. (OMECO) at hindi kabilang ang mga bayan ng Looc at

    Lubang na nasa prangkisa ng ibang REC.

    Pribatisasyon. – Ito ang pagsasalin ng pag-aari ng pamahalaan sa pribado upang

    mahikayat ang pagdagsa ng pribadong kapital na magdudulot ng free

    kompetisyon sa Industriya ng Pakuryente. Kung minsan ay nagagamit din

    ang “pagsasapribado” sa ganitong kahulugan.

    Reporma – Ito ay pagbabago sa industriya (ng pakuryente). Ang EPIRA ay nagagamit

    ding kapalit nito.

  • 21

    IKALIMANG KABANATA: MGA RESULTA

    Matapos ang masusing pagsasaliksik ang mga sumusunod na impormasyon ay

    nakalap mula sa Key Informant Interview (KII) na nilahukan ng mga eksperto sa

    Industriya; Focus Group Discussion (FGD) at Survey (Sarbey) na nilahukan naman ng

    mga mga konsyumers ng REC.

    Ang Nagbunsod sa EPIRA at Layunin Nito

    Mula sa mga ekspertong partisipante sa isinagawang panayam (o KII) ng

    mananaliksik, konsiderasyong pampinansya o financial consideration ang dahilan sa

    pagsasabatas at pagpapairal sa EPIRA at may may tatlong pangunahing puntos ang

    nais tugunan ng EPIRA: Una ay ang mataas na presyo ng kuryente dulot na rin ng

    patuloy na pagtaas ng rate ng NPC na siyang default supplier sa buong bansa;

    Pangalawa ay ang mismong katangian ng industriya ng pakuryente na lubhang capital-

    intensive kaya kinailangang mangutang ang NPC ng napakalaking halaga upang

    makahabol ang kanyang operasyon sa hinihingi ng industriya, at ang Pangatlo ay ang

    epekto ng Asian Financial crisis na pumigil sa mga mamumuhunan sa mga industriya

    dahil sa pagbagsak ng ekonomiya.

    Sinabi pa sa KII na ang Reporma sa Pakuryente ay pagtugon sa energy poverty

    sa pamamagitan ng pagbibigay access o paglalapit sa mga mamamayan sa mga

    pasilidad ng kuryente at ang pagbababa ng presyo ng singilin sa paserbisyo upang

    maging abot-kaya sa mga karaniwang mamamayan na nangangailangan nito sa pang-

    araw-araw na pamumuhay.

    Hindi lubos ang kaalaman ng mga konsyumer tungkol sa layunin ng EPIRA.

    Makikita sa Table 2 na 40% ng kalahok sa sarbey ay kapos sa kalaman subalit 51%

    ang kahit paano ay may katamtamang antas ng kaalaman sa EPIRA. Nasa 6% lamang

    ang nagsabing lubos ang kanilang kaalaman tungkol sa Reporma. Ang over-all

  • 22

    weighted mean (1.59) ay tumutukoy na sa pangkalahatan ay kulang ang kaalaman ng

    mga konsyumer tungkol sa buong layunin ng Reporma, sa naging batayan ng

    pagsasabatas nito at kung paano ito ipatutupad.

    Table 2

    Ugnayan ng Pagpapakuryente at Kaunlaran

    Naipaliwanag sa KII ang kaugnayan ng pagpapakuryente sa kaunlaran na

    sinang-ayunan din sa FGD habang natukoy sa sarbey na bagaman malawak na ang

    napaserbisyuhan sa OMECO, hindi pa kumpleto ang pagpapadaloy ng serbisyo sa mga

    kanayunan at para sa pangkalahatan ay hindi ito naging daan sa pag-unlad ng

    pamumuhay na taliwas sa inaasahan.

    Ayon sa KII, ang pagpapakuryente ay mahalaga "para sa pagpapabilis ng

    kaunlaran sa pamamagitan ng modernisasyon" dahil mas mapapahusay at magiging

    mabilis ang trabaho kapag may kuryente kung "mapapalitan ng electric-powered

    machines ang mechanical-driven system". Ang pakuryente ay hindi lamang para sa

  • 23

    kaginhawahan sa pamumuhay ng mga tao kundi para sa pag-unlad ng

    industriyalisasyon at komersyo. Ang solusyon sa problema sa energy poverty na

    adhikain ng United Nations at siyang dapat na maging sukatan ng kaunlaran ng

    komunidad na maihahatid lamang ito sa pamagitan ng abot-kayang halaga ng kuryente

    subalit may tamang kalidad na angkop sa pinaggagamitan.

    Makulay ang paliwanag sa FGD: "Walang kaunlaran kung walang kuryente”. Ang

    tuloy-tuloy at reliable o maaasahan ang pagpapakuryente ay sandalanng mga negosyo.

    "Kasi kapag nagbuwelo na ang ekonomiya, kailangang ituloy-tuloy na iyan kaya sa

    kasalukuyang sitwasyon ay mahihirapan ang ekonomiyang lumago dahil sa kakapusan

    ng suplay ng kuryente sa probinsiya ng Occidental Mindoro”. Samantala, ang

    kalawakan ng paserbisyo ng pakuryente sa Occidental Mindoro ay inilarawan ng mga

    konsyumer sa kasunod na Table – 3.

    Table – 3

  • 24

    Ayon sa resulta ng sarbey na ipinakita sa Table – 3, 54% ang nagsabi na hindi

    lahat ng kanilang kamag-anak sa mga sitio ay narating na ng pakuryente at hindi rin

    lahat sa kanila ay may magaan na antas ng pamumuhay. 18% din ang nagsabi na mas

    marami na sa kanilang kamag-anak sa mga sitio ang may serbisyo na ng kuryente at

    mas magaan na ang pamumuhay. 25% ang tumugon na lahat ng kanilang mga kamag-

    anak may serbisyo na ng kuryente at talagang magaan na ang pamumuhay. Ang over-

    all weighted mean (1.64) ay indikasyong matibay na mas marami na pang mga sitio ang

    wala pang paserbisyo ng kuryente at hindi magaan ang pamumuhay ng mga kamag-

    anak ng mga konsyumer na naninirahan sa mga sitio na wala pang kuryente.

    Social Justice Component

    Lahat ng mga eksperto sa KII ay sumasang-ayon na may social justice

    component ng EPIRA sa ilalim ng Missionary Electrification na mekanismo sa

    pagpapababa sa presyo ng kuryente at susi sa pagpasok ang mamumuhunan para sa

    ikauunlad ng mga isolated islands dahil "hindi uunlad ang bansa kung salat sa

    pamumuhay ang mga mamamayan at walang economic activities sa mga probinsiya".

