Asunción, Resurrección, Adoración, Lamentación:
Ang Tradisyon ng Pabasa sa Pasay
Tesis na Iniharap sa
Departamento ng Arte at Komunikasyon
Kolehiyo ng Agham at Sining
Unibersidad ng Pilipinas – Maynila
Inihanda Bilang Bahagi ng Gawaing Kailangan
Sa Pagtatamo ng Titulong Batsilyer sa Arte ng Sining ng Pilipinas
(Pamanang Kultural at Pamamahala sa Sining)
Christelle Faith Santos Galleon
2014-05423
Mayo 2018
i | G A L L E O N
PAGPAPATIBAY
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Asunción, Resurrección, Adoración, Lamentación: Ang
Tradisyon ng Pabasa sa Pasay ay iniharap ni Christelle Faith Santos Galleon bilang pagsasakatuparan
sa mga pangangailangan sa kursong Batsilyer sa Arte ng Sining ng Pilipinas (Pamanang Kultural at
Pamamahala sa Sining) ay tinatanggap at inaaprubahan na.
___________________________________
Grace P. Odal-Devora, Ph.D.
Tagapayo sa Tesis
___________________________________
Alice Benito – Adeva, M.A.
Tagapangulo
Departamento ng Arte at Komunikasyon
___________________________________
Leonardo Estacio Jr., PhD
Dekano
Kolehiyo ng Agham at Sining
ii | G A L L E O N
Handog ang aral na ito
Sa pamilya’t Hesukristo
Ang pangarap ay napuno
Sa tulong ng lahat kayo
Handa na para sa mundo
iii | G A L L E O N
DAHON NG PASASALAMAT
Unang una, nais kong pasalamatan sina Gng. Tessie Sudario, G. Ronald Isales, at G.
Nicanor Francisco na nagbigay sa akin ng mga impormasyong aking kinakailangan para sa pag-
aaral na ito, kung wala po kayo, hindi magiging matagumpay ang pag-aaral na ito. Salamat!
Sunod ay ang aking pamilya. Mommy, salamat po sa walang sawang pagsuporta at
pagmamahal. Salamat po sa paniniwala sa aking kakayahan, napakasuwerte ko po sa inyo. Daddy,
ikaw ang dahilan kung bakit nanataili akong matatag at hindi sumusuko. Maraming salamat po sa
lahat ng sakripisyo at sa pagpapalaki sa akin. Chance, Mama, at Papa, kayo ang inspirasyon ko
sa pagtatapos sa kolehiyo. Sa wakas ay matutulungan ko na kayo. Tita Grace, kahit na malayo ka,
hindi naman ito ramdam dahil sa pagmamahal at suportang ibinibigay mo. Salamat po. Kay Ate
Nene din na tumulong sa akin sa paghagilap sa mga tao. Labyu, thank you! At siyempre sa aking
kapatid, si Ate Nic, na kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko kakayanin ang huling semestre na
ito. Salamat, mahal kita.
Nais ko din pasalamatan ang aking tagapayo na si Prop. Grace Odal sa paglalaan ng
kaniyang oras upang tulungan ako sa aking tesis at sa pag-gabay hanggang sa matapos ang aking
depensa. Nais ko rin pong pasalamatan si Prop. Diane Agbayani at si Prop. Juliet Bien sa pag-
payag na maging parte ng aking panel. Dagdag na pasasalamat din kay Prop. Bien sa pagtulong sa
teknikal na bahagi ng musika sa aking pag-aaral. Pasasalamat din kina Prop. Odessa Joson at
Prop. Kenneth Recio, ang mga natatanging guro na dahilan din kung bakit ko pinush na tapusin
ang tesis na ito. Isa po kayong inspirasyon!
iv | G A L L E O N
Pasasalamat din sa aking mga kaibigan na sina Kyla, Lorenz, Rozhie, Rae, Jason,
Yannie, Fifi, at Pam. Hindi niyo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa Panginoon dahil
ipinakilala Niya kayo sa akin. Kayo ang naging sandalan ko sa mga panahong pagod na ako.
Salamat sa paniniwala na kaya ko, at ito na nga, kinaya ko, at isa kayo sa mga naging dahilan kung
bakit. Mahal ko kayo.
Siyempre, hindi ko makakalimutan ang B10CK, Salinlahi, at Wathak. Dahil sa inyo,
napakarami kong baon na alaala sa apat na taon kong ito sa kolehiyo. Maraming salamat! Kay Ate
Ana, Ate Jhunie, Kuya Remi, at Kuya Adrian naman, ang aking mga kuya at ate sa PhilArts na
tumulong sa akin at nagpakita ng suporta. Salamat po! Pati ang bandang Munimuni, salamat sa
inyong mga kanta na nagpapakalma sa akin tuwing nalulula na ako sa schoolworks.
Hindi rin magiging kumpleto ang karanasan na ito kung hindi dahil sa dalawang lugar na
ito: sa opisina ng Yapak PH, salamat sa pa-kape at mabilis na internet connection. Maraming
salamat din sa sopa niyong handa akong patulugin sa panahon na kulang kulang na ang aking
tulog, at sa pagiging bukas sa aking pag-iyak kapag ako ay nagbebreakdown na. At siyempre,
maraming salamat sa Diamond Hotel at sa kanilang room discount online. Kung wala ito ay hindi
ako makakapagdepensa dahil ang mahal mag check-in sa inyo. Salamat sa masarap na buffet
kinaumagahan na nagkumporta sa akin pagkatapos ng aking depensa.
At huli, napakalaking pasasalamat sa Panginoon na gumawa ng paraan upang maging
posible ang lahat ng ito. Sa mga panahong akala ko ay wala na akong pag-asa ay patuloy Mong
ipinaparamdam sa akin na nariyan Ka. Ang pag-aaral na ito ay inihahandog ko sa Iyo. Maraming
salamat po! All glory is Yours!
PAALAM 24 UNITS! MAGBUNYI!
v | G A L L E O N
ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa tradisyon ng Pabasa sa lungsod ng Pasay alinsunod
sa apat na pamilyang nagsasagawa nito. Gaya ng naitala sa pag-aaral ng mananaliksik, tinatawag
na Pabasa ang panrelihiyong panitikang Pasyon dahil sa paawit na paraan ng pagbabasa nito. Ang
tradisyon ng pagbabasa ng Pasyon ay nagaganap tuwing Kuwaresma upang mapagnilay-nilayan
ang buhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Layunin ng pag-aaral na ito na
makilala ang mga pamilya sa lungsod ng Pasay na nagsasagawa ng ritwal ng Pabasa, alamin ang
tradisyon ng Pabasa sa lugar na ito, at kung papaano ito nananatiling buhay sa kamalayan ng mga
nakatira sa lungsod. Nilimita ng mananaliksik ang mga kaso sa pamamagitan ng pagpili sa Pamilya
Llamas bilang pangunahing tagapag-bigay impormasyon sa pag-aaral na ito. Bahagi ng kanilang
tradisyon ang pagbabasa sa iba’t iba pang mga kabahayan bukod pa sa kanilang sariling Pabasa
upang maibahagi ang kanilang lamentasyon. Kabilang sa mga kabahayan na ito ang tatlo pang
grupo na nagmula rin sa Pasay.
Pinagtuunan ng mananaliksik ang mga naratibo ng apat na pamilyang aktibong isinasagawa
ang Pabasa sa lungsod ng Pasay upang masuri ang tradisyon ng Pabasa na nakapaloob sa lungsod.
Binigyang pansin din ng mananaliksik ang iba’t ibang aspeto na maaaring makaapekto sa Pabasa
tulad ng tao, lugar, espasyo, at metodo ng pagsasagawa ng ritwal ng Pabasa. Sa pagsasaliksik ay
nakita na maaaring ang patuloy na pagsasagawa ng pabasa ay nag-uugat sa kamalayan ng mga
Pilipino at katutubong kaisipan. Kabilang dito ang mga konsepto ng loob, tagapagdaloy, kapwa,
kalikasan, Diyos, at alay. Sa huli, nahinuha na ang tradisyon ng Pabasa sa Pasay ay isang pakikiisa
sa Diyos, sa kalikasan, at sa kapwa sa pamamagitan ng isang kwentong paawit.
vi | G A L L E O N
TALAAN NG NILALAMAN
PAGPAPATIBAY .......................................................................................................................... i
DEDIKASYON ............................................................................................................................. ii
DAHON NG PASASALAMAT .................................................................................................. iii
ABSTRAK ..................................................................................................................................... v
TALAAN NG NILALAMAN...................................................................................................... vi
TALAAN NG MGA PIGURA AT LARAWAN ........................................................................ 1
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN ..................................................................................... 2
KABANATA 1:PANIMULA ....................................................................................................... 3
Kaligiran ng Pag-aaral ............................................................................................................... 3
Pagpapahayag ng Suliranin ........................................................................................................ 5
Layunin ng Pag-aaral ................................................................................................................. 5
Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral .............................................................................................. 5
Rebyu ng Literatura .................................................................................................................... 6
Kahalagahan ng Pag-aaral ......................................................................................................... 7
Metodolohiya ............................................................................................................................... 8
Panimulang Balangkas ............................................................................................................... 9
KABANTA 2: KONTEKSTO NG PAG-AARAL .................................................................... 10
Ang Pabasa at Pasyon sa konteksto ng Pilipinas ..................................................................... 10
Kasalukuyang Tradisyon ng Pabasa sa Pilipinas ..................................................................... 11
Ang tagpuan ng Pabasa ng Pasyon........................................................................................... 13
Ang F.B. Harrison Avenue ng lungsod ng Pasay .................................................................. 13
Ang Pasay noong sinaunang panahon ................................................................................... 14
Ang Pasay noong Panahon ng Pananakop ng mga Kastila ................................................... 14
Ang Pasay noong Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano ............................................. 15
Ang Pasay sa kasalukuyang panahon .................................................................................... 16
Heograpiya, Klima, at Populasyon ........................................................................................ 17
Ekonomiya ............................................................................................................................. 18
Relihiyon ............................................................................................................................... 18
Kultura ................................................................................................................................... 19
vii | G A L L E O N
KABANATA 3: PRESENTASYON NG DATOS .................................................................... 21
A. Ang teksto ng Pasyong Pilapil ........................................................................................... 21
B. Ang Musika ng Pabasa ...................................................................................................... 28
C. Ang pagdiriwang ng Pabasa .............................................................................................. 29
D. Ang Mambabasa ................................................................................................................ 37
KABANATA 4: PAGSUSURI, PAGTATASA, AT INTERPRETASYON ........................... 48
Ang Pasyon at literaturang Pilipino ......................................................................................... 48
Musika bilang tinig ng mambabasa .......................................................................................... 48
Pagdiriwang: Lugar, Tao, Espasyo .......................................................................................... 49
Pagsusuri sa mga naratibo ng Pabasa sa Pasay ...................................................................... 51
Mga isyung kinakaharap ng mambabasa sa Pasay .................................................................. 54
Balangkas-Diwa ng Pag-aaral.................................................................................................. 56
KABANATA 5: KONKLUSYON, IMPLIKASYON, REKOMENDASYON ...................... 59
Konklusyon ................................................................................................................................ 59
Implikasyon ............................................................................................................................... 60
Rekomendasyon ......................................................................................................................... 60
SANGGUNIAN ........................................................................................................................... 62
APENDISE .................................................................................................................................. 66
APENDISE A: Transkripsyon ng panayam kay Gng. Tereista Sudario .................................. 66
APENDISE B: Transkripsyon ng panayam kay G. Ronald Isales ........................................... 72
APENDISE C: Transkripsyon ng panayam kay G. Nicanor Francisco ................................... 78
APENDISE C: Online Interview kay Gng. Marilou Galleon ................................................... 81
1 | G A L L E O N
TALAAN NG MGA PIGURA AT LARAWAN
Pigura 1: Panimulang Balangkas ng mananaliksik……………………...………………………. 9
Pigura 2: Paglalarawan sa pinagdausan ng Pabasa ng Pamilya Llamazares.………..……...…35
Pigura 3: Paglalarawan sa pinagdausan ng Pabasa ni Danny Salvacion…...…..…………..….35
Pigura 4: Paglalarawan sa pinagdausan ng Pabasa ng Pamilya Francisco...……..………..….36
Pigura 5: Tatlong Henerasyon ng Pamilya Llamas…………...……………..…….…….…...….39
Pigura 6: Dalawang Henerasyon ng Pamilya Llamazares…….……………..……………....….41
Pigura 7: Si Danny Salvacion at ang kaniyang mga “Apostoles”...………….……………...…..45
Pigura 8: Balangkas-Diwa ng Pag-aaral……………………………………..…….………..…..56
Larawan 1: Libro ng Pasiong Mahal na ginagamit tuwing Pabasa...…………..……………….21
Larawan 2: Transkripsyon ng mga tono na ginagamit ng mga taga-Pasay sa kanilang
Pabasa...…..……………………..………………………………………………..……………...28
Larawan 3: Altar sa Perla Street...…………………………..…………….……..……………...30
Larawan 4: Si Gng. Teresita Sudario kasama ang mananaliksik……………..…..…………..…37
Larawan 5: 7 sa 9 na anak ni Gng. Lourdes Llamazares (mula sa kaliwa: George Vital Jr.,
Rizalina Rodriguez, Marilou Galleon, Thelma Marquez, Conchita Rivera, Victorio Rodriguez, at
Georgette Chavez)………… …..…………..…………..…………..…………..……...………...40
Larawan 6: Si G. Ronald Isales kasama ang mananaliksik.……………..…………..…………..43
Larawan 7: Si G. Nicanor Francisco kasama ang mananaliksik.…………………..……………46
2 | G A L L E O N
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN
Talahanayan 1: Mga temang tinatalakay ng Pasiong Mahal….…………….………..…………23
Talahanayan 2: Araw at oras ng pagdaraos ng bawat pamilya noong nakaraang Mahal na Araw
…………….…………………….……………………….……………………...………..………33
Talahanayan 3: Mga pagkakapareho sa naratibo ng pabasa ng mga piniling pamilya……….…51
3 | G A L L E O N
KABANATA 1
PANIMULA
Kaligiran ng Pag-aaral
Ang Kalakhang Maynila ay tinaguriang sentro ng ekonomiya, politika, at edukasyon sa
Pilipinas. Ito ang rehiyon na may pinaka makapal na populasyon sa bansa na mayroong humigit
kumulang labindalawang (12) milyong ka-tao na naninirahan. Nakapaloob dito ang labinganim (6)
na siyudad at kabilang dito ang lungsod ng Pasay. (DTI, w.p.) Ang lungsod ng Pasay ang ikatlong
pinakamaliit na lungsod sa Metro Manila. Nakapalibot dito ang iba pang mga lungsod, sa hilaga,
ang Lungsod ng Maynila, sa timog ang Parañaque, sa hilagang-silangan ang Makati at Taguig at
sa kanluran naman ay ang Manila Bay. Ang Pasay ay may kabuuang lupa na 18.50 square
kilometers na kung saan 5.5050 square kilometer ang city proper at 9.5 square kilometers ang
tinatawag na aeronautics complex na kinabibilangan ng Ninoy Aquino International Airport
(NAIA) at Villamor Air Base. Ang natitira namang 4.00 square kilometers ay artipisyal o
sinasabing reclamation area na nagmula sa look ng Manynila. Binubuo ang kalupaan ng Pasay ng
pitong (7) distrito na nahahati sa dalawampung (20) sona. Sa kabuuan, mayroon itong
dalawandaang (200) Barangay (City government of Pasay, w.p.).
Noong 1571, napasakamay ng mga Kastila ang Maynila sa pangunguna ni Gobernador
Heneral Miguel Lopez de Legaspi, at dahil magkakalapit ang nasabing mga pook, naging madali
para sa mga mananakop na mapasakamay nila ang mga karatig lungsod tulad ng Pasay. Naging
resulta ng pananakop na ito ang pagpapakilala sa mga Pilipino ng mga kanluraning ideya at
relihiyong Kristiyanismo. Ang panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila ay masasabing
nagtataglay ng isang relihiyosong karakter dahil karamihan sa mga nailimbag sa panahong ito ay
4 | G A L L E O N
tumatalakay sa tema ng katesismo na kanilang ginamit upang maipalaganap ang Kristiyanismo sa
ating bansa.
Isa sa mga naging pinaka-popular na anyo ng panrelihiyong panitikan ay ang Pasyon. Ang
Pasyon ay isang doktrinang tula na isinasalysay ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni
Hesukristo. Madalas ay isinusulat ito sa anyong quintilla kung saan sa bawat saknong ay mayroong
limang (5) linya na nagtataglay ng wawaluhing (8) silabiko. Kadalasan, ang Pasyon ay ginagamit
ng mga Pilipino tuwing Semana Santa upang magsagawa ng isang Pabasa. Ang Pabasa ay isang
ritwal kung saan salit-salit at tuluy-tuloy na inaawit ang tula Pasyon ng dalawang tao o group.