    Lumutang na ang Missionary Electrification ay tugon sa hindi pagkakabenta ng

    mga assets ng NPC sa mga isolated islands. Dahil dito ay malaki ang naging

    pangangailangan sa Universal Charge for Missionary Electrification upang matupad ng

    gobyerno ang tungkulin nitong pagpapa-kuryente sa mga lugar na hindi napasukan ng

    pribadong mamumuhunan, mula sa perang inaambag ng lahat ng konsyumer ng

    kuryente sa buong bansa na nakapaloob sa kanilang electric bill. Ayon din sa KII ay

    hindi lamang sa UCME kumukuha ng pondo para sa pagpapakuryente sa mga

    nasabing lugar kundi maging sa pondo mula sa national budget.

    Sitwasyon Bago ang Panahon ng EPIRA

  • 25

    Bago dumating ang panahon ang EPIRA ay mayroon ng monopolyo sa

    industriya, ayon sa sa KII, kahit mayroon nang vertical separation o unbundled na ang

    industriya na ang ibig sabihin ay hiwa-hiwalay na ang pagmamay-ari o ownership sa

    mga sektor ng generation, transmission at distribution. Ang generation daw ay dapat

    mag-produce ng kuryente habang ang transmission naman ay ang nagde-deliver ng

    kuryente ng bultuhan sa mga distributor na ang siyang magde-deliver ng kuryente sa

    mga end-users. Sa panahong bago dumating ang EPIRA na ang generation at

    transmission ay nasa ilalim ng NPC.

    Sa simula naman ay walang masyadong involvement sa mga RECs ang DOE at

    tanging sa pagpaplano para sa major grids at pagmomonitor ng supply at demand

    lamang nakapokus ang ahensya. Bago pa ang EPIRA, ang mga RECs (at ibang mga

    DUs) naman ay nakikipagkontrata na sa mga pribadong planta (IPPs) dahil daw mas

    murang sumingil ang mga IPPs dala ng mas maliit na administrative, operation and

    management cost at mas mura ang fuel kaysa sa NPC.

    Subalit ayon sa KII ay nalugi sa operasyon ang IPP sa Occidental Mindoro, hindi

    nakabawi sa puhunan nila hanggang di-umano ay napilitang magsagawa ng economic

    shutdown. Hindi kasi nakasabay ang tema ng kontrata sa IPP sa naging hugis ng

    industriya bago pa man mag-EPIRA at lalo na noong sa loob na ng Reporma.

    Pumasok ang IPP sa kontratang mas mababa ang singil kaysa sa NPC-SPUG – na

    may tustos ng subsidiya mula sa pamahalaan kapalit ang karapatan bilang 25-taong

    eksklusibong pribadong power supplier dahil sa pag-asang mabilis na lalago ang

    merkado. Sa kasalukuyan ay wala pang makapasok na ibang pribadong planta sa

    OMECO habang sa kasalukuyan ay usapin pa sa korte ang pagwawalang-bisa sa

    nasabing kontrata. Ang IPP kailan man ay hindi naging kwalipikado upang matustusan

    mula sa subsidiya dahil sa teknikalidad sa proseso sa ginawang paghirang sa naturang

    IPP bilang tanging pribadong suplayer para sa OMECO.

    Pinagdiinan naman ng FGD sa kanilang lahatang pagsang-ayon na hindi

    maganda ang sitwasyon ng kuryente sa kanilang lugar sa panahong bago pumasok ang

  • 26

    EPIRA dahil sa suplay mula sa NPC-SPUG at IPP. Halos araw-araw daw na walang

    kuryente kaya napipilitan na lamang silang gumamit ng kandila o kaya ay gasera.

    Ekspektasyon sa EPIRA

    Dahil sa ganitong sitwasyon sa pakuryente bago dumating ang Reporma, ang

    mga konsyumer ay umaasa sa magandang benepisyong idudulot ng batas EPIRA.

    Mula sa Table 4, sa susunod na pahina, na hango sa sarbey ay nakitang 9% ng mga

    partisipanteng konsyumer ang may negatibong ekspektasyon habang 19% ang

    umaasang walang magiging pagbabago sa pakuryente sa aspeto ng: Presyo; Brown-

    out; Kalidad ng kuryente, at Paserbisyo ng REC. Halos 69% ang umaasa sa

    magandang benepisyo o magging bunga ng Reporma. Batay sa over-all weighted mean

    ng mga kasagutan (2.52), sumasampa ang ekspektasyon nila sa antas na may

    “magandang ibubunga ang EPIRA”. sa apat (4) na aspetong tinukoy sa sarbey.

    Isa sa sukatan ng episyensya ng systema ay ang kalidad ng kuryente. Ayon sa

    sarbey (Table 4), 70% ang umamaasang gaganda ang kalidad nito samantalang 21%

    ang nagsabing walang magiging pagbabago. 5% naman ang umaasang mas lalala pa

    ang sistema dahil sa EPIRA.

    Tungkol naman sa sinasabing pagbaba sa presyo ng kuryente, ipinakita din ng

    Table 4 na 17% ng partisipante sa sarbey ang umaasang mas tataas pa ang presyong

    kuryente, na siyang inaasahan dahil sa patuloy na pagtaas ng fuel. 15% ang tumaya na

    hindi magbabago ang presyo samantalang 65% ang umaasang kung hindi man

    bumaba ang presyo ay magiging makatuwiran naman ito.

  • 27

    Table 4

    Idinagdag naman ng mga eksperto sa KII na sa teorya ay tamang isipin na

    bababa ang presyo at magiging episyente ang industriya kung may kompetisyon na

    kaakibat ng mahusay na regulasyon na siyang magbibigay proteksyon sa mga

    konsyumer na walang kakayahang bantayan o ipaglaban ang kanilang interes.

    Subalit dapat isipin na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng inaangkat na fuel

    ang siyang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng kuryente kaya kinilala ng

    batas na ang paggamit ng renewable energy o pagtatayo ng mga pribadong planta na

    hindi gumagamit ng fossil fuel (petrolyo) tulad ng solar, wind, biomas, hydro at iba pang

    teknolohiya ang pangmatagalang istratehiya sa pagpapababa ng presyo ng kuryente.

    Lubhang mahal ang kapital para sa mga nasabing teknolohiya at hindi pa

    naipapatupad nang malawakan ang istratehiya. Sa Occidental Mindoro naman ay wala

    pang resource assessment study o mga pag-aaral sa mga maaring pagtayuan ng mga

  • 28

    planta, at hindi pa rin malinaw ang mga gabay na polisiya at tuntunin tungkol sa

    insentibo sa pagtatayo ng ganitong uri ng planta sa mga probinsiya sa mga isla.