Maari itong awitin sa paraang mabilis o mabagal at maaring gamitan din ng mga popular na himig
ng kanta. Madalas itong ginaganap sa isang tuklong o kaya naman ay nagpapatayo ang punong-
abala ng isang kubol (Cultural Center of the Philippines, 1994).
Maging sa kasalukuyang panahon, ang ritwal ng Pabasa ay nabubuhay pa. Ang
mananaliksik ay lumaki sa lungsod ng Pasay kung saan ang kaniyang pamilya ay ginawa nang
panata ang pagsasagawa ng Pabasa taun-taon tuwing Semana Santa. Sa pagdaan ng panahon,
naging saksi ang mananaliksik sa unti-unting paghina ng tradisyon na ito sa kanilang pamilya.
Kamakailan lamang ay napag-alaman ng mananaliksik ang tungkol isang grupo na nagsasagawa
rin ng kanilang sariling Pabasa na mula sa Pasay. Dahil dito, napag-isipan ng mananaliksik na
magandang pag-tuunan ng pansin ang paksa na ito sapagkat isang pagpapatotoo na maaring
manatili ang isang matandang tradisyon sa kabila ng pagiging isang modernisadong lungsod ng
Pasay.
5 | G A L L E O N
Pagpapahayag ng Suliranin
Tatalakayin ng pag-aaral na ito ang ritwal ng Pabasa na isinasagawa ng iba’t – ibang
pamilya na naninirahan sa Pasay. Nais nitong bigyang-kasagutan ang katanungang:
Ano ang nabubuhay na tradisyon ng Pabasa sa lungsod ng Pasay?
Layunin ng Pag-aaral
Layunin ng pag-aaral na ito na:
1. Magbigay ng mga grupong patuloy na nagsasagawa ng ritwal ng Pabasa sa kasalukuyang
panahon.
2. Suriin ang aspektong naratibo at mga elemento ng ritual ng Pabasa sa mga napiling grupo.
3. Makabuo ng sariling balangkas na angkop sa pag-aaral gamit ang mga datos na nakalap.
4. Alamin kung ano ang tradisyon ng Pabasa sa Pasay at kung paano ito nananatiling buhay
sa kamalayan ng mga nakatira sa lungsod.
Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa tradisyon ng Pabasa sa lungsod ng Pasay, partikular
na sa kasagsagan ng F.B Harrison avenue. Nilimita ng mananaliksik ang mga kaso sa pamamagitan
ng pagpili sa Pamilya Llamas bilang pangunahing tagapag-bigay impormasyon sa pag-aaral na ito.
Bahagi ng kanilang tradisyon ang pagbabasa sa iba’t iba pang mga kabahayan bukod pa sa kanilang
sariling Pabasa upang maibahagi ang kanilang lamentasyon. Kabilang sa mga kabahayan na ito
ang tatlo pang grupo na nagmula rin sa Pasay. Sa pamamagitan ng pagpili sa Pamilya Llamas,
nagkaroon ng ugnayan ang mananaliksik sa iba pang grupo na nagsasagawa ng Pabasa at sa
parehong pagkakataon ay nalimitahan ang bilang ng mga pangkat.
6 | G A L L E O N
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa aspetong ritwal ng Pabasa. Tatalakayin din sa pag-
aaral ang iba’t ibang tono na ginagamit sa Pabasa base sa mga pamilya na sinalihan ng
mananaliksik. Tatalakayin dito ang ilang teknikal na bahagi ng mga tonong ito bilang panimula
ngunit dahil sa hindi dalubhasa ang mananaliksik sa larangan ng musika ay hinihikayat nito na
magkaroon pa ng hiwalay na pag-aaral upang mabusisi nang mabuti ang mga tono na ito.
Tatalakayin din ang mga naging tema ng Pasyon at ang nilalamang teksto ng libro ng Pasiong
Mahal na kasalukuyang ginagamit ng mga pamilyang nagsasagawa ng Pabasa. Hindi naman
kasama ang pagkatay sa nilalaman ng teksto at tono ng “lamentasyon” sapagkat nangangailangan
ito ng mas husto at malalim na pagtatasa na maaring pagtuunan ng pansin ng isa pang pag-aaral
Labis na magiging mahaba din ang pag-aaral na ito kung isasaalang alang ang mga teknikal na
bahagi. Nais iwasan ng mananaliksik ang panganib ng paglihis sa pangunahing layunin ng pag-
aaral.
Rebyu ng Literatura
Sa pananaliksik tungkol sa ritwal ng Pasyon sa Pilipinas, may iilang mga aklat at artikulo
ang naisulat tungkol dito. Una, ang aklat na Pasyon na isinulat ni Rodel E. Aligan noong 2001 ay
tumatalakay sa kasaysayan ng Pasyon sa ating bansa. Mayroon itong tatlong kabanata kung saan
ang unang kabanata ay tumatalakay sa pampanitikang kategorya ng Pasyon at tinatawag niya itong
Sinaunang Kristiyanong Tula. Dito niya binigyang analisis ang katutubong literatura at inugnay
sa kolonyal na literature at kalaunan, sa Pasyon. Ang ikalawang kabanata naman ay tumatasa sa
nilalaman ng teksto ng unang tagalog na Pasyon ni Gaspar Aquino de Belen. Habang ang huling
kabanata naman ay tumatalakay sa naging papel ng Pasyon sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
sa Pilipinas.
7 | G A L L E O N
Upang bigyang pansin ang Pabasa, napasakamay ng mananaliksik ang isang kabanata mula
sa libro na Ang mga Tradisyunal na Musikang Pantinig sa Lumang Buan Batangas na isinulat ni
Elena Rivera Mirano noong 1997. Ang ika-apat na kabanatang ito na mula sa libro ay
pinamagatang Ang Pabasa. Dito, binigyang kahulugan kung ano nga ba ang Pabasa, ang
kasaysayan nito, ang proseso kung paano ito isinasagawa at ang mga elemento na nakapaloob sa
ritwal na ito.
Para naman sa metodolohiyang ginamit ng mananaliksik, nakita nito ang isang
periyodikong pinamagatang Conversational Method in Indigenous Research na isinulat ni
Margaret Kovach noong 2010 sa First Peoples Child Family Review. Tinatalakay ng periyodikong
ito kung paano at bakit maalaga ang pakikipagkuwentuhan bilang isang metodo ng pananaliksik
lalo na sa isang katutubong tagpo.
Ginamit naman ng mananaliksik ang Kapwa: A Filipino Core Concept in Filipino Social
Psychology na isinulat ni Virgilio Enriquez, Loób and Kapwa: An Introduction to a Filipino Virtue
Ethics ni Jeremiah Reyes at Tao Po! Tuloy! na isinulat ni Albert E. Alejo na tumatalakay sa mga
kaisipang Pilipino upang maging gabay sa pagtatasa sa tradisyon ng Pabasa sa Pasay.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalagang pag-aralan kung ano ang tradisyon ng Pabasa sa Pasay sapagkat wala pang
nailalathalang pag-aaral tungkol sa nasabing tradisyon sa lungsod. Ito rin ay maaaring makatulong
sa pagbuo ng identidad ng mga taga-Pasay at kalaunan at maging dagdag kaalaman tungkol sa
kanilang sining. Ang pagkakatuklas kung bakit at paanong nanatiling buhay ang tradisyon ay
maaaring makatulong sa pag-aaral kung paano ang magiging epektibong paraan ng preserbasyon
ng mga ritwal na namamatay na. Interesante rin itong pag-aralan sapagkat ito ay isang matandang
8 | G A L L E O N
tradisyon na nananatiling buhay sa lungsod sa kontemporaryong panahon. At pang-huli, mahalaga
na mapagaralan ang tradisyon na ito, lalo na ang Pamilyang Llamas dahil wala pang nakagagawa
ng anumang pag-aaral at pagtuklas ng kanilang tradisyon na lamentasyon.
Metodolohiya
Upang mabigyang sagot ang katanungan at makamit ang mga layunin ng mananaliksik,
nangalap ito ng datos upang makakuha ng mga dokumento na gagabay at susuporta sa pag-aral na
ito. Una, ang nagtanung-tanong mananaliksik sa Pasay upang magkaroon ng ideya kung mayroon
pa bang nabubuhay na tradisyon ng pagbasa sa Pasay, pagkatapos ay tumungo na sa pananaliksik
sa mga aklatan partikular na sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila, Unibersidad ng Pilipinas
Diliman, at Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Gumamit rin ang mananaliksik ng internet upang
mangalap ng mga datos mula sa mga online journal at e-books. Humingi rin ang mag-aaral ng
tulong mula sa isang dalubhasa sa musika upang magkaroon ng paunang kaalaman tungkol sa mga
tono ng Pabasa na ginagamit ng mga nasabing Pamilya.
Upang pagtibayin pa ang pag-aaral, nagsagawa ng pakikipanayam ang mananaliksik sa
mga pamilyang nagsasagawa ng Pabasa sa kasagsagan ng Mahal na Araw noong nakaraang Marso
2018. Gumamit ang mananaliksik ng isang katutubong metodo o indigenous method na
naglalayong kumalap ng datos sa pamamagitan ng impormal na pakikipanayam o
pakikipagkuwentuhan. Ito ay pakikilahok sa dialogo na nagtataglay ng isang malalim na layunin
ng pagbabahagi ng kuwento (Kovach, 2010). Sa paraang ito, mas mapapalabas ng mananaliksik
ang mga tunay na pananaw at saloobin ng mga kinapanayam makapagbibigay sila ng kasagutan
nang walang pag-aalinlangan.
9 | G A L L E O N
Panimulang Balangkas
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Grounded Theory approach. Sa paraang ito, ang
mananaliksik ay maaaring bumuo ng kaniyang sariling modelo at teorya pagkatapos ng isang
masusuing pag-aaaral sa mga impormasyong kaniyang nakalap (Glaser & Strauss, 1967). Mainam
na gumamit ng ganitong metodo dahil sa pag-aaral ng isang kultura, walang iisang teorya o
balangkas ang buong aangkop dito. Ang kultura ng isang malawak na konseptong hindi
maikukulong sa iisang ideya o modelo lamang.
Ang balangkas na ito ay magsisilbing gabay ng mananaliksik sa daloy ng kaniyang pag-
aaral. Ito rin ang gagamiting modelo sa pagtatasa ng kaniyang mga nakalap na datos upang
makarating sa kaniyang konklusyon. Ang katangian ng apat na grupo at ang ritwal ng kanilang
Pabasa ay pinagtitibay ng kanilang pagtingin sa kapwa, loob, at pananampalataya sa Diyos.
Pigura 1: Panimulang Balangkas ng mananaliksik
Tradisyon ng
Pabasa sa Pasay
Loob Kapwa
Diyos
10 | G A L L E O N
KABANTA 2
KONTEKSTO NG PAG-AARAL
Ang Pabasa at Pasyon sa konteksto ng Pilipinas
Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola na isinulat ni Gaspar
Aquino de Belen ang sinasabing pinakaunang tagalog na pasyon na nailimbag noong 1703. Ang
bersyon ng Pasyon na ito ay kasama ng isang libro na binabasa para sa mga naghihingalo na at
nagsisilbing pangbendisyon sa kanila bago sila sumakabilang buhay (Cultural Center of the
Philippines, 1994).
Dahil sa kasikatan, noong noong 1814 naman ay nagkaroon ng panibagong bersiyon ng
pasyon, ang Casaysayan nang Pasiong Mahal ni Jesucristong Panginoon Natin na Sucat Ipag-alab
nang Puso nang Sinomang Babasa. Tinawag din itong Pasyong Henesis dahil nag-umpisa ito sa
pagkakalikha ng tao at ng mundo tulad ng Aklat ng Henesis sa bibliya. Hanggang sa kasalukuyan
ay hindi alam kung sino ba ang nagsulat ng bersyon na ito ngunit pagkaraan ay tinawag din itong
Pasyong Pilapil dahil sa namatnugot na si Fr. Mariano Pilapil (Cultural Center of the Philippines,
1994).
Noong 1842 naman, ang El Libro de La Vida o ang Libro ng Buhay ay na isinulat ni
Aniceto de la Merced. Naging mas kilala ito sa tawag na Pasyong de la Merced o Pasyong Candaba
dahil ang tunay na pangalan ni de la Merced ay Vicar Forane ngcCandaba. Naging sikat ito sa mga
simbahan ngunit hindi parin natalo ang kasikatan ng Pasyong Henesis. Ang lahat ng bersyon ng
Pasyon na ito ay naglalaman ng ARAL na tungkol sa moralidad at Kristiyanong pamumuhay
(Cultural Center of the Philippines, 1994).
11 | G A L L E O N
Kung ang Pasyon ay kilala bilang instrumentong ginamit upang masakop ng mga Kastila
ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakilala ng Kristiyanismo sa bansa, sinasabi naman ni
Ileto sa kaniyang librong Pasyon and Revolution, ang Pasyon ay naging daan upang mamulat ang
mga Pilipino at lubanan ang mga mapang-aping mananakop. Ayon sa kaniya, sa pag-aaral ng
Rebolusyon noong 1896, dapat isaalang-alang ang pananaw ng mga masa. Naniniwala siya na ang
pagkilos ng masa ay maaari lamang maging makabuluhan kung ito ay nasa kamalayan ng tao.
Inilarawan ni Ileto ang 1840 hanggang 1910, bilang “period of unrest” dahil sa pagtaas ng mga
kilalang kilusan sa Luzon. Kabilang sa mga ito ang pag-aalsa ng Cofradia na pinamunuan ni
Hermano Pule, ang Katipunan ng Bonifacio, ang Rebolusyong 1896, ang huling paninindigan ni
Sakay, at huli, ang pag-aalsa na pinangungunahan ni Salvador noong taong 1910. Noong inilathala
ang Pasyon noong 1814, ito’y panahon ng pagsensura sa literatura ngunit ang Pasyon ay isa sa
mga literaturang pinayagan na ipakalat dahil ito’y nagsisislbing kagamitan para sa katekismo kaya
abot kamay ito ng masa. Ito ang naglaan sa kanila ng isang wika upang maipahayag ang kanilang
mga mithiin, at kahit pag-asa na maging malaya. Ipinakikita niya kung paano nakaugnay ang mga
mamamayan sa tema ng Pasyon: na nagpapakita ito ng isang paraisong nakamtan ng iba tulad ng
nangyari sa Pilipinas, paghihirap, pagpapalakas ng loob, liwanag, kapatiran, pagsasalungat at
pakikibaka, kasamaan at pagkamakasarili, at kalayaan. Idinagdag din ni Ileto na ginamit ng
Katipunan ang mga imahe at bokabularyo katulad ng pasyon sa mga pahayagan at ritwal nito. (La
Vina, 1983)
Kasalukuyang Tradisyon ng Pabasa sa Pilipinas
Hanggang sa ngayon ay nananatiling buhay ang tradisyon ng Pabasa at Pasyon sa Pilipinas.
Noong nakaraang Mahal na Araw 2018, nagkaroon ng isang pagdiriwang ng Pasaba sa Bulacan
kung saan kasama ang NCCA at iniulat ito sa kanilang social media page. Ginawa nila ito upang
12 | G A L L E O N
mapanatiling buhay sa kamalayan ng mga Pilipino ang tradisyon na ito. Dito naman sa Maynila
ay nagkaroon ng kaniya-kaniyang gimik ang mga kabataan pati na rin ang nakatatanda upang
panatilihing buhay ang Pabasa sa lungsod. Kahit na ang tradisyunal na paraan ng pabasa ay
ginagawa pa rin ngayon, ang mga tao ay nagbigay na ng kanilang sariling mga pagbabago.
Maaaring ito ay isang magandang bagay na maaaring maging isang paraan upang ipakilala ang
pabasa sa mga nakababatang henerasyon. Kamakailan lamang, ang UP Repertory Company ay
nagdaos ng kanilang sariling pabasa sa Guro ng Village sa UP Diliman, ngunit ito ay hindi talaga
ang tradisyunal na pabasa na alam natin. Ang kanilang kaganapan ay pinamagatang Pabasa:
Obituaryo sa Nanlaban, na nagpapagunita sa mga namatay dahil sa extra-judicial killings ng
Administrasyong Duterte. Nagsasalaysay sila ng mga tula, umawit ng mga kanta, at nagbasa ng
mga artikulo, na nag-uugnay sa nasabing isyu sa loob ng tatlong araw.