    Kaalaman o Pagkakaunawa sa EPIRA

    Sa pitong kalahok ng FGD, dalawa ang nagpahayag ng pagkakaintindi sa EPIRA

    bilang isang proseso ng pagsasapribado ng industriya ng pakuryente mula sa

    pagmamay-ari ng gobyerno. Subalit hindi lahat ng konsyumer ay nakakaintindi sa

    kabuuan ng EPIRA dahil at hindi naman kasi talaga maiintindihan ng "common tao" ang

    teknikalidad ng batas kung hindi epektibo ang pagpapalaganap ng mga impormasyon

    tungkol dito. Ang karamihan ng mga konsyumer ng REC ay walang pakialam sa

    teknikalidad ng EPIRA at ang mahalaga lamang sa kanila ay ang nakikita nilang resulta.

    Ang Pribatisasyon sa Sektor ng Generasyon Bilang Stratehiya sa Ilalim ng EPIRA

    Ayon pa rin sa mga eksperto sa KII, ang susi ng reporma ay nakasalalay sa

    pagsasapribado sa NPC na nakatutok upang mabawasan ang pangingibabaw o

    dominance nito sa generation. Mas episyente kung pribado ang hahawak sa sektor ng

    generation. Sinimulan na pribatisasyon tungo sa liberalisasyon sa bisa ng EO125 o IPP

    Program of the Philippines noong dekada 1990 at pinag-igting lamang sa EPIRA

    ngayong milenyo ng 2000.

    May lumutang din na pananaw na ang pagsasapribado ng NPC ay pagsunod

    lamang sa dikta ng World Bank. Sa dahilang umuutang ang pamahalaan sa World Bank

    kaya natural lamang at kailangang sumunod ang pamahalaan sa mga utos ng banko.

    Subalit lumabas din sa buong pagtimtimbang sa KII na ang pribatisasyon nga ang

    solusyon sa kakulangan ng supply at mataas na presyo ng kuryente dahil ito ang

  • 29

    esensya ng EPIRA sa disenyo ng restructuring: Ang pagsasalin ng pagmamay-ari sa

    pamamagitan ng pribatisasyon at pagbabago sa oryentasyon ng pagnenegosyo tungo

    sa malayang kompetisyon. Ang pagsasapribado sa NPC ay mag-aalis ng monopolyo ng

    pamahalaan sa generation sektor upang pumasok naman ang mga pribado at lumikha

    ng malayang kompetisyon sa Industriya. Kaya inaasahan na bababa ang presyo dahil

    sa mas magiging episyente supply na magiging resulta naman ng pagkakaroon ng mas

    maayos na makina at kumpetisyon sa merkado dahil sa liberalisasyon.

    Kompetisyon sa Ilalim ng EPIRA

    Sa usapin tungkol sa kompetisyon sa ilalim ng EPIRA, sinabi sa KII na hindi

    naturally competitive ang sektor ng generation. Ito daw ay potentially competitive

    lamang dahil sa pagiging capital-intensive nito. Bihira ang pumapasok sa industriya

    dahil napakalaki ng puhunang kailangan at napakalaki ng pagbabakasakali na itataya

    ng mamumuhunan. Gayun pa man, naniniwala ang mga eksperto na magkakaroon

    lamang ng kompetisyon sa generation kung lahat ng DU ay magkakaroon na ng

    kakontratang NPP. Marami nang pumapasok sa industriya ng pakuryente sa mga main

    grids kagaya ng malalaking kompanya na traditionally ay hindi naman kabilang sa

    industriya kaya mas nakakapili na daw ng supplier o provider sa mas maaasahan at sa

    mas murang presyo ng kuryente ang mga konsyumer.

    Nabanggit din sa KII na may kakontratang IPP ang REC sa Occidental Mindoro

    noon pa mang 1990s na tumawid hanggang sa rehimen ng EPIRA at sa ngayon ay

    naka-eonomic shut-down ito. Ngunit ayon sa 45% ng mga partisipante sa sarbey ang

    nagsabing hindi mahusay o hindi katangap-tangap ang naturang pribadong planta sa

    OMECO. Nakakagulat na may 30% ang nagsabing walang pribadong planta

    samantalang 15% lang ang nagpahayag na mahusay ang pribadong planta.

    Matutunghayan sa kasunod na Table 5 ang resulta ng sarbey tungkol sa pagtanggap

  • 30

    ng mga konsyumer sa performance ng mga planta, magkasama ang IPP at NPC-

    SPUG.

    Table 5

    Mula pa din sa Table 5, 52% ng kalahok sa sarbey ang pumuna na hindi

    katanggap-tanggap ang ipinamalas ng NPC at 8% ang hindi alam na may NPC habang

    29% ang natutuwa sa ipinamalas ng NPC. 50% naman sa mga partisipante ang

    sumang-ayon na kunin na ng OMECO ang operasyon ng mga planta habang 20% ang

    naniniwalang walang idudulot na magandaang benepisyo ang nasabing mungkahi at

    21% ng mga konsyumer ang nagsabing dapat manatili ang mga planta sa

    kasalukuyang mga nagmamay-ari. Lumalabas na hindi kumbinsido sa performance ng

    mga planta (ang over-all weighted mean na 1.52) – mapasa-pribado man o NPC. Mas

    malamang pa ang pagkiling ng mga konsyumers na maging pag-aari ng OMECO ang

    mga planta.

    Ang Regulasyon sa Transmisyon at Distribusyon sa Ilalim ng EPIRA

  • 31

    Bagaman ang pribatisasyon at liberisasyon sa merkado ang pangunahing

    stratehiya sa EPIRA, sinabi sa KII na ang mga maliliit o captive konsyumer ay

    kailangang proteksyonan sa pamamagitan ng regulasyon. Ang regulasyon din ang

    pipigil sa pang-aabuso sa merkado. Minabuti ng batas na isa-ilalim ang mga sektor ng

    transmisyon at distribusyon, pati na rin ang pagbabawal sa ugnayan sa pag-itan sektor

    na magdudlot ng mabigat na konsentrasyon ng merkado sa sino mang kompanya sa

    generasyon. Ang DOE ay naman ay inutusang sumubaybay sa supply ng kuryente at

    tiyakin na may kaakibat na gabay at polisiya ang bawat ahensya sa enerhiya. Ang ERC

    naman ay pinananagot sa at pagtatakda o regulasyon sa presyo ng kuryente.

    Tungkulin naman daw ng mga RECs at PDUs na makipagkontrata sa

    generasyon upang mapadaluyan ng kuryente ang buong prangkisa nito at gumawa ng

    mga hakbang para maging abot-kaya at may tamang kalidad ang kuryente para sa mga

    konsyumer ayon sa KII.