Pangalawa, dahil ang pabasa ay kinanta na may magkakaibang himig iba iba ang estilo ng
pagkanta nito. Maaaring mag-iba ang mga istilo ng Pabsa mula sa napaka nakakasuyang, tagulalay,
na mabagal at malungkot, o kaya naman ay dalit, at maaari ding tulad ng mas sikat na tres caidas
na karaniwang ginagamit ng mga nakababata dahil ito’y mabilis at nakakabuhay. Pero maraming
taon na ang nakalipas nang magsimula ang tradisyong ito, at nawalan na ng interes ang ilang mga
kabataan dahil sa modernong panahon. Ang mga lumang tradisyong ito ay hindi na “in” o "hip"
para sa mga kabataan. Kaya naman uang mapanatiling buhay ang Pabasa, tinutulungan ng mga
kabataan ang paglikha ng mga bagong himig na hindi karaniwang ginagamit sa panalangin, tulad
ng rap. Ginagamit din nila ang mga himig mula sa mga umiiral na mga sikat na kanta, ay ito’y
nakakuha ng pag-apruba ng mga obispo dahil sa kanilang tingin ay isa itong pagkakataon para sa
Pabasa na maging kilala ng mga kabataan sa pamamagitan ng isang malikhaing paraan ng pag-
awit.
13 | G A L L E O N
Ang tagpuan ng Pabasa ng Pasyon
Ang F.B. Harrison Avenue ng lungsod ng Pasay
Ang F.B Harrison Avenue na ipinangalan kay Francis Burton Harrison, dating gobernador-
heneral ng Pilipinas, ay isang pangunahing kalsada na nag-uugnay sa Lungsod ng Pasay sa
Lungsod ng Maynila sa hilaga at sa Lungsod ng Parañaque naman sa timog. Binabaybay nito ang
humigit-kumulang 25 metro ng Pasay. Ang seksyon ng F.B. Harrison Avenue ay isang
pangunahing kalsada na dinadaanan ng mga pampublikong transportasyon na nagreresulta sa
madalas na magbagal, at masikip na daloy ng trapiko sa lugar. (Pasay City Government, w.p.)
Kasaysayan
Pinagmulan ng pangalan ng Pasay
Marami-raming alamat at paniniwala ang nagsasabi kung saan ipinangalan ang
Lungsod ng Pasay. Ang ilan ay nagsasabi na galing ito sa hiyaw ng lalaking sawi sa pag-ibig na si
Jose, isang anak ng naninilbihan sa lupain ng ama ni Paz. Si Jose at si Paz ay mayroong
ipinagbabawal na pag-ibig at pilit silang pinaghiwalay ng kanilang mga magulang at sa lubos na
kalungkutan ay namatay si Paz. Habang pinaglalamayan ang babae ay napasigaw ng “Paz-ay!” si
Jose sa lungkot. Sa sobrang pagsisisi ay ipinangalanan ng mga magulang ni Paz ang kanilang
lupain na Paz-ay.
Kung mayroong mga kuwento na ipinasa-pasa tungkol sa pagkakapangalan sa
lungsod na ito, mayroon din namang mga paliwanag na binibigyang katibayan ng mga istoryador.
Una, kanilang isinaad na ang lungsod ng Pasay ay puno ng mayayabong na pasaw, isang halamang
gamot na may kakaibang samyo. Sinasabi na noong unang panahon ay mayroong Espanyol na
14 | G A L L E O N
botanistang nag-ngangalang Antonio Pineda na nangangalap ng pasaw sa pook. Pangalawa,
sinabing ang pinagmulan ng pangalan ng Pasay ay ang prinsesa mula sa kaharian ng Namayan na
si Dayang-dayang Pasay. Ang kaharian na ito ay sinasabing binubuo ng ilang barangay na nasa
rurok ng pag-unlad noong 1175. Binabaybay nito ang Manila Bay hanggang sa Laguna de Bai.
Sinasabing ipinamana sa prinsesa ang teritoryo ng Culi-culi, Pasay, at Baclaran. (Pasay City
Government, w.p.)
Ang Pasay noong sinaunang panahon
Ang sinaunang Kaharian ng Namayan, na tinatawag din na Kaharian ng Sapa, ay isa sa
tatlong pangunahing mga kaharian na itinatag noong ika-13 na siglo bago pa man dumating ang
mga Espanyol. Kabilang sa kahariang ito ang Pasay. Ang kabisera ng kaharian na ito ay
kasalukuyang matatagpuan sa Santa Ana, Maynila, at sa Lungsod ng Mandaluyong. Ang
inilalarawan na karatig ng Manila Bay, ang ilog ng Pasig, at Laguna de Bay at Kahatian ng
Namayan. Noong itinatag noong 1578 ang parokya ng Sta. Ana de Sapa, pinili ng mga
misyonaryong Pransiskano na itayo ang kanilang simbahan at mga tirahan ilang kilometro mula
sa sinaunang bayan ng Namayan. Ang resulta ay ang kasalukuyang Santa Ana ay hindi na
matatagpuan sa orihinal na lugar ng kabisera ng Namayan. Noong panahon ng kolonyal ng Kastila,
ang Santa Ana ay isang pangisdaan na may iba pang mga industriya kabilang ang karpinterya,
masonerya, piña (pinyang tela) na pagbuburda, pati na rin ang produksyon ng mga tinap, sigarilyo,
tisa, asukal, at tinapay (World Heritage Encyclopedia, w.p.).
Ang Pasay noong Panahon ng Pananakop ng mga Kastila
Natuklasan ni Magellan ang Pilipinas nang siya ay nakarating sa Island of
Homonhon noong Marso 16, 1521. Noong Mayo 19, 1571, kinuha ni Legaspi ang pormal na pag-
15 | G A L L E O N
aari ng Maynila sa pahintulot ng hari ng Espanya. Noong 1727, kinuha ang Order of Augustinian
sa Pasay at nakalakip sa parokya ng Nuestra Seniora de los Remedios ng Malate. Noong panahong
iyon pianlitan ang pangalan ng Pasay sa Pineda bilang parangal kay Don Cornelio Pineda, isang
Espanyol na hortikulturist. Ang pagkakaroon ng puwesto sa langit ang siyang nagsilbi bilang
inspirasyon para sa mga katutubong na ibigay ang kanilang pag-aari sa simbahan. Sinasabi na ang
Dayangdayang Pasay na prinsesa ng Kaharian ng Namayan ay ibinigay ang kaniyang malawak na
lupain sa mga Augustinian sa kanyang kamatayan. Karamihan sa Pasay ay nagpunta sa mga
lupaing prayle. Noong 1862, maraming mga kilalang mamamayan ng Pasay ang nagpapadala ng
petisyon sa mga awtoridad na humihingi ng pahintulot na kanilang pamahalaan ang kanilang
sariling mga pampulitika at relihiyosong gawain. Noong Disyembre 2, 1863 sa rekomendasyon ni
Arsobispo Gregorio Martinez ng Sta. Cruz, Pasay ay naging isang Pueblo ito.
Ang Pasay noong Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano
Sa simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano, ang Pasay ay inookupahan ng mga Puwersa
ng Amerikano ngunit natapos din ito noong Hulyo 4, 1902. Sa isang henerasyon, tinulungan ng
Estados Unidos ang paglago ng mga Pilipino. Ang progreso ng pulitika ay mabilis at ang mga
ospital ay itinayo. Ang isang malusog na kampanya sa kalusugan ay sinimulan upang mapupuksa
ang mga isla ng kolera, bubonic plague, at small pox. Noong Hunyo 1, 1901, ang bayan ng Pasay
(na tinatawag na Pineda) ay isinama sa Lalawigan ng Rizal. Si Antonio Dancel ay hinirang bilang
panlalawigang gobernador at si Pascual Villanueva bilang munisipal na pangulo. Noong Agosto
4, 1901, isang resolusyon ang nagpetisyon na ang orihinal na pangalan ng Pasay ay ibabalik. Bago
matapos ang taon, inaprubahan ng Komisyon ng Pilipinas ang petisyon. Pagkalipas ng dalawang
taon, noong Oktubre 12, 1903, ang pueblo ng Malibay ay na-ikonekta na sa Pasay. Sa populasyon
na 8,100 noong 1903, ang Pasay ay inilagay sa ilalim ng ika-apat na kategorya kasama ang 9 na
16 | G A L L E O N
iba pang mga munisipyo. Ang mga lugar ng bakuran ay naging mga subdibisyon, nagtagal ang
Pasay Real Estate Company, naka-roon na ng mga poste, telegrapo, at linya ng telepono at itinatag
ang mga sangay ng Philippine Savings Bank. Noong 1907, isang kalsada mula sa Pasay hanggang
Camp Nichols ang nakumpleto. Ang iba ay naayos kasama ang lumang Avenida Mexico na ngayon
ay tinatawag na ekstensiyon ng Taft Avenue at napabuti ang mga serbisyo sa transportasyon. (Pasay
City Government, w.p.).
Ang Pasay sa kasalukuyang panahon
Noon, ang Pasay City ay itinuturing na "Boracay" ng metropolis dahil sa mga
puting tabing-dagat nito at magagandang tanawin ng maringal na Manila Bay. Sa paglipas ng
panahon, ang imahe na ito ay wasak hindi lamang ng digmaan kundi pati na rin ng napakalaking
pag-unlad at komersyalisasyon. Bago naging independiyente ang Pasay, ang kriminalidad at
karahasan ay naging laganap. Sinabi ni Bal'oro na ang lunsod ay naging tagpo ng mga tao mula sa
lahat ng bahagi ng Luzon para sa mga paligsahan at kaganapan. "Ang Pasay ang naging sentro ng
mga kumpetisyon tulad ng mga goryon o malaking kite, silang lahat ay nagtipon dito para sa
kaganapan," dagdag niya. Dahil sa kalapit nito sa Maynila, mabilis na naging lungsod ng Pasay
ang lungsod sa panahon ng Amerikano. Nang pinasiyahan ni Cuneta ang Pasay sa loob ng 40 taon,
sinamantala niya ang pagiging malapit na kaibigan ng mga Marcos at kinuha niya ang kanilang
suporta para sa pag-unlad ng lungsod. Ang pagkakaibigan ni Cuneta sa mga Marcos ay nagbunga
dahil pinili ng pambansang pamahalaan ang Pasay upang maging lokasyon ng ilan sa mga
mahahalagang proyekto nito tulad ng Manila International Airport, Cultural Center of the
Philippines (CCP) Complex, kabilang ang Philippine International Convention Center (PICC)
Tanghalang Francisco Balagtas (dating Folk Arts Theater), Manila Film Center at Coconut Palace.
Sa panahon ng termino ng Cuneta, kilala ang Pasay bilang 'sin city' ng bansa dahil sa paglaganap
17 | G A L L E O N
ng mga yungang prostitusyon na nagtatampok bilang mga nightclub at bar. Ang mataas na antas
ng krimen ay naitala noong panahong iyon na nagbago ng larawan ng Pasay.
Sa kasalukuyan, ang Pasay ay naging mahigpit na sa ilalim ng pamamahala ni Mayor
Antonino “Tony” G. Calixto. Inilunsad nila ang Pasay City Tourist Police na sinasabi ni Mayor
Calixto na isang positibong hakbang upang labanan ang "negatibong pananaw, at isang tunay na
solusyon upang malunasan ang sitwasyon” sa Pasay. Noong 2013 ay inilunsad nilang ang slogan
ng Pasay na “Where the fun never stops and where the fun begins!” Sa slogan na ito, inaasahan ni
Mayor Antonino Calixto na ang kanyang lungsod ay hindi lamang ang gateway sa Pilipinas kundi
isang destinasyon ng turista mismo at nais nilang mabansagan ang Pasay ngayon bilang Travel
City imbis na Sin City.
Heograpiya, Klima, at Populasyon
Ang Pasay City ay sumasakop sa kabuuang lupa na 18.50 square kilometers (7.14 sq mi),
na ginagawa itong ikatlong pinakamaliit na subdibisyong pampulitika sa National Capital Region.
Ang hangganan ng Lungsod ng Maynila sa hilaga, Parañaque sa timog, Makati at Taguig sa
hilagang-silangan, at Manila Bay sa kanluran. Maaaring hatiin ang lunsod sa 3 magkakaibang
lugar: ang urban area ng lungsod na may lugar na 5.505 square kilometers (2.125 sq mi); ang Civil
Aeronautics Administration (CAA) complex, na kasama ang Ninoy Aquino International Airport
(NAIA) at ang Villamor Airbase, na may isang lugar na 9.5 square kilometers (3.7 sq mi); at ang
na-reclaim na lupa mula sa Manila Bay na may lugar na 4.00 square kilometers (1.54 sq mi). Ang
Pasay ay binubuo ng pitong (7) distrito, na binubuo ng dalawampung (20) zone, na may kabuuang
201 na mga barangay. Ang mga barangay ay walang mga pangalan ngunit ang mga itinalagang
mga numero lamang. Ang pinakamalaking zone na may lugar na 5.10 square kilometers (1.97 sq
mi) ay Zone 19, na sumasakop sa mga barangay 178 at 191. Ang pinakamaliit na zone na may
18 | G A L L E O N
lugar na 10 hectares (25 acres) ay ang Zone 1, na sumasaklaw sa mga Barangay 1 hanggang 3 at
14 sa 17 (Pasay City Government, w.p.).
Ekonomiya
Ang mabilis na urbanisasyon ng Lungsod ng Pasay at pagtaas ng populasyon ay naging
sanhi ng lumalaking pangangailangan para sa mga agarang pangangailangan ng mga mamamayan.
Noong 2000, ang Lungsod ng Pasay ay mayroong tinatayang lakas paggawa na 291,800 na
kumakatawan sa 80.4% ng populasyon. Sa kabila ng lubos na urbanisadong karakter, 84.5%
lamang ng kabuuang lakas-paggawa ng Lungsod ng Pasay ang nakakuha ng trabaho. Karamihan
sa kanila ay nagtratrabaho para sa iba't ibang negosyo, mga pribadong organisasyon at mga
ahensya ng gobyerno. Nagkaroon din ng isang makabuluhang bilang ng mga nagtatrabaho na
itinuturing na self-employed. Ang kamakailang kalakaran patungo sa isang global-oriented
economy ay may iba't ibang epekto sa Pilipinas. Lumikha ng isang pangangailangan para sa mga
serbisyo na nakatuon sa industriya ng konsumerismo. Sa Pasay City, ang mga serbisyong ito ay
maaaring, pinansiyal, medikal, tingian at pangkalahatang pangangalakal, panlibangan, mga
pampublikong terminal, mga serbisyong propesyonal, personal, at kagamitan. Noong 2000, isang
kabuuang 8,461 ang mga negosyo ay nakarehistro sa lungsod (Pasay City Government, w.p.).
Relihiyon
Ang debosyon ng mga Pilipino sa kanilang relihiyong Katoliko ay hindi lamang umiikot
sa paligid ng simbahan at mga ritwal nito kundi pati na rin sa mga larawan ng pagsamba na kilala
bilang "santos". Ang Pasay ay tahanan ng Sta. Clara Parish Church, isang palatandaan sa P. Burgos
St., na itinatag noong 1864. Naka-install bilang unang pari ng parokya si Fray Simeon Betino,
OSA, na nagsilbi ng 4 na taon. Ang parokya ay nasa ilalim ng pagtataguyod ng Sta. Si Clara, na
19 | G A L L E O N
ipinanganak sa Montefalco sa paligid ng 1268. Sta. Si Clara ay sumali sa kumbento ng Franciscan
tertiaries na nagtatag ng Holy Cross Convent sa Montefalco noong 1290. Tumataas siya upang
maging pryora ng komunidad. Kilala sa pamumuhay ng mahigpit at simple, Sta. May malalim na
debosyon si Clara sa Passion ni Cristo at ng Kanyang Krus. Nang mamatay si Clare noong 1308,
isang imahe ng Krus ang natagpuan sa kanyang puso, at ang kanyang katawan ay nanatiling walang
kasiraan. Napag-canonize siya noong 1881 ni Pope Leo XIII.
Ang iba pang mga patron ng Pasay ay sina San Isidro Labrador, San Roque, Sta. Clara De
Montefalco, Our Lady of Fatima, Our Lady of the Airways, Mary, the Comforter of the Afflicted
at San Rafael Arkanghel.
Kultura
Mayroong maraming mga rekreasyonal at kultural na destinasyon na maakit ang mga lokal
mga bisita at banyagang turista. Kabilang sa mga atraksyon sa kultura ang Nayong Pilipino sa
lugar ng paliparan na nagpapakita ng mga maliit na bersyon ng tunay na natural na atraksyon sa
Pilipinas, at maraming mga lugar para sa mga palabas sa Cultural Center ng Complex ng Pilipinas
(CCP). Nandirito rin ang Star City, na kung saan ay ang paboritong libangan na destinasyon ng
mga tao sa panahon ng Pasko panahon. Ang Pasay City ay may mahalagang papel sa industriya
ng turismo ng Pilipinas, ito ang nagsisilbing internasyunal na gateway ng bansa dahil dito
nakalugar ang Ninoy Aquino International Airport. Sinusuportahan din nito ang industriya ng
turismo sa Metro Manila at sa malapit lalawigan sa Southern Luzon dahil mayroon itong 20 na
mga hotel na tumanggap ng mga dayuhan at mga lokal na turista. Ang ferry terminal sa tabi ng
Tanghalang Francisco Balagtas (sa CCP) ay nagsisilbing ding daungan na papunta sa
makasaysayang isla ng Corregidor.