    Paghahambing sa RECs at PDUs: Aspeto ng Pagnenegosyo at Pagmamay-ari

    Hindi maiiwasang ipaghambing ang mga RECs at PDUs kaya naging paksa sa

    KII ang matingkad na pagkakaiba ng dalawa: ang pagiging non-stock at non-profit ng

    mga RECs samantalang profit-oriented naman ang mga Pribadong DUs. Ipinaliwanag

    ng KII na mahirap lumago ang mga REC dahil kapos sila sa puhunan at kinakailangang

    magpalawak ang mga RECs para bumuti ang kanilang operasyon.

    Ang kagandahan naman sa panig ng mga konsyumer ng mga RECs, ayon sa KII

    ay nakakatulong magpababa ng presyo ng kuryente ang pagiging non-profit ng RECs.

    May ibang paraan naman sa EPIRA kung gustong maging stock at profit oriented ang

    REC – magrehistro bilang korporasyon tulad ng PDU o tumawid sa CDA. Nasa mga

  • 32

    myembro-konsyumer lamang nito ang desisyon. Makikita sa Table 6 ang tayo ng mga

    konsyumer dito.

    Table 6

    Para sa mga konsyumers at ayon sa over-all weighted mean (1.8) sa aspetong

    ito ng sarbey ay nagsasabing hindi interesadong tumawid ang mga konsyumers ng

    RECs patungo sa CDA. 32% lamang ang sumang-ayon, 22% ang kumontra habang

    41% ang umaming hindi sila interesado sa CDA.

    Ang mga PDU naman, ayon sa KII ay mas may kakayahang tumugon kung

    usaping pinansya ang pag-uusapan. Maituturing daw kasing mas credit-worthy ang mga

    ito dahil na rin sa pagiging pribado at profit-oriented at mas matatag ang mga PDUs

    kaysa RECs dahil ang mga RECs ay nagsisimula pa lamang na magpalawak at

    magpahusay ng kanilang kalagayan o kakayahan. Inamin naman ng KII na sa

    pangkalahatan ay mas maganda ang kalidad ng pakuryente at walang masyadong

  • 33

    brownout sa mga komunidad na siniserbisyuhan ng PDUs dahil may malalaking

    merkado sa prangkisa nila na atraktibo sa Pribadong Kapitalista sa Generasyon at

    ibang negosyo na siyang naghatid ng episyesya. Ang merkado ang siyang

    nagpapababa naman sa presyo ng kuryente.

    Ang nasabing kaibahan sa katangian ay dahil umano sa imbalance of

    development o hindi balanseng kaunlaran sa pag-itan mga main grids at isolated

    islands kaya "Mahirap ikumpara [ang RECs at PDUs] dahil magkaiba sila ng setting".

    Subalit kung function at resources ang pag-uusapan ay magkatulad lamang ang

    dalawa: Ang PDU ay may mga mamumuhunan na tumataya ng kapital samantalang

    ang REC naman ay umuutang sa NEA para sa puhunan. agkatulad din ang

    pamamaraan sa pagkalkula ng kanilang mga rates kaya hindi dapat pag-ibahin ang

    trato sa dalawa. Ang pagkakaiba lang talaga ay ang uri ng merkado, na dala ng

    katangian ng prangkisa.

    Pakikisangkot ng mga Konsyumer ng REC sa mga Isyu sa Pakuryente

    Nang tanungin ang mga kalahok sa FGD kung may reklamo pa sila sa

    kasalukuyang sitwasyon ng pakuryente, magkakaiba ang kanilang naging sagot. May

    nagsabing wala silang reklamo subalit mas marami ang nagsabing mayroon. Ayon sa

    mga walang reklamo ay sanay na rin daw sila sa unstable na sitwasyon ng pakuryente

    subalit ayon naman sa mga sumagot ng may reklamo, ang kawalan ng kuryente raw ay

    isang sitwasyon na hindi kinasasanayan kaya hindi maiaalis sa mga konsyumer na

    magreklamo. Iba-iba ang reklamo ng mga konsyumer kagaya ng kawalan ng pabatid

    kapag may mga adjustments sa presyo na biglaan pa raw kung singilin.

    Bilang pag-aalam sa nabanggit ng FGD, lumabas sa sarbey na ang

    pakikisangkot ng mga konsyumer ng OMECO sa mga isyu sa pakuryente ay may

    kakulangan din at makikita ito sa over-all weighted mean (1.81) na indikasyon na hindi

  • 34

    aktibo ang pakikisangkot nila. 38% ng mga partisipante ang umaming hindi sila

    nakikisangkot sa mga isyu habang 28% lang ang talagang nakikisangkot. 30% naman

    sa kanila ay nakikinig lang at hindi aktibong nakikisangkot. Ipinapakita sa Table 7 ang

    detalye ng antas ng pakikisangkot ng mga kosyumer sa mga isyu ng pakuryenteng

    lubos na nakakaapekto sa kanila.

    Table 7

    Karanasan sa Ilalim ng EPIRA at mga Reklamo ng mga Konsyumer

    Gayun pa man, ang karaniwang reklamo na pinaka-maugong ay patungkol sa

    paulit-ulit na brownout kahit may pa-anunsyo mang ipinahahatid ang OMECO sa

    pamamagitan ng mga programa sa radyo. Ayon sa FGD ay madalas niyang maitanong

    kung bakit mas maganda ang pakuryente sa ibang lugar partikular na sa Estados

    Unidos at mga bansa sa Europa. Kapag madalas na walang kuryente, nagrereklamo

    raw sila sa OMECO at madalas ay itinuturo sila sa supplier ng kuryente. Isa ito sa mga

  • 35

    bagay na hindi daw maintindihan ng mga konsyumer: "Pag may brown-out bakit n'yo

    (OMECO) sisisihin ang generators (NPC-SPUG) eh sa inyo (OMECO) kami

    nagbabayad?"

    Ipinapakita sa Table 8 ang persepsyon ng mga konsyumers sa Occidental

    Mindoro sa naging bunga ng EPIRA sa loob ng sampung (10) taon na pag-iral nito.

    Table 8

    Sa usaping presyo ng kuryente: persepsyon sa sarbey na hindi patas ang naging

    pagtaas (35%) ng presyo ng kuryente; walang pagbabago sa presyohan (40%), at

    makatuwiran ang naging pagtataas (20%). Sa brown-out naman: 38% ang nagsabing

    lumala; 33% ang nagsabing walang pagbabago, at 26% ang sumagot na nabawasan

    ang brown-out sa kanilang lugar. Sa kalidad ng pakuryente: 18% ang nagsabing lalong

    sumama ang kalidad ng kuryente; 53% ang nakaranas ng walang pagbabago,

    samantalang 24% ang nagpatotoong gumanda ang kalidad ng pakuryente. Sa

  • 36

    pangkalahatan, ang weighted mean na 1.90 ay nagpapatibay na walang pagbabago sa

    pakuryente sa nakalipas na sampung taon ng EPIRA sa Occidental Mindoro ayon sa

    mga konsyumers.