20 | G A L L E O N
Tuwing buwan naman ng Disyembre at Abril ay ginaganap ang Aliwan Festival. Ang
Aliwan Fesitval ay ipinapakita ang mga kapistahang Pilipino at kung paanong ang relihiyon,
kultura, at tradisyon ang naghahabi sa ating identidad bilang Pilipino. Ang mga tradisyunal na
piyesta na ginaganap taun-taon upang gunitain ng ibat ibang bayan o lalawigan, o ppagpaparangal
sa mga santong patron nito, ay pinagsasama-sama upang bigyang-diin ang mapanglaw at
malikhaing espiritu ng Pinoy (World Heritage Encyclopedia, w.p.).
21 | G A L L E O N
KABANATA 3
PRESENTASYON NG DATOS
A. Ang teksto ng Pasyong Pilapil
Ang Pasyong Pilapil na inilimbag noong 1814 ang siyang naging pinakakilala na bersyon ng
librong Pasyon na patuloy na iniimprenta hanggang sa kasalukuyang panahon. Kilala din ito sa
tawag na Pasiong Henesis o Pasiong Mahal at ito ang ginagamit na libro ng mga kasalukuyang
nagsasagawa ng Pabasa sa kasagsagan ng F.B. Harrison sa lungsod ng Pasay.
Larawan 1: Libro ng Pasiong Mahal na ginagamit tuwing Pabasa
Hindi tulad ng naunang bersyon ng Pasyon na isinulat ni Gaspar Aquino de Belen, ang
Pasiong Pilapil o Henesis ay nagsimula sa pagkakagawa ng mundo at nagtapos sa huling
paghahatol. Ang bahagi ng bibliya na Genesis ay nagsasalaysay ng paglikha ng Panginoon sa
mundo, kasama na ang istorya ni Eba at ni Adan, pagkatapos seksyon na ito ay patungkol na kay
Birheng Maria at Kristo. Mula sa panganganak ni Sta. Maria kay Ginoong Sta. Maria, hanggang
22 | G A L L E O N
sa magbuntis si G. Sta. Maria sa ating Panginoon na si Hesus at kausapin siya ni Arkanghel San
Gabriel. Sinubaybayan ng libro ang paglaki ng batang si Hesus hanggang sa siya ay mabinyagan
at magsagawa na ng kaniyang mga milagro, dahil sa mga ito ay nagkaroon siya ng mga
tagapaniwala at mga Apostoles na nagpapakalat ng Salita ng Panginoon sa pamamagitan ng
Kaniyang Anak na si Hesukristo. Malinaw din na isinalaysay ang pagtalikod ng Kaniyang mga
tagasunod na siyang naging dahilan ng Kaniyang pagpapakasakit at pagkapako sa Krus. Nang Siya
ay muling nabuhay ay isinalaysay ng Pasyon ang pagdiwang ang kaniyang Ina at ang mga
Apostoles at ng mga sumunod pang kaganapan. Sa pagtatapos ng libro, tinalakay din ang
paghuhukom ng ating Panginoong Hesukristo sa Sanlibutang tao.
Ang pagkakasulat ng Pasyong Pilapil ay tulad din ng naunang bersyon ng Pasyon.
Mayroong limang octosyllabic na linya kada taludtod na ang ibig sabihin ay mayroong
wawaluhing silabiko ang bawat linya na hango sa Kastilang tula na tinatawag na quintilla. Ang
pagkakatunog ng bawat linya ay may rima na AAAAA di tulad ng quintilla na ABAAB.
Ang pagpapahampas ni Pilato sa ating Panginoong Hesukristo
Taludtod 1, Linya 1-5
1 2 3 4 5 6 7 8
1 Inulit-ulit ng tanan (A)
2 hudyong mga sukaban (A)
3 si Barrabas ang kalagaan, (A)
4 siya nilang kalooban (A)
5 si Hesus ang parusahan (A)
Ang libro ng Pasiong Pilapil ay nahahati sa mga kaganapan sa buhay ni Hesukristo kung
saan tinatalakay ang iba’t ibang tema. Naglalaman din ito ng dalawampung (20) ARAL (Asunción,
Resurrección, Adoración, Lamentación) na nagsisilbing replkesiyon o sermon na nagbibigay ng
23 | G A L L E O N
iba’t ibang aral na maaaaring mapulot sa mga isinalaysay na kuwento. Narito ang pagkakabouod
ng mga temang nakapaloob sa libro ng Pasiong Mahal:
Mga temang nilalaman ng Pasiong Mahal
Titulo Pahina
Panalangin sa Mahal na Birhen Saknong 1 - 8; Taludtod 1-40 4
Ang Paglalang ng Panginoong Diyos nitong buong
mundo
Saknong 1 - 47; Taludtod 1-235 5
Ang panginginmbulo ng dimonyo sa mag-
asawang Ama nating si Adan at Eba
Saknong 1 - 60; Taludtod 1-300 8
Ang panganganak ni Sta. Maria kay Ginoong Sta.
Maria
Saknong 1 - 41; Taludtod 1-205 12
ARAL - I Saknong 1 - 6; Taludtod 1-30
Ang pagkakatawang tao ng ikalawang persona sa
sinapupunan ni Ginoong Sta. Maria
Saknong 1 - 10; Taludtod 1-50 15
Ang pagbati ng Arkanghel San Gabriel kay
Ginoong Sta. Maria
Saknong 1 - 23; Taludtod 1-115 16
Ang Pagdalaw ni Ginoong Santa Maria kay Sta.
Isabel
Saknong 1 - 24; Taludtod 1-120 18
Ang panganganak ni G. Santa Maria sa ating
Panginoong Hesukristo
Saknong 1 - 24; Taludtod 1-120 20
Ang Pagbibinyag kay Jesus Saknong 1 - 7; Taludtod 1-35 22
Ang pagdalaw ng tatlong Haring Mago Saknong 1 - 40; Taludtod 1-200 23
Ang pagdalaw sa templo ng Jerusalem ni Ginoong
Sta. Maria at Pagtalima sa utos tungkol sa
paglilinis nanganak na babae na tinatawag na
Purificacion
Saknong 1 - 32; Taludtod 1-160 26
Ang pagpasa Egipto Saknong 1 - 10; Taludtod 1-50 29
Ang pagpapapugot ni Herodes sa lahat ng sanggol Saknong 1 - 38; Taludtod 1-190 30
Ang pagdalaw sa templo ng Jerusalem Saknong 1 - 10; Taludtod 1-50 33
Ang pagpapalumagak ni Hesukristo sa templo ng
Herusalem
Saknong 1 - 15; Taludtod 1-75 34
ARAL - II Saknong 1 - 10; Taludtod 1-50
Ang pagkamatay ni San Hosep Saknong 1 - 14; Taludtod 1-70 36
24 | G A L L E O N
Ang pangangaral ni San Huan Bautista doon sa
parang at ang pagbibinyag kay Hesukristo
Saknong 1 - 8; Taludtod 1-40 37
Nagpatukso si Hesus sa dimonyo doon sa bundok Saknong 1 - 46; Taludtod 1-230 38
Ang dahilang pagpasa Galilea ni Kristo Saknong 1 - 26; Taludtod 1-130 41
Himalang ginawa ni Hesus sa bayang Kanaa Saknong 1 - 24; Taludtod 1-120 43
Ang pangangaral ni Kristo sa babaeng Samaritana Saknong 1 - 67; Taludtod 1-335 45
Ang paghanap ni Magdalena kay Hesus Saknong 1 - 5; Taludtod 1-25 50
Pangamba ng mga Apostoles sa kalautan ng dagat Saknong 1 - 24; Taludtod 1-120 51
Ang pangangaral ng ating Panginoong Hesukristo
sa maraming tao
Saknong 1 - 5; Taludtod 1-25 53
Himalang ginawa ni Hesukristo sa limang tinapay
at sa dalawang isda
Saknong 1 - 18; Taludtod 1-90 53
Ang pakikipanayam ni Moises at ni Elias sa ating
Panginoong Hesukristo doon sa bundok ng Tabor
Saknong 1 - 56; Taludtod 1-280 55
Ang pagbuhay ni Hesukristo kay Lazaro Saknong 1 - 88; Taludtod 1-440 59
ARAL - III Saknong 1 - 13; Taludtod 1-65
Hula nang mga Propetas sa ating Panginoong
Hesukristo
Saknong 1 - 20; Taludtod 1-100 65
DOMINGO DE RAMOS
Nang sumakay si Hesukristo sa isang humenta at
pumasok sa Herusalem
Saknong 1 - 26; Taludtod 1-130 68
ARAL - IV Saknong 1 - 21; Taludtod 1-105
LUNES SANTO Saknong 1 - 20; Taludtod 1-100 71
MARTES SANTO
Ang pangangaral ng ating Panginoong Hesukristo
sa kaniyang mga alagad
Saknong 1 - 34; Taludtod 1-170 73
MIERKOLES SANTO
Kasaysayan ng malupit na si Hudas Saknong 1 - 76; Taludtod 1-380 75
ARAL - V Saknong 1 - 12; Taludtod 1-60
HUEBES SANTO Saknong 1 - 29; Taludtod 1-145 81
25 | G A L L E O N
Ang Paghapon ng ating Panginoong Hesukristo
sampu ng Kaniyang mga Apostles
Saknong 1 - 8; Taludtod 1-40 84
Ang paghuhugas ng ating Panginoong Hesukristo
sa mga Paa ng Kaniyang mga Apostoles
Saknong 1 - 59; Taludtod 1-295 85
Ang pagpanaw ni Hudas sa Senakulo at ipararakip
ang Maestro
Saknong 1 - 18; Taludtod 1-90 89
ARAL - VI Saknong 1 - 6; Taludtod 1-30
Ang pananalangin ni Hesukritong Panginon natin
sa Werto ng Hethsemani
Saknong 1 - 52; Taludtod 1-260 91
Ang Pagdakip kay Hesukristo ng mga Hudyo Saknong 1 - 40; Taludtod 1-200 95
Ang pagharap ng mga Hudyo sa ating Panginoong
Hesukristo kay Anas
Saknong 1 - 27; Taludtod 1-135 98
Ang pagbibiro ng mga hudyo sa ating Panginoon Saknong 1 - 24; Taludtod 1-120 100
ARAL - VII Saknong 1 - 8; Taludtod 1-40
Ang pagtatuwa ni San Pedro sa ating Panginoong
Hesukristo
Saknong 1 - 55; Taludtod 1-275 102
VIERNES SANTO
Ang ikalawang paghaharap ng mga Hudyo sa ating
Panginoong Hesukristo kay Kaipas
Saknong 1 - 50; Taludtod 1-250 106
Ang pagpapatiwakal ni Hudas na di umasang
ipapatawad ng kanyang kasalanan
Saknong 1 - 29; Taludtod 1-145 109
ARAL - VIII Saknong 1 - 21; Taludtod 1-105
Ang paghahatid ng mga Hudyo kay Pilayo sa
Ating Panginoong Hesukristo
Saknong 1 - 87; Taludtod 1-435 113
Nang iharap ng mga Hudyo ang ating Panginoong
Hesukristo sa Haring Herodes
Saknong 1 - 42; Taludtod 1-210 119
ARAL - IX Saknong 1 - 13; Taludtod 1-65
Nang iharap na muli ng mga Hudyo ang ating
Panginoong Hesukristo sa hukom na si Pilato
Saknong 1 - 36; Taludtod 1-180 123
ARAL - X Saknong 1 - 12; Taludtod 1-60
Ang pagpapahampas ni Pilato sa ating Panginoong
Hesukristo
Saknong 1 - 15; Taludtod 1-75
ARAL - XI Saknong 1 - 23; Taludtod 1-115 127
Ang pagpuputong ng koronang tinik ng mga
Hudyo sa ating Paninoong Hesukristo
Saknong 1 - 15; Taludtod 1-75 130
26 | G A L L E O N
Ang pagpapatanaw ni Pilato sa ating Panginoong
Hesukristo
Saknong 1 - 24; Taludtod 1-120 132
Ang paghihinaw ni Pilato ng kamay Saknong 1 - 10; Taludtod 1-50 134
ARAL - XII Saknong 1 - 13; Taludtod 1-65
Ang paggagawad ni Pilato ng sentensia Saknong 1 - 8; Taludtod 1-40 136
Ang pag-aatang ng krus sa ating Panginoong
Hesukristo
Saknong 1 - 15; Taludtod 1-75 137
Ang pagyakap ng ating Panginoong Hesukristo sa
Mahal na Santa Krus
Saknong 1 - 8; Taludtod 1-40 139
Ang unang pagkasubsob ni Hesukristong
Panginoon natin
Saknong 1 - 8; Taludtod 1-40 140
Ang pagsalubong kay Hesukristo ng Kaniyang
mahal na Ina na ang mga mata'y lumuluha
Saknong 1 - 64; Taludtod 1-320 141
Ang pagkasalubong ng ating Panginoong
Hesukristo sa mga babae na ang mata'y lumuluha
Saknong 1 - 10; Taludtod 1-50 146
ARAL - XIII Saknong 1 - 13; Taludtod 1-65
Ang pagpahid ni Beronika sa mahal na mukha ng
ating Panginoong Hesukristo
Saknong 1 - 14; Taludtod 1-70 148
Ang paglabas sa pinto ng Hudisiaria ng ating
Panginoong Hesukristo
Saknong 1 - 6; Taludtod 1-30 150
Ang ikatlong pagkasubsob ni Hesukristong
Panginoon natin sa kabigatan ng Krus na
pinapasan
Saknong 1 - 19; Taludtod 1-95 151
Ang paghalili ni Simon Sirineo Saknong 1 - 8; Taludtod 1-40 153
Ang paghuhubad ng mga Hudyo sa ating
Panginoong Hesukristo
Saknong 1 - 8; Taludtod 1-40 154
Ang pagpapko sa ating Panginoong Hesukristo Saknong 1 - 12; Taludtod 1-60 155
ARAL - XIV Saknong 1 - 7; Taludtod 1-35
Ang pagbabangon ng mahal na Santa Krus Saknong 1 - 43; Taludtod 1-215 157
ARAL - XV Saknong 1 - 19; Taludtod 1-95
Ang paghingi ng tawad ni Dimas sa ating
Panginoong Hesukristo
Saknong 1 - 14; Taludtod 1-70 161
ARAL - XVI Saknong 1 - 19; Taludtod 1-95
Ang pagdating ng mahal na Birhen kasama ang
mga babae na mula sa Galilea
Saknong 1 - 54; Taludtod 1-270 164
27 | G A L L E O N
Ang pag-uutos ng mga hudyo na umugin ang hita
ng mga pinarurusahan
Saknong 1 - 10; Taludtod 1-50 167
Ang pagtatanggal sa ating Panginoong Hesukristo
at ng mga babae sa Mahal na Santa Krus
Saknong 1 - 53; Taludtod 1-265 169
Ang paglilibing sa ating Panginoong Hesukristo Saknong 1 - 11; Taludtod 1-55 173
ARAL - XVII Saknong 1 - 10; Taludtod 1-50
Ang pag-uutos sa mga hudyo na tanuran ang
pinaglilibingan sa ating Poong Hesukristo
Saknong 1 - 12; Taludtod 1-60 174
Ang Pagkabuhay na Mag-uli ng ating Panginoong
Hesukristo
Saknong 1 - 68; Taludtod 1-340 176
ARAL - XVIII Saknong 1 - 4; Taludtod 1-20
Ang pagkasalubong ni Kristo sa kanyang mahal na
Ina
Saknong 1 - 11; Taludtod 1-55 181
Ang pagdalaw ng Tatlong Maria sa Libingan ng
ating Panginoong Hesukristo
Saknong 1 - 23; Taludtod 1-115 182
Ang Pagtatanong ni Magdalena sa ating
Panginoong Hesukristo na akala'y isang Hortelano
Saknong 1 - 48; Taludtod 1-240 184
Ang pagpapadama ng ating Panginoong
Hesukristo sa Kanyang sugat kay Santo Tomas
Saknong 1 - 8; Taludtod 1-40 188
Ang pag-akyat sa langit ng ating Panginoong
Hesukristo ng maganap na ang apatnampung araw
pah
Saknong 1 - 18; Taludtod 1-90 189
Pagpanaog ng Diyos Espiritu Santo sa mga
Apostoles
Saknong 1 - 24; Taludtod 1-120 191
Ang pagkamatay at pag-akyat sa Langit ni
Ginoong Santa Maria
Saknong 1 - 54; Taludtod 1-270 193
Ang Poong Birhen Maria na pinatungan ng
Korona ng Santisima Trinidad
Saknong 1 - 40; Taludtod 1-200 197
ARAL - XIX Saknong 1 - 11; Taludtod 1-55
Nang parona't dalawin ng Emperatris Elena ang
pingbaunan ng Krus at mga pako ng ating
Panginoong Hesukristo
Saknong 1 - 52; Taludtod 1-260 201
Panalangin ng taong Kristiano kay Ginoong Sta.
Maria
Saknong 1 - 9; Taludtod 1-45 205
Ang paghuhukom ng ating Panginoong Hesukristo
sa Sanglibutang tao
Saknong 1 - 111; Taludtod 1-
555
206
ARAL - XX Saknong 1 - 10; Taludtod 1-50
Talahanayan 1: Mga temang tinatalakay ng Pasiong Mahal
28 | G A L L E O N
B. Ang Musika ng Pabasa
Hindi mabubuo ang isang Pabasa kung hindi lalapatan ng mga tono ang libro ng Pasyon kung
kaya’t iba-iba ang mga tono na ginagamit ng mga mambabasa. Nagiiba-iba ang mga ito depende
sa kanilang lugar. Sa pakikisama ng mananaliksik sa mga Pabasa ay mayroon siyang natukoy na
dalawang tono na ginagamit ng mga taga-Pasay sa kanilang pag-awit ng Pasyon.
Larawan 2: Transkripsyon ng mga tono na ginagamit ng mga taga-Pasay sa kanilang
Pabasa
29 | G A L L E O N
Ang istilo ng pag-awit ng Pabasa ay nagiiba-iba maaari itong maging mabagal tulad ng dalit at
tagulaylay at maaari din na maging mabilis tulad ng tres caidas (De la Torre, 2002). Ang
pinangalanang Tono 1 ng mananaliksik ay tulad ng dalit at tagulaylay na mayroong pagka-bagal
ang pagkanta. Ang tempo nito ay maaaring bumilis ng 80 beats per minute (BPM) na uriin bilang
Adaigo. Mayroon din itong katangian na sagutan kung saan nagsasalitan sa pagkanta ng mga
taludtod ang dalwang tao o grupo. Sa aking pag-obserba, katulad ng sa recording na pinakinggan
upang maisalin sa papel ang mga nota, ay babae at lalaki ang nagsasalitan sa pag-kanta nito ngunit
hindi naman ipinapataw ang ganitong panuntunan. Gumagamit din ang tonong ito ng
ornamentation o tinatawag na melismatiokng pagkanta kung saan ay halimbawa na ang huling
pantig ng alleluia na “a” ay pinapahaba at pinagiiba-iba ang nota. Ang Tono 2 naman ay maaaring
maihalintulad sa tres caidas na mambilis ang pag-kanta. Ang tempo nito ay maaaring bumilis ng
120 beats per minute (BPM) na uriin bilang Allegro na inilalarawan bilang “fast, quick, bright.”
Ang tonong ito ay may kasangkot din na dalawang boses o grupo ngunit hindi katulad ng naunang
tono na nagsasagutan. Ang Tono 2 ay may katangiang unison at leader na parte kung saan ay
mayroong mga solong pag-awit ang lider at sumasabay sa huling parte ang iba pang mga mang-
aawit.
C. Ang pagdiriwang ng Pabasa
Paghahanda
Ilang araw bago pa ang pagdaraos ng Pabasa ay isinisiguro ng mga punong abala n\.a
maihanda ang lahat ng kinakailangan para dito. Itinatayo ang altar para sa mga santo at mga imahe
na pag-aalayan ng mga awit. Ang altar ay madalas isang lamesa na pinatungan ng mga puting tela.
30 | G A L L E O N
Ang mga pader sa likod ng altar ay tinatapalan din ng puting tela upang magmukhang mailinis.
Ang iba pang mga altar ay pinapatungan ng ginantsilyong pang-disenyo upang mas magmukhang
kaaya-aya.
Larawan 3: Altar sa Perla Street
Pagkatapos itayo ang altar ay isasaayos na ng pamilya ang mga santo at imahe dito.
Manggagaling ang mga imahe na ito sa pamilyang nagdaraos ng pabasa ngunit maaari din naman
na magpa-lagay ang mga kamag-anak, mga kapitbahay, o mga kaibigan ng pamilya ng kani-
kanilang mga santo. Sa ibang mga kabahayan ay sari-saring mga santo ang inilalagay sa altar, sa
iba naman tulad ng imahe na nakasaad sa taas ay mayroong mga natatanging imahe na nagpapakita
kung para saan o kanino nila inaalay ang pagdaraos ng Pabasa.
Ang mga pagkain at inumin ay isa rin sa mga mahalagang pinaghahandaan tuwing Pabasa.
Dahil ginaganap ito simula alas dose (12) ng madaling araw hanggang kinabukasan,
31 | G A L L E O N
nangangailangan ng mga pampagising na kape upang mapanatiling gising ang mga babasa at mga
pagkain din para sa mga gutom. Tila tulad ito ng isang lamay kung saan mayroong mga tsitsirya
at mga palamig para sa mga nakikiramay. Kadalasan ay inaabot ang pabasa hanggang alasquatro
ng hapon, kaya kinakailangan na may handang pananghalian at miryenda para sa mga dumalo.
Madalas na ang mga hinahanda ay lutong bahay, at kung minsan naman ay nagpapaluto na lang sa
mga tindahan kung walang oras sa pagluluto ang namumuno ng Pabasa. Ang pangangailangan na
ito ang madalas na pinag gagastusan ng isang pamilya para sa pagdaraos ng isang Pabasa.
Bilang halimbawa ito ang listahan ng mga pinaggastusan ng Pamilya Vital – Rodriguez sa
kanilang pagdaraos ng Pabasa noong Marso 2018:
10kg Bigas 450
Inumin (3-in-1 kape, juice tetra pack, softdrinks) 500
Miryenda (Biskwit at Tsitsirya) 500
5kg Laing 800
5kg Adobo 1,200
5kg Mechado 1,500
Renta sa dyip para sa mga magtatapos ng Pabasa 800
5,750
Bukod sa pagkain, kasama rin sa mga pinaggagastusan ang renta sa dyip para sa mga magtatapos
ng Pabasa na grupo ng Pamilya Llamas dahil sa kanilang paglipat sa Lungsod ng Las Pinas ay
naging malayo ito para sa grupo kaya naman upang mapagpatuloy ang tradisyon na mayroong
nagtatapos ay sila ang gumagastos ng pang-komyut ng nasabing grupo.
Paminsan minsan ay nagiging kasama sa gastusin ng bawat pamilya ang mga pampagawa ng altar
kung masyado nang na-luma ang mga tela o nasira ang lamesa na gagamitin para dito. Ang mga
libro din na ginagamit sa Pabasa ay minsang pinapalitan kapag naluma na ng panahon, ang mga
32 | G A L L E O N
librong ito ay nabibili sa halagang 93 pesos sa Baclaran. At kung minsan, kinakailangan namang
magrenta ng mga lamesa at upuan kung marami ang bilang ng mga bisitang tatanggapin.
Di biro ang pagdiriwang ng Pabasa dahil sa dami ng gastusin at kinakailangan paghandaan.
Ngunit kasama ng sakripisyo sa Pabasa ang buong paghahanda at tinitignan ito ng bawat pamilya
bilang isang alay at sakripisyo para sa kanilang Panginoon. Tila hindi parin nito mapapantayan
ang paghihirap na dinanas ni Hesukristo kaya naman ay malaya at bukal sa kalooban nilang
pinaiipunan at pinaggagastusan sa tulong ng kanilang mga kamag-anak upang maging
matagumpay ang kanilang Pabasa bawat taon.
Pagdaraos
Ang Pabasa ay nagsisimula sa ganap na alas dose ng madaling araw anumang araw ito
gaganapin. Kadalasan ay puro kamag-anak ang naguumpisa ng Pabasa sa ganitong oras at sa
umaga o hapon na dumarating ang iba pang mga bisita. Bago pa man magsimula ang pag-awit ay
nagdarasal muna ang mga naroroon ng rosaryo para sa Birheng Maria, pagkatapos ay kukuha na
ang bawat tao ng aklat ng Pasyon at sisimulan na ang pag-kanta sa pahina tatlo (3), ang Panalangin
sa Diyos. Walang tigil ang pag-kanta sa nilalaman ng libro hanggang sa matapos ito sa pahina
dalawampu't labintatlo (213). Sa pagitan simula at wakas ay nagkakaroon ng paghalili sa pagitan
ng mga mambabasa upang makapagpahinga ang mga tapos na, dito ay maari silang kumain ng
umagahan, tanghalian, o miryenda. Kapag natapos na ang pag-awit hanggang sa pinakahuling
pahina at wala pa ang grupo na kumakanta ng lamentasyon para magtapos, ibinabalik ng mga
mambabasa ang libro sa mga naunang pahina at kakantahin itong muli upang mahintay ang mga
naglalamentasyon. Sa ibang pagkakataon naman kung saan naunang dumating ang grupo,
sumasabay na lamang sila hanggang matapos ang libro at pagkatapos ay aawit na ng lamentasyon.
Ang lamentasyon ay tumatagal nang halos dalawampung (2) minuto at tanging ang grupo ng
33 | G A L L E O N
Llamas lamang ang kumakanta dahil sa sila lang ang nakakaalam ng mga titik nito. Ang ibang mga
mambabasa ay nakikinig sa magagandang boses ay pag sasalit-salit ng nasabing grupo.
Pamilya Llamas Pamilya Vital –
Rodriguez
Danny Salvacion at
ang kaniyang mga
“Apostoles”
Pamilya Francisco
Marso 28, 2018 Marso 27, 2018 Marso 30, 2018 Marso 31, 2018
Miyerkoles Martes Biyernes
(Biyeres Santo)
Sabado
(Sabado de Gloria)
12 n.m. – 2 n.h 12 n.m. – 3 n.h. 12 n.m. – 4 n.h. 12 n.m. – 2 n.h.
Talahanayan 2: Araw at oras ng pagdaraos ng bawat pamilya noong nakaraang Mahal na
Araw
Pagkatapos ng Kaganapan
Pagkatapos awitin ang lamentasyon ay magku-krus ang mga tao bilang tanda ng pagtatapos
ng Pabasa, sa pagtatapos din na ito ay nakahanda na ang mga pagkain at kagamitan sa lamesa.
Kani-kaniyang silang kuha ng mga plato, kainin, at ulam habang bumabati sa mga tao sa paligid
at bilang mga Pilipino, kapag may hindi kumakain ay pilit na inaalok ito upang makita na ang lahat
ay busog at masaya. Ito na rin ang panahon upang makipagkwentuhan sa mga kaibigan na matagal
nang hindi nakikita o sa tuwing Pabasa lamang nakakabisita, dito nagkakaroon ng oras ang mga
tao upang makipagsalamuha sa isa’t isa matapos ang halos labinlimang (15) oras ng pag-awit.
Matapos ang kainan, ang iba ay nagsi-uwian na sa kanikanilang mga bahay, habang ang
iba naman ay nanatili upang makipagkwentuhan pa o kaya naman ay tumulong sa pagliligpit.
Isinasaayos na ang mga upuan at pinupunasan ang lamesa, ang mga hugasin naman ay nililinis na
sa lababo. Tulong tulong ang pamilya ng punong abala sa pagliligpit ng kanilang mga gamit
34 | G A L L E O N
habang ang altar ay nananatiling nakatayo at hinahayaan ito na nakatanghal hanggang sa matapos
ang Mahal na Araw.
Lugar
Ang Pabasa ay kadalasang ginagawa sa bahay o garahe ng pamilya na magdaraos nito,
paminsan naman ay ginagawa ito sa mga kapilya ng simbahan o kaya ay kung sa isang barangay
ito ay nagtatayo sila ng isang tolda upang doon gawin ang pabasa. Kadalasan na bahagi ng isang
puwesto kung saan magkakaroon ng Pabasa ay kinakailangan na ito’y may espasyo para magtayo
ng altar at maglagay ng upuan na maaaring mag-upo ng sampu hanggang dalawampung ka-tao at
kung minsan ay higit pa.
Ang mga sumusunod ay mga pigura kung saan inilalarawan ang itsura ng ilang mga
pinagdausan ng Pabasa:
35 | G A L L E O N
Pigura 2: Paglalarawan sa pinagdausan ng Pabasa ng Pamilya Llamazares
Pigura 3: Paglalarawan sa pinagdausan ng Pabasa ni Danny Salvacion
36 | G A L L E O N
Pigura 4: Palalarawan sa pinagdausan ng Pabasa ng Pamilya Francisco
Makikita na ang bawat kabahayan at lugar ay mayroong nakalaan na espasyo sa para sa
mga tagabasa. Ang hapagkainan naman ay madalas nasa loob ng bahay tulad ng sa kaso ng Pamilya
Vital-Rodriguez, habang sa iba naman ay normal na sa mga Pilipino ang kumain sa kani-kanilang
mga upuan. Mapapansin din na sa mga pinagdarausan ay laging bukas an mga pintuan papunta sa
bahay o kung kaya naman ay mga tolda na walang harang.
37 | G A L L E O N
D. Ang Mambabasa
Ang Ritwal ng Pabasa sa F.B. Harrison Avenue, Lungsod ng Pasay
Sa pamamagitan ng pag-pili sa Pamilya Llamas bilang pangunahing tagapag-bigay
impormasyon sa pag-aaral na ito, nagkaroon ang mananaliksik ng kaugnayan sa iba pang mga
mambabasa sa bahagi ng Pasay. Sa bahaging ito ay ilalatag ng mananaliksik ang mga datos na
nakuha sa pakikipanayam sa mga punong-abala ng apat na grupo mula sa lungsod ng Pasay. Ang
bawat kinapanayam ay nagbahagi ng salaysay kung paano nagsimula ang tradisyon na ito sa
kanilang grupo, ang proseso ng pagsasagawa ng isang pabasa, at ang kanilang sari-sariling
pananaw tungkol sa ritwal na ito. Ang batayan ng pagkakasunud-sunod ng pagsalaysay sa mga
grupo ay ang petsa ng pagsisimula ng tradisyon sa bawat pamilya – mula sa pinakamatanda
hanggang sa pinakabata.
Narratibo ng Pabasa ng Pamilya Llamas
Larawan 4: Si Gng. Teresita Sudario kasama ang mananaliksik
38 | G A L L E O N
Sa pamumuno ni Gng. Teresita Sudario, naipagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang
tradisyon ng pagdaraos ng Pabasa ng kanilang pamilya. Nagmula pa ang tradisyon na ito noong
1949, taon kung kailan ipinanganak si Gng. Sudario, o maaaring mas matagal na kung mayroon
lamang makakapagbigay alam. Si Gng. Sudario ay isang boluntaryo sa munisipyo ng Pasay. Siya
ay ang ikalawa sa pinakamatandang anak ni Gng. at G. Llamas at may edad na animnapu't walong
(68) taong gulang at ipinanganak noong Setyembre 28, 1949. Mula nang siya ay ipinanganak, ang
kanilang pamilya ay nakatira na sa 2117 F.B. Harrison, Lungsod ng Pasay. Ayon sa kaniyang
salaysay, ang kaniyang lola na si Gng. Aniseta Baretto ang nagpakilala sa kaniya sa ritual na pabasa
noong siya ay bata pa lamang. Isinasagawa ito noon sa isang maliit na eskinita kung saan siya ay
kasalukuyang naninirahan. Dahil sa maliit lamang ang lugar, hindi malayong magkaroon ng
interaksyon ang mga naninirahan dito kaya ang mga magkapitbahay na ito ay naturingang
magkakaibigan. Ang kaniyang lola at ang mga kapitbahay ay nakabuo ng isang pangkat ng mga
mambabasa ng pasyon bago pa man siya ipinanganak. Pagtungtong niya sa edad na labinlimang
(15) taong gulang, sinimulan siyang isama ng kaniyang lola sa pagbabasa ng pasyon sa ibang mga
kabahayan tuwing Mahal na Araw. Ang katangi-tangi sa grupong ito ng mambabasa ay ang
kanilang idinadagdag na bahagi sa pagbabasa ng pasyon. Ito ay tinatawag nilang lamentasyon o
pamamaalam, o kung tawagin ng ibang tao, ang pagtatapos ng pabasa. Ang lamentasyon ay isang
panalangin na binubuo ng ilang taludtod tungkol sa buhay ni Kristo mula sa pasyon, at Tagalog at
Latin naman na mga panalangin, madalas ay nagtatagal ito nang dalawampung (20) minuto. Ayon
kay Gng. Sudario, ang kaniyang lola at mga kapitbahay ang bumuo ng karagdagang ito na hindi
mahahanap sa kahit anong libro. Wala ring nakasulat o nakalimbag na kopya ang grupo at ang
tanging paraan lamang upang maipasa ito ay ang pakikilahok at pakikinig sa kanilang grupo.