    Habang sa mga prangkisa na nasa major grids, Ang pribatisasyon sa

    generasyon at regulasyon sa sekor ng transmisyon at distribusyon ay nagbunga ng

    malayang kompetisyon. Sa nangyaring liberisasyon, nakakapili na ng provider o

    supplier na mas mura ang benta ng kuryente ang mga PDUs at RECs at mga

    konsyumer na lubhang malalakas gumamit. Ang mga ordinaryong konsyumer din ay

    nakikinabang sa pamamagitan ng paglakas ng episyensya ng mga distributors. Gayun

    pa man sa aktwal raw ay hindi bumababa ang presyo ng kuryente para sa mga end-

    users o mga konsyumer dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

    Subalit naipahayag din sa KII na naging sagabal sa pagsasaayos ng paserbisyo

    ang kabiguan na maisapribado ng mga planta sa mga isla dahil di-umano sa mga isyu

    ng profitability para sa mga mamumuhunan kaya maituturing na bigo ang EPIRA sa

    karamihan ng mga RECs na nasa isla. Kasama na dito ang OMECO.

    Mga Problema sa Panahon ng EPIRA

    Sa kabuuan, aminado ang lahat ng mga ekperto at impormante na mabigat pa

    ang problemang nakakabalakid sa EPIRA. Hindi pa nasolusyonan ang patron-client

    relationships ng ilang RECs at lokal na opisyal ng gobyerno. Walang probisyon ang

    batas na magwawasto sa mga problemang hatid ng mga outstanding contracts ng

    RECs sa IPP na napagkasunduan bago ang panahon ng EPIRA. Hindi pa din

    nawawala ang pag-abuso sa market power na pinagsasamantalahan ng ilang mga

    kompanyang bahagi ng industrira.

    Pinuna sa KII ang kawalan ng tiyak na direksyon at polisiya sa nakaambang pag-

    aalis ng subsidiya mula sa UCME dahil sa pagiging “fit-all” na approach ng batas.

  • 37

    Kulang din sa partikular at detalyadong polisiya na dapat sana’y nakaangkop sa iba't

    ibang kalagayan ng mga komunidad na maaapektuhan sa pagpapatupad ng batas.

    Nang tanungin ang FGD kung ano ang nakikita nilang problema sa EPIRA, isa sa kanila

    ay sumagot na nakikialam ang mga politiko sa industriya ng pakuryente. Isa pa ring

    problema ang pagiging abusado ng pribadong supplier sa kanila.

    Impresyon sa Batas

    May ilan ang nagsasabing napakaganda ng batas habang isa naman ang

    nagsabi na epektibo naman ang EPIRA sa aspeto ng transmisyon at distribusyon

    subalit hindi nito nasolusyunan ang problema sa generasyon. Karamihan ay nagsabi na

    hindi nakamit ng EPIRA ang ekspektasyon ng mga tao na mapapahusay ang kalidad ng

    kuryente sa tamang halaga. Hindi naman daw naghahangad ang mga tao ng sobrang

    babang halaga - yung tama lamang!

    Isa sa apat na nakapanayam ng mananalikisik sa KII ang nagpahayag ng

    halaga ng pagrepaso sa EPIRA. Mahalaga raw ito upang malaman kung nakamit ang

    mga layunin ng batas, at kung hindi, ay upang malaman ang dahilan ng kabiguan at

    mabigyan ng solusyon ang mga problema. Napakahalaga ng pagrerepaso dahil

    hinihingi daw ito ng panahon sa kaakibat ng mataas na presyo ng kuryente at

    pagrereklamo ng mga konsyumer.

    Pagrepaso sa EPIRA

    Masisilayan sa Table 9 sa kasunod na pahina na 7% ng mga partisipante ang

    gustong panatiliin o huwag baguhin ang ano man sa EPIRA, 38% ang nais na baguhin

    ang paraan ng implementasyon at 43% ang may nais na lubusang baguhin ang EPIRA.

    Ang over-all weighted mean na 2.13 ay nagsasabing mas matibay ang kaagustuhan ng

    mga partisipante na ‘Implementasyon lang ang baguhin” sa pagpapairal sa EPIRA.

  • 38

    Table 9

    Tumutugma ang sarbey sa mungkahi ng mga eksperto sa KII at mga konsyumer

    na kalahok sa FGD na dapat baguhin ang implementasyon ng batas upang maitugma

    sa katangian ng bawat prangkisa.

  • 39

    IKA-ANIM NA KABANATA: PAGSUSURI AT DISKUSYON

    Ang Reporma sa Industriya sa Pakuryente (EPIRA RA 9136) ay isinabatas

    noong June 8, 2001 upang patatagin (stabilize) ang supply ng kuryente at gawing abot-

    kaya ang halaga ng paserbisyo upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng

    mga konsyumer at mga negosyong umaasa sa walang patid na pagdaloy nito.

    Tinungtungan ng Reporma ang liberalisayon upang maakit ang mga pribadong kapital

    na tumaya sa generasyon at maalis ang monopolyo sa industriya, sapagkat ang

    malayang kompetisyon ang siyang magpapababa sa presyo at magtatakda ng

    episyensya sa merkado.

    Napag-alamang pumasok nga ang mga pribadong planta sa mga major grids sa

    bansa, kung saan may malalaking merkado ang industriya, matapos maisapribado ang

    NPC subalit nanatiling nakaasa sa NPC-SPUG ang karamihan ng mga RECs sa mga

    isla dahil maliit lamang ang merkado sa kanilang prangkisa na hindi atraktibo para

    pasukin ng mga kapitalistang naghahangad ng malaking kita.

    Sa Occidental Mindoro ay masasabing nabigo ang EPIRA dahil sa balakid ng

    ekslusibong kontrata sa pag-itan ng OMECO at IPP nito na pinagkasunduan bago pa

    ang rehimen ng Reporma. Dahil “fit-all” o pangkalahatan ang approach ng batas, wala

    itong probisyong mag-aayos sa mga problemang inabutan na ng implementasyon nito.

    Hindi nakatulak ang malayang kompetisyon sapagkat hindi makapasok ang ibang

    pribadong generasyon. Nagkataon pang nakatali ang presyo ng IPP nang mas mababa

    pa sa singil ng NPC-SPUG na may subsidiya ng pamahalaan kaya ang patuloy na

    pagtaas ng presyo ng petrolyo at ibang gastusin sa operasyon ng planta ay nagpalugi

    sa IPP. Naiwan bilang default supplier ang NPC-SPUG kaya tanging ang patuloy na

    pagtustos ng subsidiya mula sa UCME ang bahagyang nagpapababa sa presyo ng

    kuryente. Dahil sa gustong makabawi ng IPP, hindi nito binibitawan ang karapatan sa

    ekslusibong kontrata.