39 | G A L L E O N
Madalas na iniimbitaha silang awitin ang kanilang mga lamentasyon bilang pagtatapos o pagsasara
ng isang pabasa.
Pigura 5: Tatlong Henerasyon ng Pamilya Llamas
Pagkamatay ng kaniyang lola, ibinigay kay Gng. Sudario ang responsibilidad na
pamahalaan ang grupo. Sa ngayon, ang kanilang mga miyembro ay unti-unting nabawasan dahil
ang mga matatandang miyembro ay nagsimatay na. Ang grupo ay kasalukuyang binubuo ng mga
kaapu-apuhan ng isa sa mga kaibigan ng kaniyang lola na mga nakatira sa Muntinlupa City.
Nagkikita lamang sila sa isang taon tuwing Mahal na Araw kung saan ay kusa nang nagsisipunta
ang mga ito at nagtitipon sa kanto ng Antipolo Street, F.B. Harrison, at pagkatapos ay
magpapatuloy na sila sa naimbitahang bahay o barangay. Bukod sa kanilang tradisyon na pag-
awit ng lamentasyon, naghahanda din si Gng. Sudario para sa sariling pabasa ng kanilang pamilya.
Ang mga kapatid ni Gng. Sudario at ang kaniyang mga anak ay hindi lumahok sa pabasa noong
nakaraang Mahal na Araw dahil marami sa mga ito ang nasa labas ng bansa, habang ang ilan sa
kaniyang mga anak ay nag-aaral pa. Bilang kapalit ng kanilang presensya, ang ibinibigay ng mga
40 | G A L L E O N
kapatid ay pinansyal na suporta. Kinakailangan ang ganitong suporta upang ihanda ang altar at
pagkain na kanilang paglilingkuran sa kanilang mga panauhin. Nang tanungin, sumagot si Gng,
Sudario kung bakit patuloy niyang pinanatili ang tradisyon ng Pabasa. Ayon sa kaniya, nais niya
na panatilihin ang lumang tradisyon na ito na nagsimula pa sa kaniyang lola at ito’y isang
magandang alaala na rin na ipinasa sa kanila. Pangalawa, nais ni Gng. Sudario na isama at pag-
isipan ang pagpapakasakit at pagdurusa ni Hesukristo sa panahon ng Banal na Linggo, at ang pag-
awit ng pasyon ay isang napapanahon at angkop na paraan upang gawin ito. At huli, para sa kaniya,
ang pabasa ay isang handog o alay sa Panginoon, upang ito ay pasalamatan sa mga biyayang
kanilang nakamtan at bilang pag-darasal na rin sa mga kahilingan ng kanilang Pamilya.
Narratibo ng Pabasa ng Pamilya Llamazares
Larawan 5: 7 sa 9 na anak ni Gng. Lourdes Llamazares (mula sa kaliwa: George Vital Jr.,
Rizalina Rodriguez, Marilou Galleon, Thelma Marquez, Conchita Rivera, Victorio Rodriguez,
at Georgette Chavez)
41 | G A L L E O N
Halos mag lilimampung taon nang nagdaraos ang pamilya ng Llamazares ng kanilang
Pabasa. Nagmula pa ang tradisyon na ito sa kanilang ina na si Gng. Lourdes Llamazares at sa mga
kapatid nito noong taong 1970. Hanggang sa ngayon ay patuloy na isinasagawa ang Pabasa sa
pamumuno ni Gng. Marilou Galleon na isa sa kaniyang mga anak at panganay sa magkakapatid,
siya ay kasalukuyang pitompu't tatlong (73) taong gulang at ipinanganak noong Mayo 20, 1945.
Ang kanilang angkan ay orihinal na nakatira sa Lungsod ng Pasay ngunit nang maibenta ang
kanilang lupa ay lumipat na sila sa Lungsod ng Las Pinas noong taong 2006. Sa kanilang paglipat
ay dala parin nila ang tradisyon na iniwan sa kanila ng kanilang ina at patuloy na naging gawi ng
kanilang tiyahin na si Gng. Antonia Llamazares hanggang sa siya ay pumanaw na noong taong
2010. Dahil sa walo (8) ang nabubuhay na anak na ni Gng. Rodriguez, marami ang bilang ng
angkan ng kanilang pamilya. Lumaki nang magkakasama ang mga magkakapatid hanggang sa
sila’y magka-anak at asawa sa kanilang tirahan sa Pasay kaya naman ay matibay ang samahan ng
kanilang pamilya pati na rin ng kanilang mga anak at apo. Sa kasalukuyan ang bilang ng angkan
ay umabot na sa 58 na may apat nang henerasyon.
Pigura 6: Dalawang Henerasyon ng Pamilya Llamazares
42 | G A L L E O N
Ipinapasa pasa ang tradisyon na ito sa bawat henerasyon at sinisigurado ng pamilya na sa
murang edad pa lamang ay inilulubog na sila sa gawing ito ng kanilang angkan. Dahil sa laki ng
pamilya, nagiging matagumpay ang kanilang pagdaraos ng Pabasa dahil ang lahat ay nagbibigay
ng kanikanilang kontribusyon. Maaaring ang kontribusyon na ito ay nasa porma ng pera, pagluluto
ng pagkain para sa mga mambabasa at bisita, pag-dala ng mga inumin, sa pag-alok ng kanilang
mga bahay upang maging lugar na pagdarausan ng Pabasa at maging tulong sa paghahanda at
paglilinis pagkatapos ng kaganapan. Bahagi rin ng kanilang Pabasa ang pag-imbita sa mga
umaawit ng lamentasyon na sina Gng. Sudario, at kahit ngayon na sila ay hindi na naninirahan sa
Pasay, nagrerenta sila ng isang dyip para sunduin at ihatid ang grupo sa kanilang mga bahay
papunta sa Las Pinas. Hindi na matukoy kung mayroon pang mas matanda na pinaggalingan ang
tradisyon nilang ito ngunit ang pinakamalayong natukoy ng kanilang pamilya ay ang pagmumula
nito sa kanilang ina. Pati ang mga libro ng Pasiong Mahal ng kanilang mga ninuno ay napanatiling
maayos at kanilang ginagamit sa kasalakuyang Pabasa, ang mga santo rin na kanilang itinatanghal
sa altar tulad ni San Rafael ay nagmula pa sa kanilang ina. Maingat ang pamilya na manatiling
mapreserba ang bawat aspeto ng kanilang tradisyon.
Ngunit kahit na mayroong pagsisikap ang pamilya na mapreserba ang tradisyong ito sa
kanilang pamilya, hindi maiiwasan na magkaroon ng pagbabago na dala ng panahon. Nitong
nakaraang Mahal na Araw ay nabawasan ang mga kamag-anak na pumunta dahil ang isa sa
pamilya ng magkakapatid ay nagpalit ng relihiyon at naging kristiyano kung saan ipinagbabawal
ang pagsamba sa mga santo at imahe, dahilan ng kanilang hindi pagdalo. Naging rason din ang
pagtanda ng ibang mga miyembro ng kanilang angkan kaya naman ay nahihirapan na silang
bumyahe papunta sa lugar kung saan gaganapin ang kanilang Pabasa. Sa kabila nito, patuloy na
43 | G A L L E O N
umaasa ang pamilya sa bagong henerasyon upang ipagpatuloy ang tradisyon na ito hanggang sa
kanilang pagtanda.
Naratibo ng Pabasa ni Danny Salvacion at ng kaniyang mga “Apostoles”
Larawan 6: Si G. Ronald Isales kasama ang mananaliksik
Sa isang kalye sa kahabaan nga F.B. Harrison ay nananatiling buhay ang isang tradisyon
ng Pabasa na pinamumunuan ni G. Ronald Isales. Si G. Isales ay isang limampu’t tatlong (53)
taong gulang na kagawad sa barangay 9, Perla sa lungsod ng Pasay. Siya ay ipinanganak noong
Mayo 7, 1965 sa Maynila. Kwento ni G. Isales, noong siya ay bata pa, kasali siya sa isang kilalang
grupo sa kahaban ng Perla na tinatawag na “Batang Perwisyo.” Tulad ng ibig sabihin ng salita,
ang grupong ito ay binubuo ng labindalawang (12) mga sutil na kabataan na nagdadala ng sakit ng
ulo sa kanilang kalye. Kung anu-anong mga kalokohan ang bitbit ng mga batang ito at dahil dito,
sila ay madalas na nahuhuli ng barangay o ng pulis. Dito nakilala ni G. Ronald Isales si G. Danny
Salvacion, isang dating pulis Maynila na ngayon ay nakapagretiro na. Sa kasalukuyang panahon,
44 | G A L L E O N
nakatira si G. Salvacion sa Nueva Ecija at walang nakakaalam kung paano siya maabot at
makakapanayam.
Kwento ni G. Isales, si Danny Salvacion ang itinalaga na magiging responsible para sa
kanila at tatayo bilang tagapayo upang sila ay tumino. Dahil dito, ang naisipan ni G. Salvacion na
aktibidad ay ang paglalakad papunta sa simbahan ng Quiapo at paakyat ng Antipolo nang nakapaa.
Ito’y magsisilbing leksiyon upag sila’y magtanda ngunit bukod pa doon ay ito ang magiging
dahilan ng kanilang paglapit sa Diyos. Simula noon ay naging panata na ito ng grupo sa tuwing
Mahal na Araw. Sa kasalukuyang panahon, mayroon paring gumagawa ng tradisyon na mula sa
baranggay ng Perla at kung mapapansin man ay mayroong malaking bilang ng mga deboto ng
Poong Nzareno sa pagitan ng mga nakatira sa kalye ng Perla. Nang magsi-tanda na si Danny
Salvacion at ang mga “Batang Perwisyo”, naging mahirap na para sa kanila na umakyat ng
Antipolo habang nakapaa kaya naman iminungkahi ni G. Salvacion na kanilang palitan ang
panatang ito at magsimula ng isang Pabasa. Noong taong 1982 ay nagsimula nang magdaos ng
Pabasa sa kahabaan ng Perla at hanggang sa kasalukyan ay patuloy na sinusuportahan ng kanilang
mga ka-barangay ang tradisyon na ito. Nakadagdag pa ang pagiging barangay kagawad ngayon ni
G. Isales sapagkat nakakakuha siya ng tulong at suporta sa kaniyang mga kasama sa barangay.
Binanggit din ni G. Isales na simula 1982 ay wala pang pagkakataon na hindi na-idaos ang Pabasa
at dagdag na rason dito ay ang pagiging isang pook kung saan pagkakataon ng mga kabataan na
makipaghalubilo sa mga kapwa nila kabataan upang maglaro o higit pa roon kahit na madaling
araw. Dahil dito, nagiging lantad sila sa tradisyon at kalaunan ay nagiging tagapagdala ng Pabasa
sa mga susunod pang henerasyon. Bahagi din ng kanilang tradisyon ang pag-imbita sa mga
umaawit ng lamentasyon upang maging “espesyal” ang kanilang Pabasa at nagiging madali ito
dahil sa magkakalapit lamang ang kalye ng mga naglalamentasyon at ang kalye ng Perla. Ayon
45 | G A L L E O N
kay G. Ronald Isales ay ipinagpatuloy niya ang Pagpapabsa upang magbigay ng pasasalamat kay
Hesukristo para sa mga biyayang kaniyang natanggap at para na rin sa pagdarasal para sa kaniyang
mga kahilingan. Nais din daw niyang mapreserba ang tradisyong ito na ipinamana sa kanila ni G.
Salvacion bilang respeto at pagkilala sa kaniya dahil kung hindi sa kaniya ay hindi mapapalapit
ang kaniyang loob sa Diyos.
Pigura 7: Si Danny Salvacion at ang kaniyang mga “Apostoles”
Sa kasalukuyang panahon ay nagsipanaw na ang iba sa mga tinatawag na “Batang
Perwisyo,” halos lahat ay lumipat na ng kabahayan dahil nagkaroon na ng kanilang sariling
pamilya at ang iba naman ay nangibang bansa na. Tanging si G. Isales at si G. Tisoy Atangan ang
nananatiling naninirahan sa Perla sa Lungsod ng Pasay, ngunit kapag mayroong pagkakataon ay
bumabalik ang iba sa kanila upang ipagdiwang ang Mahal na Araw na madalas ay ilang linggo
lamang bago ang piyesta ng kanilang lugar.
46 | G A L L E O N
Naratibo ng Pabasa ng Pamilya Francisco
Larawan 7: Si G. Nicanor Francisco kasama ang mananaliksik
Sa eskinita ng Antipolo sa kahabaan ng F.B. Harrison, nakilala ng mananaliksik si G.
Nicanor Francisco, isang limampu’t siyam (59) na taong gulang na anak ni Gng.. Lucita Francisco.
Si Gng. Lucita o tinatawag din sa pangalang Aling Lucing, ay isa sa mga unang miyembro ng
pangkat ng mga mang-aawit ng Pabasa at lamentasyon na kasama ni Gng. Aniseta Baretto. Sa
kasamaang palad, si Aling Lucing ay nagdurusa sa sakit na Alzheimers at hindi nabigyan ng
permiso ang mananaliksik na isama siya sa interbyu na isinagawa. Ang Pagbasa ng Pasyon sa
kanilang pamilya ay na nagsimula noong taong 2000. Bago pa man ito, ayon kay G. Francisco,
ang kanilang unang naging panata ay ang pagaayos ng Flores de Mayo ngunit nang sila ay
masunugan noong taong 1987, napilitan silang itigil ito dahil nasunog ang lahat ng kanilang
kagamitan at marami ang kanilang pinaggastusan dahilan ng hindi pagkakaron ng badyet para sa
47 | G A L L E O N
Flores de Mayo. Pagdating ng 2000, nagdesisyon ang kanilang pamilya na muling magkaroon ng
isang panata, at sa pagkakataong ito, gawin ang Pabasa. Mula noong 1987, hindi kailanman nabigo
ang pamilya na magdaos ng kanilang Pabasa taun-taon. Inilagay nila ang kanilang sariling altar sa
loob ng bahay at inanyayahan ang kanilang mga kapitbahay na sumali sa pag-awit at parte rin ng
kailang tradisyon ang pag-imbita kay Gng. Sudario at sa kaniyang grupo, upang umawit ng
kanilang lamentasyon. Tulad ng iba pang mga pamilya ay pinagtutulungan din nilang
magkakapatid ang pagdaraos ng Pabasa sa pamamagitan ng pag-ambag ng pera para sa
pagpapakain at pagpapakape sa bisita. Patuloy nilang idinaraos ang Pabasa bilang pasasalamat sa
Diyos at bilang isang penetensya sa pag-aalala ng sakripisyo ni Hesukristo.
48 | G A L L E O N
KABANATA 4
PAGSUSURI, PAGTATASA, AT INTERPRETASYON
Ang Pasyon at literaturang Pilipino
Makikita sa Pasyon ang talento ni Gaspar Aquino de Belen sa pagsusulat nito. Ang
kayamanan ng kaniyang bokabularyo ay dumagdag sa kagandahan ng pagkakagawa ng bawat
taludtod. Hindi nalilimita ang pagkakatunog nito sa mga salitang tulad ng “ko”, “mo”, o “na,”
“ba”. Sa pagsusulat din ng taludtod ay nagpapakita ng isang hamon sapagkat kinakailangan na ang
bawat linya ay mayroong walong silabiko – walang labis, walang kulang.
Ang konsepto ng Pasyon at Pabasa ay hindi na bago sa mga Pilipino sapagkat noong bago
pa man masakop ng mga Kastila ang bansa ay may sarili na itong mga porma ng tula at literatura
tulad ng mga epiko. Ipinapasa-pasa ang mga ito gamit lamang ang bibig kaya’t hindi malabong
gumamit na ng awitin ang ating mga katutubo sa pagpapasa ng mga istoryang ito, lalo na’t ang
mga Tagalog ay kilala bilang “singing people” (Aligan 2001). Maaaring ihambing sa isang epiko
ang Pasyon dahil sa parehad itong nagsasalaysay ng buhay ng isang magiting na bayani, ang
kaniyang mga paghihirap at mga pinagdaanan sa buhay. Ngunit wala pa namang pag-aaral na
tumutukoy dito.
Musika bilang tinig ng mambabasa
Ang mga tono na ginagamit sa Pabsa ay masasabing may kakulangan pa sa pag-aaral. Ang
mananaliksik ay naharap sa isang hamon ng pag-hahanap ng mga literatura at pag-aaral na
nauugnay sa musika ng Pabasa dahil hindi nag-kakaroon ng maayos na dokumentasyon para dito.