    Inilalarawan ng karanasang ito ang kakulangan ng EPIRA sa mga mekanismong

    dapat na tumutugon sa katangian ng bawat prangkisa. Alam ng batas na

  • 40

    pagsasapribado ang pangunahing istratehiya sa Reporma subalit sa kadahilanang ang

    nasabing kontrata sa IPP ay mas nauna sa batas hindi ito dumaan sa mga prosesong

    naitakda upang makakuha ng subsidiya mula sa UCME kaya ang patuloy na

    pakikipagsabayan ng IPP sa NPC-SPUG ang nagpabagsak dito. Hindi naman

    matatanggap ng mga konsyumer ng OMECO ang pagtataas ng singil upang profitable

    ang IPP. Kailangang sa plantang sumisingil ng mas mura lamang kumuha ng suplay

    ang OMECO. Kung hindi ito mabibigyan ng solusyon, hindi makakaalis ang NPC-SPUG

    ayon sa batasat patuloy na magpapalugi ang pamahalaan habang nananatiling pasanin

    pa din ng sambayanang konsyumer ang pantustos na UCME para sa Occidental

    Mindoro.

    Ang mga konsyumer sa Occidental Mindoro ay hindi aktibong nakikisangkot

    samga isyung may kinalaman sa pakuryente. Hangad lamang nila ang tamang presyo

    ng kuryente at patuloy (walang brownout) na suplay nito. Maliban sa mga reklamong

    binibigkas lamang ay hindi nakitaan ng resilience na ipaglaban ang kanilang interes at

    karapatan bilang konsyumer. Sa puntong ito, ang mahigpit na regulasyon sa

    transmisyon at distribution na nakapaloob sa EPIRA lamang ang kanilang inaasahan.

    Ang kakulangan ng interes na alamin at unawain ang kabuuan ng EPIRA sa panig ng

    mga konsyumer ay hindi nakakatulong sa pag-aayos ng pakuryente sa buong

    probinsya. Kinakitan naman sila ng pagpanig sa pagiging non-profit at non-stock ng

    OMECO subalit hindi usapin para sa kanila kung pamahalaan man o pribado ang

    nagmamay-ari sa mga sektor ng Industriya sa Pakuryente.

    Ang inaasahang pagbaba ng presyo at patuloy (walang brown-out) na pagdaloy

    ng kuryente na nakaangkop (Kalidad) sa pinaggagamitan nito ay hindi nakamit dahil

    nga sa walang bagong plantang pumasok sa Occidental Mindoro. Kinikilala ng EPIRA

    na ang paggamit ng renewal energy na likas sa mga prangkisa lamang ang makatugon

    sa layuning ito. Nakakapanghinayang na wala pang naisasagawang pag-aaral sa mga

    yaman ng probinsya patungo sa direksyon na ito. Malaki ang puhunan sa mga

    teknolohiya ng generasyon na nabanggit subalit may tiyak na benepisyo para sa

    papasok na pribadong kapitalista kung mabibigyan lamang ng pokus ng pamahalaan at

    sa bandang huli ay ang mga konsyumer ang makikinabang.

  • 41

    Dahil sa sitwayon ng pakuryente at non-stock, non-profit na oryentasyon ng

    OMECO ang pagpapalawak sa pasilidad ng distribusyon patungo sa mga liblib na

    kanayunan na sinasabing nonviable ay iniaasa na lamang sa mga pondong ibinibigay

    ng pamahalaan sapagkat magiging dagdag na pasanin pa ng mga konsyumer na

    nagrereklamo na sa taas ng presyo ng kuryente ang ipapantustos dito. Kung

    magpapatuloy ang problema sa pinansya ng pamahalaan lalo na at hindi nabibigyan ng

    solusyon ang problema sa generasyon, nanganganib na mapagkakaitan ng paserbisyo

    ang mga lugar na hindi pa nararating ng distribusyon. Kailangang makabuo ng

    mekanismo upang magkaroon ng pagkakataon ang OMECO na kitain ang kailangang

    pondo para sa mga pasilidad nang hindi naman magiging pabigat sa mga kasalukuyang

    konsyumer nito.

    Ang mga Private DUs na may masasaganang merkado sa loob ng kanilang

    prangkisa nasa mga mauunlad na pamayanan ay tapos na sa pagpapalawak sa

    kanilang pasilidad. Kung sakali man ay hindi problema ang mga ekspansyon dahil tiyak

    na may kikitain sila dito at mayroong malaking revenue base na papasan sa gagastusin.

    Sinasabing mas credit worthy ang mga PDUs dahil malaki ang demand sa kanilang

    prangkisa kaya hindi usapin ang kapital, at ang katotohanan ay interesado ang mga

    PDUs na sakupin ang teritoryo ng mga katabing RECs na may kahinaan dahil sa

    kanilang prangkisa. May kakayahan ang PDUs na magpatayo ng sariling planta ng

    generasyon at makakuha ng pribadong kakontrata sa generasyon dahil nakatitiyak na

    kikita ang kapital ayon sa mga probisyon ng EPIRA. Mas higit ang pangangailangan ng

    mga RECs na maging episyente upang patuloy na makipagkompetisyon sa mga PDUs.

    Ang market cost economy sa rehimen ng EPIRA ay taliwas sa Total Electrification

    Program na ipinag-uutos sa mga RECs.

    Iminungkahi ang pagrerepaso sa EPIRA dahil sa kabiguang makamit ang mga

    layunin nito subalit sa pagtantya ng mga eksperto at konsyumers ay nasa pamamaraan

    at direksyon ng implementasyon ang nagiging problema.

  • 42

    IKA-PITONG KABANATA: KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

    Sa Occidental Mindoro, masyadong nakakasilaw ang naging kahinaan o

    kakulangan sa pagtataguyod ng kompetisyon sa industriya dahil sa harang na pumigil

    sa pagpasok ng bagong pribadong generation dulot ng matandang kontrata ng OMECO

    sa kanyang IPP na pinasok bago ang panahon ng Reporma. Isa sa dapat na

    napaghandaan sa pagtitik ng EPIRA ang mga kahalintulad na problemang

    nakakaapekto sa kapakanan ng lipunan. Walang malinaw na jurisdiction ang mga

    ahensya ng pamahalaan na maaring sumambot sa sitwasyon kaya sa malawakang

    pagtingin ay tila walang EPIRA sa Occidental Mindoro maliban sa regulasyon sa taripa

    ng distribusyon at access sa UCME na kahit naman paano’y nagdulot ng mumunting

    kabawasan sa presyo ng kuryente.