Ang maaaring maroon daan-daang tono na ginagamit sa Pabasa dahil wala namang pamantayan
ng iisang tono na nararapat na gamitin sa ganitong ritwal. Hindi rin nakasaad sa libro kung paano
49 | G A L L E O N
ba dapat ito inaawit. Maging ang mga pamilya na umaawit ng Pasyon ay hindi alam kung saan ng
aba nanggaling ang mga tono na ito at hindi rin naman nila kinukuwestiyon ang pinanggalingan
ng mga tonong kanilang ginagamit. Ang pag-awit sa Pabasa ay masasabing malayang pagkanta na
hindi nakukulong sa iisang pamantayan, maaari din na palitan ang tono habang kumakanta,
halimbawa, gagamitin ang Tono 1 sa isang tema at pagkatapos nito ay gagamitin naman ang Tono
2. Kahit ang mga popular na tono ay ginagamit na rin sa pag-awit ng Pasyon. Sa paghahanap ng
mga sanggunian ng mananaliksik ay nakakita ito ng isang video kung saan kinakanta ang Pasyon
sa tono ng Pusong Bato na pinasikat at kinanta ni Jovit Baldovino. Kahit na ang pag-apruba ng
simbahan sa paggamit ng rap bilang isang paraan ng pag-awit ng Pasyon ay nangangahulugang isa
itong malayang sining kung saan naipapahayag din ng mga mambabasa ang kanilang sarili.
Ngunit kahit na sa kasalukuyan ay mayroon nang makabagong pamamaraan ng pag-awit
ng Pabasa, ang tradisyunal na pag-awit din naman ay dapat mapreserba. Sa paamagitan ng mga
tradisyunal na tono tulad ng tagulaylay ay naisasadula sa pamamagitan ng pag-awit ang
pagpapakasakit ni Kristo at sa paraang ito ay naipaparamdam sa mga nakikinig ang
pagdadalamhati ng mga mambabasa sa paghihirap Niyang ito. Ang mga tradisyunal na tono din
ay kadalasang gawa para sa higit sa isang tao. Makikita ito sa mga katangian tulad ng pagkakaroon
ng sagutan at mga solo na kasunod ng pag sasabay sabay. Ipinapahiwatig nito na ang Pabasa ay
isa talagang kaganapan para sa isang grupo o isang komunidad kung saan sila ay nagiging isa at
nakikiisa sa pag-awit sa panginoon.
Pagdiriwang: Lugar, Tao, Espasyo
Sa pagdaraos ng Pabasa ay masasabi natin na hindi biro ang mga preparasyon para dito.
Maraming aspeto ang kinakailangang isaalang-alang sa pangyayaring ito. Una ay ang suporta ng
mga kapamilya at mga kaibigan sa tradisyon na ito. Hindi maaaring magkaroon ng pabasa kung
50 | G A L L E O N
walang mga taong babasa o dadalo sa pagdaraos. Sa kanila umiikot ang ritwal na ito at
nangangailangan ng sangdaang porsyento ng pangakong sila ay makikilahok lalo na’t hindi
kakayanin ng isang tao ang pag-awit nang halos labinlimang (15) oras nang walang pahinga.
Ipinapakita lamang nito ang pagiging malapit at matibay na pakikipagkapwa ng mga Pilipino dahil
napagpapatuloy nila ang ganitong tradisyon kahit ilang henerasyon na ang nakalipas.
Pagdating naman sa usapang kainan, noong sinaunang panahon ay kilala ang mga pangkat
etniko natin na nagsasagawa ng feasting o paghahanda. Makikita ang katangiang ito sa mga
nagkalat na piyesta at selebrasyon sa ating bansa. Isa itong katangian ng pabasa sa Pasay na
nakikita sa paghahanda ng namumuno ng Pabasa ng samu’t saring pagkain na tila mayroong
piyesta na ganap, ngunit ang iba naman ay maaaring maghanda ng simpleng mga pagkain ngunit
hinding hindi mawawalan ng mangunguya ang mga bisita. Hindi rin mawawala ang pamimigay
ng mga kape para sa mga ginabing mambabasa at namimigay ng mga biskwit sa mga nagugutom.
Makikita rin natin na ang isa sa mga katangian ng Pabasa ay ang pagiging bukas nito sa
kahit na sino. Hindi lamang sa panlipunang aspeto kundi pati na rin sa pisikal na aspeto. Ang lugar
kung saan ginaganap ang mga pabasa ay madalas bukas na espasyo. Sa kalye ng kanilang
barangay, o kaya naman ay sa kanilang mga bahay na makikita mo bukas na bukas ang kanilang
mga pintuan na tila kahit sino ay maaring pumasok.
At huli, ang pagdaraos na ito ay masasabing isang malayang pagganap. Halimbawa na
lamang ay ang kaugalian ng mga tao sa isang Pabasa kung saan maaaring tumayo mula sa
kinauupuan ang mambabasa kung siya ay pagod na. Maaari siyang gumamit ng telepono kung
gusto niya, at maaari din siyang kumain kung gutom na. Hindi ito promal na kaganapan kung saan
mayroong mga pamantayang nagsasabi ng mga dapat at hindi dapat gawin, na nagtatalaga ng oras
para sa gawain. Hindi strikto ang isang pagdaraos ng isang Pabasa at hindi siya isang sining na
51 | G A L L E O N
palabras kung saan nakakulong at limitado ang galaw ng mga tao. Isa itong sining na malaya at
hindi nahihiwalay sa buhay.
Pagsusuri sa mga naratibo ng Pabasa sa Pasay
Grupo na
nagsasagawa
ng pabasa
Taon kung
kalian
nagsimula
Namamahala
Kanino
nanggaling ang
tradisyon na ito?
Dahilan ng pagsasagawa
ng Pabasa
Pamilya
Llamas
Mula pa sa
kaniyang lola,
hindi na
matansiya ang
petsa (ngunit
maaaring
noong 1949
taon kung
kalian siya
pinanganak)
Gng. Teresita
Sudario
Aniseta Baretto,
lola ni Gng.
Tessie Sudario
Ipagpatuloy ang
tradisyon ng kaniyang
lola
Bilang pasasalamat sa
mga kahilingang
tinupad ng Diyos
Panata
Pagninilaynilay sa
pagpapakasakit ng
Diyos
Pamilya
Francisco 2000
Ang lahat ng
magkakapatid
Pagkatapos
masunugan,
pinalitan ang
panata sa pabasa
Ipagpatuloy ang
tradisyon ng kanilang
pamilya
Bilang pasasalamat sa
mga kahilingang
tinupad ng Diyos
Panata
Barangay 9,
Perla St. 1982
G. Ronald
Isales
Danny Salvacion,
dating Pulis
Maynila na
sumubaybay kay
G. Isales
Ipagpatuloy ang
tradisyon na ipinasa ng
mas nakatatanda
Bilang pasasalamat sa
mga kahilingang
tinupad ng Diyos
Panata
Pagtitiwala ng mga tao
na ipagpatuloy parin
ang pabasa
52 | G A L L E O N
Pamilya Vital-
Rodriguez 1970s
Gng. Thelma
Rodriguez
Sa kanilang ina
na si Gng.
Lourdes
Rodriguez
Ipagpatuloy ang
tradisyon ng kanilang
ina
Bilang pasasalamat sa
mga kahilingang
tinupad ng Diyos
Panata
Talahanayan 3: Mga pagkakapareho sa naratibo ng pabasa ng mga piniling pamilya
Makikita natin sa talaan na ito na marami ang pagkakaparehas ng naratibo ng bawat grupo
na nagsasagawa ng pabasa sa lungsod ng Pasay. Ang nangunguna rito ay ang kadahilanan na ito
ay isang panata ng kanilang pamilya o barangay. Ang isang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng
tao, at madalas ay dito nabubuo ang identidad ng kahit na sino. Kung paano siya pinalaki, kung
ano ang mga pinapahalagahan ng pamilyang ito, at kung ano ang kanilang mga pinaniniwalaan.
Maging sa kaso ng pabasa sa barangay 9 ay tinuturing na rin nila ang isa’t isa bilang pamilya dahil
sa ilang taon na ang lahat ay doon naninirahan. Magkakasama na ang lahat sa pagtanda, at
pagbabago ng lipunang kanilang ginagalawan. Ang isang panata ay isang uri ng pangako na
patuloy na gagawin ang isang ritual o pagdiriwang ng isang ritual o kapistahan. Maaring bilang
pasasalamat sa isang himala o biyaya na dumating sa isang grupo, maaring i-alay bilang isang
kapalit ng isang kahilingan, o maaring paraan ng pagpapakita ng debosyon ng mga tao
Ang ikalawang pagkakatulad sa mga naratibong ito ay ang kagustuhan ng tagapamahala o
ng buong grupo na maipagpatuloy ang tradisyon na ito ng kanilang pamiya o pangkat. Ito ay
maituturing na isang pamana at ang mga Pilipino ay napakalaki ang pagpapahalaga at pagturing
sa isang pamana. Ito ay nagsisilbing identidad ng isang pangkat na kanilang maipagmamalaki at
masasabing “sa kanila.” Ikatlo naman ang pagpapasalamat sa Diyos o Panginoon. Likas na sa mga
Pilipino ang pagiging mapagpasalamat at kumikilala ng isang utang na loob, hindi dahil siya ay
53 | G A L L E O N
obligado magbigay ng kapalit ngunit isa itong paraan ng kanilang pagpapakita ng kanilang
pagkilala sa kanilang kapwa na gumawa sa kanila ng isang mabuting bagay. Ngunit, sa
pagkakataon na ito, ang utang na loob na kanilang tinatanaw ay ang sa Diyos na Makapangyarihan,
ang nagbigay ng biyaya sa kanilang pamilya at mga mahal sa buhay. Makikita rin sa ibang naratibo
ang tema ng pagpapakasakit. Bilang isang Katolikong bansa na mayroong libo-libong mga
tradisyon, normal na sa atin ang pagpapakasakit lalo na sa tuwing Mahal na Araw. Kasama na rito
ang pag-aayuno, paglalakbay sa malalayong lugar na banal na minsan pa ay nakapaa, pagpapapako
sa krus, at paglalatigo ng sarili. Lahat ng ito ay ginagawa upang gunitain ang sakripisyo ni
Hesukristo upang iligtas ang sambayanan, sa pamamaraan ng pagbasa nang walang tigil sa halos
labinlimang (15) oras, ito ang napiling paraan ng pagsasakripisyo ng mga nasabing pangkat ng
mambabasa.
Ang mga tagapamahala ay masasabing isa sa mga mahalagang elemento upang maisagawa
ang ritual ng pabasa sa kadahilanan na sila ang naghahanda ng mga kinakailangan para sa ritual
na ito. Karaniwan sa mga tagapamahala sa mga sinuting kaso ng pagpapabasa ay mga nasa edad
singkwenta (50) pataas. Maaring dahil sila na ang nasa kalagitaan ng edad ng matatanda at bata.
Bata upang may kakayahan pang kumilos at magisip para sa paghahanda ng pabasa at matanda
naman upang maging gamay na sa pamamalakad sa kaganapan na ito. Ikalawa, makikita na malapit
ang tagapamahala sa pinagmulan ng tradisyon na ito, maaring anak, apo, o isang malapit na
kaibigan. Dahil dito, mas nagkakaroon ang tagapamahala ng pakiramdam na sila ay mayroong
responsibilidad na ipagpatuloy ito dahil sila ay malapit sa nasabing tao. Ikatlo, ang tagapamahala
ay mayroong malapit na relasyon sa kaniyang Diyos. Kung wala ng katangian na ito sa isang
tagapamahala, maaring hind imaging tagumpay ang pagsasagawa ng ritual na ito dahil sa
54 | G A L L E O N
paghahanda ay nangangailangan ng oras at dedikasyon upang maitawid ang 24 horas ng
pagbabasa.
Mga isyung kinakaharap ng mambabasa sa Pasay
Sa pagdaraos ng isang Pabasa ay hindi mapagkakaila na marami ang gastusin lalo na’t
kailangan paghandaan ang altar at ang pagpapakain sa mga bisita at mambabasa. Sa isang
halimbawa ng tala ng mga gastusin noong nakaraang Mahal na Araw (tingan ang pahina 31) ay
halos umabot ng anim na libong (6,000) piso ang halaga ng mga gastusin ng isang pamilya para
lamang sa pagdaraos ng Pabasa. Ang ganitong halaga ng pera ay hindi madaling kinikita lalo na
sa Lungsod ng Pasay kung saan mataas ang bilang ng kahirapan.
Ayon sa website ng Lungsod ng Pasay kung saan ay mayroong pag-aaral tungkol sa estado
ng kahirapan sa Pasay noong 2008 hanggang 2009, mayroong 1,015 bilang ng mga walang
trabahong edad labinlima (15) pataas at 7,298 naman ang bilang ng mga pamilyang ang kinikita
ay nasa ilalim pa ng linya ng kahirapan. Ang 6,000 na libong piso ay isang mabigat na gastusin
para sa isang pamliya. Upang mapunan ang pinansiyal na kakulangan ng mga pamilya, mayroon
silang konsepto ng ambagan upang mabuno ang kinakailangan na pera upang mairaos ang kanilang
Pabasa. Madalas din ay umaasa ang mga miyembro ng pamilya sa pagpapadala ng kanilang mga
kapatid o kamag-anak na nasa ibang bansa. Hindi rin naman tumatanggap ng kahit anong bayad
ang mga mambabasa dahil tinuturing nilang kontribusyon ang kanilang pag-awit sa isang pabasa
at bilang alay na rin kay Kristo. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, nananatiling buhay at pilit na
binubuhay ng bawat pamilya ang kanilang panata. Ginagawan ng iba’t ibang paraan ng pagtitipid
o kahit na ba ay umutang para lang matuloy ang Pabasa. Sa huli ay umaasa din ang bawat pamilya
na sa kanilang pagsasakripisyo ay mayroong darating na mas malaki pang biyaya.
55 | G A L L E O N
Dahil ang Pasay ay malapit lamang sa sentro ng Maynila kung saan mabilis na dumadaloy
ang mga bagong ideya at teknolohiya, mabilis na napapalitan ang mga gawi at nagiging
modernisado ang nasabing lungsod. Kasama na nabubura sa mga ganitong pagkakataon ang mga
matatandang tradisyon sa isang lugar. Bilang ang Pabasa ay isang lumang tradisyon na,
kinakaharap nito ang hamon ng mabilis na pagbabago ng panahon at kinakailangan nitong
makahanap ng paraan upang makipagsabayan sa mga makabagong gawi ng bagong henerasyon.
Kahit na nagkakaroon na ng mga pagkakataon na inaakma ang mga tono ng Pabasa sa makabagong
mga kanta, problema parin ng mga mambabasa ang kawalan ng interes ng mga kabataan sa
matandang tradisyon na ito. Naging uso na kasi kaya’t mas pinpipili ng ilan ngayon na lumabas na
lamang ng lungsod bilang bakasyon tuwing Mahal na Araw, o kaya naman ay pagbi-Visita Iglesia
at roadtrip kasama ang mga kaibigan. Malaking epekto ito sa Pagbabasa lalo na’t kung wala nang
susunod na magdadala nito na kalaunan ay magiging resulta ng pagkamatay ng tradisyon ng
Pagbabasa ng Pasyon.
Bukod pa sa mga nasabing isyu ay maganda rin na pagtuunan ng pansin ang kontradiksyon
ng pagiging “sin city” ng Pasay bilang isang lungsod at ang patuloy na pag-iral ng Kristiyanismong
tradisyon ng Pabasa. Base ulit sa pag-aaral na ginawa ng Pasay noong 2008-2009, ang bilang ng
nai-talang krimen sa Pasay sa taong iyon ay umabot ng 882. Kung iisipin maaaring nagkakaroon
ng dalawa hanggang tatlong bilang ng mga nabibiktima ng krimen sa isang araw. Ngunit hindi
naman sa lahat ng sitwasyon kung saan nagsasagawa ang isang tao ng relihiyosong bagay ay ibig
sabihin ay isa na itong mabuting tao, o kaya naman ay maaari din na tinitignan nila ang
pagsasakripisyo tuwing Mahal na Araw bilang isang pag-bawi nila sa Panginoon at umaasang
sila’y papatawaring muli. Sa huli, nakikita na ang relihiyon o tradisyon ay hindi lagi’t laging
56 | G A L L E O N
manipestasyon ng pagkatao, maaaring ito ay isang tradisyong nakasanayan lamang ngunit maari
ding pagpapakita ng mga paniniwala at pinapahalagahan ng mga tao.
Balangkas-Diwa ng Pag-aaral
Pigura 8: Pinal na Balangkas ng mananaliksik
Bago pa man dumating ang Kristiyanismo sa ating bansa ay mayroon nang sariling
kaisipan, kultura, at relihiyon ang mga Pilipino. Kahit na matagal nang unti-unti na nabubura ang
mga ito, hindi parin mapipigilan ang manipestasyon nito sa buhay na mga kultura ng Pilipino.