    Sa pagiging default supplier para sa OMECO at sa ibang mga RECs sa isla,

    lalong nahirapan ang pinansya ng NPC-SPUG at ang UCME. Nasakripisyo din ang

    pagtatayo ng mga karagdagang planta dahil sa mandato ng EPIRA sa eventual na

    pagbubuwag sa ahensya. Ang inaasahang pagganda ng kalidad ng pakuryente sa

    Occidental Mindoro ay hindi nakamit, bagkus ay mas lumala pa kaya naapektohan ang

    mga negosyo na sana’y makakatulong sa pagpapaunlad sa ekonomiya at nagdusa ang

    mga konsyumer ng pakuryente sa probinsiya.

    Bagama’t patuloy na napakalat sa liblib na kanayunan ang pakuryente, ang bilis

    ay naka-asa lamang sa halaga ng grant at subsidy na itinutustos ng pamahalaan para

    sa pagdudugtong ng mga pasilidad.

    1. Anu-ano ang mga batayan kaya napasama ang RECs sa hanay ng Private

    Distribution Utilities (PDUs) na napailalim sa Reporma sa industriya ng Pakuryente?

    Ang mga RECs ay napasama sa saklaw ng EPIRA kahanay ng mga PDUs

    dahil pareho silang umaasa sa paserbisyo ng NPC na kailangang isapribado ng

    pamahalaan hindi lamang upang makasunod sa utos ng World Bank kundi upang

    maisulong ang pagpasok ng ng mga pribado sa industriya na lilikha ng malayang

    kompetisyon.Inaasahang ang liberisasyon ay magdudulot ng episyensya na

  • 43

    magpapababa sa presyo ng kuryente at patuloy na suplay na angkop sa

    pangangailangan ng mga konsyumer.

    Pareho lamang ang teknikal na function ng RECs at PDUs, ang bumili ng

    bulto ng kanilang suplay upang maipaabot sa mga konsyumer. Tanging ang

    oryentasyon sa negosyo (profit vs non-profit) at kapitalisasyon (stock vs non-stock)

    ang kanilang pagkakaiba, na hindi kinilala ng batas EPIRA upang maging laganap

    sa buong bansa ang Reporma sa Pakuryente.

    2. Anu-ano ang epekto ng pagiging non-stock at non-profit ng RECs sa kakayahang

    tumugon sa alituntunin ng EPIRA?

    Dahil sa pagiging non-profit ng mga RECs ay nababawas ang component ng

    taripa para sa tubo kaya ang singilin sa mga myembro-konsyumer ay mababa ng

    5% hanggang 12% kung ikukumpara sa katulad na PDU. Ibig abihin ay break-even

    lamang ang operasyon nito dahil ang pinapayagan ng Regulasyon ay akmang

    pagbawi sa nagagastos sa epiyenteng operasyon lamang. Samakatuwid ay walang

    ekstrang halagang naiipon ang mga RECs na maaring pantakip sa price shocks sa

    industriya at mahalagang masingil ang lahat ng kuryenteng pinakyaw mula sa

    generasyon.

    Sa non-stock nature, walang pinagkukunan ng puhunan ang mga RECs kundi

    ang maliit na bahagi sa taripa na ipangtutustos sa mga pamumuhunan na

    kadalasang inuutang sa mga bangko at sa NEA. Nangangahulugan ito ng limitadong

    kakyahan sa pagtugon sa mga quality standards ng EPIRA, lalo na sa

    kinakailangang modernisasyon sa mga pasilidad, na mahihirapang pasanin ng mga

    konsyumers na halos karaniwang bahayan (residential) lamang.

    Sa ganitong anyo, kadalasang mababa ang credit worthiness ng mga RECs

    at may kakapusan sa puhunan upang biglaang makatugon sa pangangailangan sa

    ilalim ng masusing alintuntunin ng EPIRA.

  • 44

    3. Ano ang kinalaman ng katangian ng prangkisa ng RECs sa pagpapalakas ng

    kalidad at seguridad ng paserbisyo?

    Ang prangkisa ng mga RECs ay karaniwang nasa mahihirap na probinsiya na

    kung saan ang merkado ay maliit lamang kaya hindi atraktibo para sa pribadong

    mamumuhunan. Dahil dito, maliit lang ang revenue base na papasan sa pagbawi sa

    puhunan para sa mga kailangan planta ng generasyon na makapagbibigay ng

    seguridad sa patuloy napagdaloy ng kuryente na angkop sa uri ng demand.Dahil sa

    manipis na economy of scale, kadalasang mas mataas ang presyo ng kuryente kung

    sakali mang may pumasok na pribasong planta, kahit pa likas na yaman ng

    probinsya ang fuel para sa planta.

    Para sa hanay ng mga pribadong negosyo, mas pipiliin ng kapitalista ang

    mga lugar na mauunlad na dahil malaki at matatag na ang merkado. Mas may

    pagkakataong magpalaki pa sila ng negosyo dahil sa patuloy na pagbwelo ng

    komersyo at mga industriya kung ikukumpara sa hindi pa maunlad na pamayanan.

    Ang oportunidad sa prangkisa ay may malaking kinalaman sa desisyong magtaya

    ng puhunan.

    4. Ang umiiral na kompetisyon ba sa mga kompanyang sumasali sa EPIRA ay may

    kaugnayan sa maayos na serbisyo ng pakuryente sa komunidad?

    Sa mga mauunlad na pamayanan na kabilang sa mga main grids at ilang

    malalaking isla na pinasok ng pribadong maraming kompanya generasyon

    sinasabing may nakikitang magandang pagbabago sa serbisyo ngpakuryente kahit

    pa di-umano’y hindi pa din lubos na naaalis ang pang-aabuso sa market power.

    Kahit papaanoy may umiiral na ring kompetisyon na nakakatulong sa pagsasaayos

    sa industriya sa pakuryente.

    Subalit sa Occidental Mindoro na may problema dahil hindi makapasok ang

    mga NPP at sa iba pang mga RECs na nagkaproblema sa implementasyon ng

    generasyon – dahil sa uri ng NPP na nakapasok o dahil sa kaliitan ng merkado ay

  • 45

    walang nagtutungaliang pribado, ang lumang monopolyo pa din ay hindi nagpabuti

    sa paserbisyo. Patuloy pa rin silang umaasa na darating din ang liberisasyon.

    Mga Rekomendasyon

    1. Yamang ang mga RECs ang tanging non-stock at non-profit na nasa distribusyon ng

    kuryente na katulong ng pamahalaan sa National Economic Development sa

    pamamagitan ng pagpapaunlad sa mga kanayunan o Rural Development

    iminumungkahi na:

    a) Mabigyang supporta ng mga sangay ng pamahalaan, kasama na ang mga

    ang mga Local Government Units of LGU upang maging magkakaugnay o

    coordinated ang lahat ng mga development thrust para sa bawat particular na

    pamayanan, nang sa ganoon ay hindi naman masayang ang pinansya at

    efforts na ginugugol dito;

    b) Bigyang suporta ng mga ahensya ng pamahalaan ang pag-aaral sa paggamit

    ng lokal na energy resources na potensyal na makapagpababa sa presyo ng

    kuryente sa probinsiya at makahikayat ng mga bagong economic activities;

    c) Tumulong ang pamahalaan sa direktang pagbababa sa presyo ng kuryente

    sapamamagitan ng pagbawas sa mga buwis na bayarin ng mga RECs na

    non-profit naman at katuwang nila sa pagpapaunlad ng pamayanan, at

    d) Pagbibigay ng mga insentibo sa mga pumapasok na negosyo na lumilikha ng

    hanap-buhay sa pamayanan.

    2. Ang pagbuo ng epektibo at konkretong plano na pagtutulungang ipatupad sa mga

    prangkisa ng RECs upang mabawasan ang pagsandal sa UCME na tinututulan na

    ng mga mamamayan;

    3. Ang pagsasagawa ng pag-aaral sa pagbuo ng mekanismo na susuporta sa mga

    RECs upang magmamay-ari ng generasyon sa probinsiya sa paniniwalang mas

    magiging mababa ang presyo ng kuryente dahil sa non-profit na orientasyon nito;

    4. Ang paglilinaw ng mga functions at delineation ng mga Ahensyang nakatutok sa

    pagpapatupad ng mga polisiya sa Industriya ng Pakuryente;

  • 46

    5. Ang pagsasaliksik para sa tamang istraktura ng Reporma na magiging epektibo sa

    magkakaibang setting o katangian sa prangkisa ng bawat REC;

    6. Ang pagtatalaga sa NEA ng direktang katungkulang magpatupad ng programang

    pangkaunlaran sa ekonomiya na may koordinasyon sa iba’t-ibang ahensya ng

    pamahalaan na ipapatupad ng mga RECs upang gumanda ang kanilang merkado,

    at ang pagbibigay ng kaukulang suporta para dito, at

    7. Ang malawakang pagrepaso sa naging performance ng industriya sa loob ng

    sampung taong pag-iral ng EPIRA upang mabigyang solusyon ang mga naging

    sagabal sa tagumpay nito.

  • 47

    BATIS

    Aharoni, Y. (1991). On Measuring the Success of Privatization. Privatization and Control

    of State-Owned Enterprises , 73-85.

    Amerighi, O., & De Feo, G. (2008, January). Privatization and Policy Competition for

    FDI. Département des Sciences Économiques, de l'Université catholique de

    Louvain: unpublished discussion paper.

    Bacon, R. (1999). Global Energy Sector Reform in Developing Countries: A Scorecard;

    Report No. 219-99. Washington, D.C: UNDP/World Bank.

    Bakovic, T., Tenenbaum, B., & Wool, F. (2003, September). Regulation by Contract: A

    New Way to Privatize Distribution.

    Berg, S. V., & Tschirhart, J. (1988). Natural Monopoly Regulation: Principles and

    Practice. New York: Cambridge University Press.

    Bergeron, ,. I. (1991). Privatization Through Leasing: The Togo Steel Case.

    Privatization and Control of State-Owned Enterprises , 153-175.

    Briola, J. (2009). From State Monopoly to de facto Electricity Oligarchy. People Against

    Immoral Debt Vol. 13 No. 1 .

    Cruz, I. (1993). Philippine Political Law. Central Lawbook Pub. Co.

    Domberger, S., & Piggott, J. (1986). Privatization Policies and Public Enterprise: A

    Survey. The Economic Record , 145-162.

    Dubash, N. K. (2002). Power Politics: Equity and Environment in Electricity Reform.

    Washington DC, Wahington, D.C.: World Resources Institute.

    Dubash, N. K. (2002). Power Politics: Equity and Environment in Electricity Reform. In

    THE CALIFORNIA ELECTRICITY CRISIS. Washington DC: World Resources

    Institute.

  • 48

    Energy Regulatory Commission. (n.d.). ERC Rules on Calculation of Senior Citizens

    Discount and Subsidy Rates by Distribution Utilities. unpublished.

    Gilroy, L. (2010, March 16). Retrieved August 31, 2011, from Local Government

    Privatization 101: Separating fact from fiction, privatization trends and the

    services that should be privatized - Policy Brief 89:

    http://reason.org/news/show/local-government-privatization-101

    Home. (n.d.). Retrieved from Advocates of Science and Technology for the People:

    http://www.agham.org

    Jones, L. P., Tandon, P., & Vogelsang, I. (1991). Selling State-Owned Enterprises: A

    Cost-Benefit Approach. Privatization and Control of State-Owned Enterprises ,

    29-53.

    Kahn, A., & Kamerman, S. (1989). Privatization and Welfare State. Princeton University

    Press.

    Leeds, R. (1991). Privatization Through Public Offerings: Lessons from Two Jamaican

    Cases. Privatization and Control of State-Owned Enterprises , 86-125.

    López, E. L. (2006, April 12). Social and Economic Impacts of the Privatization of

    Electricity Distribution in El Salvador. Retrieved August 27, 2011, from Global

    Policy Network : http://www.gpn.org

    Maisse, M. (2003, June). Distributive Justice. Retrieved August 21, 2011, from Beyond

    Intractability: http://www.beyondintractability.org/essay/distributive_justice

    Nankani, H. B. (1990). Lessons in Privatization in Developing Countries. Finance and

    Development , 43-45.

    Pineau, P.-O. (2004). Transparency in the Dark – An Assessment of the Cameroonian

    Electricity Sector Reform. unpublished.

    Prokhorov, A. (1970). The Great Soviet Encyclopedia. New York: Macmillan Inc.

    RA9136. (n.d.).

  • 49

    RA9994. (n.d.).

    Reiche, K., Tenenbaum, B., & Torres de Mastle, C. (2006, July). Electrification and

    Regulation: Principles and a Model Law. Energy and Mining Board Discussion

    Paper No. 18 . unpublished.

    Reyes, R. B. (2011). After 10 Years of Implementation: EPIRA Enriches “Voltage 5”.

    unpublished leaflet.

    Rothbard, M. N. (n.d.). Free Market. Retrieved August 24, 2011, from The Concise

    Encyclopedia of Economics: http://www.econlib.org/library/Enc/FreeMarket.html

    Shirley, M., & Nellis, J. (1991). Public Enterprise Reform: The Lessons of Experience.

    Washington, DC.

    Starr, P. (1988). The Meaning of Privatization. Yale Law and Policy Review 6 , 6-41.

    Walsh, B. (2011, October 11). The Worst Kind of Poverty: Energy Poverty. Retrieved

    February 26, 2012, from Time Magazine:

    http://www.time.com/time/health/article/0,


Recommended