Ayon kay Covar (2004), ang isang ritwal ay manipestasyon ng relihiyon at pananampalataya sa
57 | G A L L E O N
isang elementong hindi nakikita. Sa isang ritwal, kinakailangan na mayroong mga tagapamahala
o ngunguna upang isagawa ito nanagsisilbing tagapagdaloy. Sa katutubong kultura, sila ay
tinatawag na mga Babaylan, ang pinakasentral na personahe sa Lipunang Pilipino sa larangan ng
medisina, relihiyon, at kung ano pa mang mga uri ng kaalaman, mapa-teoretikal o praktikal
(Salazar, 1999). Sa pagkakataong ito, sa ritwal ng Pabasa, nagsisilbing babaylan o tagapagdaloy
ang mga mambabasang umaawit na sumasampalataya sa isang elementong hindi nakikita na ang
Diyos. Ang kanilang mga awitin ang nagsisilbing alay sa kanilang sinasampalatayahan pati na rin
ang material na aspeto ng Pabasa tulad ng pera at ang pagpapakabagod at puyat sa paghahanda at
pagdaraos nito.
Ang paniniwala ng mga mambabasa at ang kanilang mga kahilingan naman ay
nanggagaling sa isang malalim na elemento na tinatawag na loob. Dito nanggagaling ang enerhiya
kung saan nagmumula ang lahat ng galaw at desisyon ng mga tao. Ngunit ang loob ng isang tao
ay hindi basta basta nakikita o nalalaman ng isang tao kung siya ay mapagsarili. Ang kalooban ng
isang tao ay nasa loob ngunit hindi dapat ito pinapanatili dito (De Castro, 2000) dahil lumalabas
ang kalooban ng tao sa simula na siya ay magkaroon ng interaksyon sa kaniyang kapwa. Ang
konsepto ng kapwa naman ay hindi lamang tumutukoy sa ibang tao sa iyong paligid, kundi, sila
ang mga taong iyong nakakasalamuha at kalaunan ay naibinabahagi ang iyong sarili o “shared
self” ayon kay De Guia (2005). Sa kabuuan, ang konsepto ng loob at kapwa ay makaugnay. Dito
na pumapasok ang ugnayan ng mambabasa na nagsisilbing tagapagdaloy ng alay sa Diyos at ang
kaniyang kapwa tao. Ang kapwa tao ng isang mambabasa ay tumutukoy sa mga taong nakikinig
sa kaniyang paligid na inuunawa at dinadama ang kaniyang naririnig. Ayon kay Denzin (1997), sa
pamamagitan ng mute dialogue ay nagkukumpleto ang ritwal dahil sa pagninilaynilay ng mga
nakikinig.
58 | G A L L E O N
Ang lahat ng aspetong ito na bumubuo sa ritwal ay nakapaloob sa kalikasan o maaaring
tawagin na kapaligiran. Sa balangkas na ito ay ipinapakita ang isang bukas na kalikasan sa anyo
ng bahay at tolda bilang lugar kung saan idinaraos ang ritwal ng pabasa. Isinaad na sa naunang
bahagi ng pag-aaral na isa sa mga katangian ng Pabasa sa lungsod ng Pasay ay ang pagkakaroon
nito ng bukas na espasyo o lugar ng pagdarausan kung saan lahat ng mga pintuan o bakod ay
nakabukas na tila nagpapahiwatig ng pagiging bukas ng bahay sa kahit na sinong nais lumahok.
Sa pagkakataon na ito, ang kalikasan ng Pabasa ay nagpapakita ng isang malayang pagdaloy ng
loob at labas. Ito ang nagiging palagitaan kung saan bukas ito para sa kung sino man ang nais na
makiisa sa ritwal na nagaganap ngunit nasa loob rin naman ito nang sa gayon ay hindi makatapak
ng iba pang paniniwala - kinikilala nito na mayroon pang ibang namamalagi na mga paniniwala
sa kalikasan.
Sa mga natukoy na elemento ng nagpapatuloy na tradisyon ng pabasa sa lungsod ng Pasay,
maihahalintulad ito sa isang katutubong kultura ng pagriritwal at nilalaman din ang ilang
mahahalagang kaisipang Pilipino. Mula sa kagustuhan ng loob ng mambabasa na makiisa sa Diyos,
naipahayag ito sa pamamagitan ng pagriritwal ng Pabasa kung saan iniaalay ang mga awitin sa
Diyos. Sa pamamagitan ng mambabasa na nagsisilbing tagapagdaloy, nagiging daan sila ng mga
kapwa tao o tagapakinig upang magkaroon din ng pakikiisa sa Panginoon.
59 | G A L L E O N
KABANATA 5
KONKLUSYON, IMPLIKASYON, REKOMENDASYON
Konklusyon
Kilala ang Kristiyanismo bilang isang sangkap ng matagumpay na pananakop ng mga
Kastila sa Pilipinas at ang sining ng Pasyon at Pabasa ay parte nito sapagkat ito ang nagsilbing
mga pamalit sa mga katututbong ritwal na may pag-awit at pagkanta. Sa kabila ng pagiging
instrumento nito bilang panakop sa Pilipinas, nakitaan ito ni Ileto ng gamit upang maging dahilan
ng rebolusyong nakapagpalaya sa Pilipinas. Sa kasalukuyang panahon, ating tinatamasa ang
pinakilalang relihiyon na ito ng mga Kastila. Ang Kristiyanismo ang relihiyong may
pinakamaraming bilang ng mga kasapi at makikita ito sa patuloy na pagdiriwang sa Mahal na Araw
kung saan kabilang ang Pabasa sa mga nakasanayang tradisyon ng pagpepenetensiya at pag-alala
sa buhay at pagkamatay ni Kristo. Isa ang Lungsod ng Pasay sa mga lugar sa Pillipinas kung saan
nabubuhay pa ang tradisyon ng Pabasa ngunit marami din ang mga isyung panlipunan na
humahamon sa patuloy na pag-iral nito. Nagpapakita rin naman ng pagsisikap ang mga
nagsasagawa ng Pabasa pati na rin ang simbahan sa pagpreserba nito. Mahalaga na mapanatili ang
mga tradisyon gaya ng Pabasa sa kadahilanan na parte din ito ng kulturang Pilipino. Sa pagtatapos
ng pag-aaral na ito ay nakitaan ang tradisyon ng Pabasa sa Pasay ng ilang katangian katutubo at
napag-alaman na ang tradisyon ng Pasyon sa lungsod ng Pasay ay isang pakikiisa sa Diyos, sa
kapawa, at sa kalikasan na kaniyang ginagalawan sa pamamagitan ng isang kwentong paawit na
inaalay ng mambabasa mula sa kaniyang loob.
60 | G A L L E O N
Implikasyon
Ipinapakita sa pag-aaral na ito na ang patuloy na pagsasagawa ng pabasa ay nag-uugat sa
kamalayan ng mga Pilipino. Maaaring sabihin ng iba na walang orihinal na kultura ang mga
Pilipino o kaya naman ay nagsimatay na kung ano man ang nananatiling kultura ng bansa. Na
sabihin na ang mga tulad ng Pabasa ay isa lamang pamana ng mga banyaga sa ating bayan, ngunit
sa pag-aaral na ito ay mas natasa nang malalim ang tradisyon ng Pabasa at nakitaan ng
manipestasyon ng mga katutubong paniniwala at pag-iisip. Kahit pa man ginamit ito ng mga
Kastila bilang instrumento ng pananakop at pagpapalaganap ng banyagang relihiyon sa ating
bansa, hindi parin nabura sa kamalayan ng mga Pilipino ang kanilang identidad. Sa kabilang banda,
nakita rin sa pagaaral na ito na maaari paring dumating ang panahon na makakalimutan na ang
tradisyong ito ng mga Pilipino, lalung lalo na ang tradisyon ng lamentasyon ng Pamilya Llamas.
Nanganganib ito na mawala sa paglipas ng panahon dahil sa kasalukuyang pag-unti ng kanilang
miyembro at kakulangan sa dokumentasyon ng kanilang tradisyon.
Rekomendasyon
Sa pagtapos ng pag-aaral na ito, inirerekomenda ng mananaliksik na magsagawa ang iba
pa ng mas mabusising pag-aaral sa tradisyon ng Pabasa sa buong Pilipinas sapagkat nakita ng
mananaliksik ang kakulangan sa datos habang isinasagawa ang kaniyang pag-aaral. Ikalawa,
inirerekomenda ng mananaliksik na magtayo ng asosasyon ng mga mambabasa sa bawat lungsod
o probinsya at maging sa buong Pilipinas upang mas mapagtibay at magkaroon ng kasiguraduhang
mabubuhay ang tradisyon ng Pabasa. Ikatlo, magsagawa ng isang pag-aaral ukol sa lamentasyon
sapagkat ang bagong impormasyon na ito ay maaaring isang malaking ambag sa kasaysayan ng
Pabasa. Inirerekomenda din ng mananaliksik na gumawa pa ng pag-aaral tungkol sa iba mga
61 | G A L L E O N
grupong nagsasagawa ng pabasa sa Pasay dahil marahil ay sa ibang parte ng lungsod ay may
gumagawa pa nito. At panghuli, inirerekomenda ng mananaliksik na bigyang pagsusuri ang mga
tono upang makaroon ito ng mas akmang pag-uuri at pangalan nang sa gayon ay mas mapadaling
mapag-aralan ang Pabasa.
62 | G A L L E O N
SANGGUNIAN
About Pasay: Kingdom of Namayan. (w.p.). Nakuha mula sa
http://www.pasay.gov.ph/About.html
Agoncillo, J. A. (2013, Pebrero 24). Pasay eyes ‘Metro travel capital’ title. Inquirer.Net. Nakuha
eved May 12, 2018, from http://newsinfo.inquirer.net/363955/pasay-eyes-metro-travel-
capital-title
Alejo, A.E. (1990). Tao po! Tuloy po! Isang Landas sa Pag-unawa sa Loob ng Tao. Quezon City:
AdMU
Aligan, R.E. (2007). Pasyon. UST Publishing House
Bien, J.R. (2011) The Invencion of Calabanga, Camarines Sur: Dynamics of family, land, and
power. In Musika Jornal Vol. 7.
Compehensive Land Use Plan of Pasay City: Socio-economic Profile. (w.p). Nakuha mula sa
Pasay City Government: http://www.pasay.gov.ph/Pdf/socio-eco/RoadsandTransport6.pdf
Covar, P. (1997). Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture. Maynila: National Comission
on Culture and Arts
Cultural Center of the Philippines (1994). CCP encyclopedia of Philippine Art. Vol. IX
(Literature). Maynila: Cultural Center of the Philippines
De la Torre, V. R. (2002). Cultural Icons of the Philippines. Tower Book House
Denzin, N.K. (1997). Interpretative Ethnography: Ethnographic Practices for the 21st Century.
London: Sage Publications
63 | G A L L E O N
DTI (w.p). NCR Reigon Profile. Nakuha mula sa Department of Trade and Industries:
https://www.dti.gov.ph/regions/ncr/ncr-profile-of-region
Francisco, N. (2018, March 31). Pabasa ng Pamilya Francisco [Sariling Panayam].
Gener, T. D. (1998). Re-Rooting the Gospel in the Philippines: Roman Catholic and Evangelical
Approaches to Contextualization (Master's thesis, Institute for Christian Studies). Institute
for Christian Studies. Nakuha Marso 20, 2018, from http://hdl.handle.net/10756/288469
Glaser, B. G., & Strauss, A. L. (1967). The Discovery of Grounded Theory: Strategies for
Qualitative Research.
Ileto, R. (1979). Pasyon and Revolution (Popular Movements in the Philippines, 1840 – 1910).
QC: AdMU
Isales, R. (2018, March 30). Pabasa ng Perla Street [Sariling Panayam].
Kovach, M. (2010). Conversational Method in Indigenous Research. In: First Peoples Child
Family Review, Vol.5, no.1. Nakuha mula sa
https://fncaringsociety.com/sites/default/files/online-journal/vol5num1/Kovach_pp40.pdf
La Viña, A. M. (july-december 1983). Betwee Structures and People: Some Thoughts on the
Sociological Underpinnings of Ileto's "Pasyon and Revolution". Philippine Sociological
Review, 41 (3/4), 85-92. Nakuha Mayo 12, 2018, from
http://www.jstor.org/stable/23898201
Mirano, E.R. (1967). Ang Mga Tradisyunal na Musikang Pantinig sa Lumang Bauan, Batangas.
Manila: National Commission on Culture and the Arts.
64 | G A L L E O N
Namayan. (w.p.). In World Heritage Encyclopedia. Nakuha mula sa
http://self.gutenberg.org/articles/Namayan
Pasay City Government (w.p). Nakuha mula sa Pasay City Government: http://www.pasay.gov.ph/
Pasay City, Philippines. (w.p.). In: World Heritage Encyclopedia. Nakuha mula sa
http://self.gutenberg.org/articles/Namayan
‘Pasyon’ now available on CBCP website. (n.d.). Filipino Journal,25(8). Nakuha Mayo 12, 20018,
from http://filipinojournal.com/pasyon-now-available-on-cbcp-website/
Reyes, J. (2015). Loób and Kapwa: An Introduction to a Filipino Virtue Ethics. Nakuha mula sa:
https://gbimissions.com/wp-content/uploads/2015/05/Jeremiah_Reyes_-
_Loob_and_Kapwa_An_Introduction_to_a_Filipino_Virtue_Ethics-1.pdf
Reyes-Estrope, C., & Aurelio, J. M. (2017, Abril 11). Popular tunes proposed for Holy Week’s
pabasa. Inquirer.Net. Nakuha Mayo 12, 2018, from
http://newsinfo.inquirer.net/888224/popular-tunes-proposed-for-holy-weeks-pabasa
Salanga, E.L. (2007). Buhay-Ritwal: Ang Ritwal sa Kamalayan at Kulturang Pilipino. In: Malaya,
Vol.19, no.3.
Salazar, Z. (1999). BAKAS: Babaylan sa Kasaysayan. Diliman QC: Bakas.
Sudario, T. (2018, Marso 22). Pabasa ng Pamilya Llamas [Sariling Panayam].
The Manila Times (2013, Disyembre 13). Pasay makes the leap from sin town to travel city.
Manilatimes.net. Nakuha May 12, 2018, from http://www.manilatimes.net/pasay-makes-
the-leap-from-sin-town-to-travel-city/60384/
65 | G A L L E O N
The Many Faces of Poverty in Pasay City. (2009). Nakuha mula sa Pasay City
Government:http://www.pasay.gov.ph/Pdf/socioeco/TheManyFacesofPovertyinPasayCit
y.pdf
Timbreza, F.T. (1989). Kaisipang Pilipino (Patterns of Filipino Thought). Maynila: Rex Book
Store
UP Rep’s Pabasa commemorates all the fallen in Duterte’s war on drugs. (2018, Marso 28).
Mindanao Daily News. Nakuha Mayo 12, 2018, from
http://www.mindanaodailynews.com/up-reps-pabasa-commemorates-all-the-fallen-in-
dutertes-war-on-drugs/
66 | G A L L E O N
APENDISE
APENDISE A: Transkripsyon ng panayam kay Gng. Tereista Sudario
Petsa: Ika-22 ng Marso 2018
Lugar: Munisipyo ng Pasay
Kinapanayam (A): Teresita Sudario
(C): Kaibigan ni Gng. Teresita Sudario (Amy)
Kumapanayam (B): Christelle Faith Galleon
B: Yung una nga pong tanong sige ito na lang po muna Ano po ba yung pasyon at ano po ba yung
pabasa?
A: Yung pasyon yun yung pinaka libro diba libro yun? Mahal na pasyon nakalagay dun. Ngayon
yung, pabasa tradisyon na yun yearly, diba yearly na Halimbawa, yung mga santo santo. Nag-
uumpisa yan nang 19 [sa] San Jose tapos umpisahan mo na ng 25, ngayon ng palaspas. Tapos
Biyernes Santo na hanggang Sabado de Gloria pero mayroon ‘ding linggo na ‘yung
salubong.ngayon bumabasa kami ako obligasyon ko na rin yun Siguro na yung bumasa kung kani-
kanino dahil kasi yung dati naming grupo yung si Aling Lucing na may alzheimers na siya, taga
RFC siya. ‘Yung mga kasama ko na bumabasa ‘yung taga Muntinlupa, kamag-anak ng asawa ko.
B: RFC Las Pinas po?
A: Oo, ngayon yun na lang yung kasama ko at saka yung iba sa pamilya ko, siya [tumutukoy kay
Mrs. Amy]. Bumabasa din kami sa kanila, sa Perla. “Yung kay Kap [Reji Atangan]. Diba ngayon
yun tuwing Biyernes Santo naman ‘yun eh hindi naman sila maka-ano, makapag ano kasi actually
puro pagtatapos ang ginagawa namin gaya kela Llamas diba sinusundo kami ni Boy nang ala una
ng hapon. Sasabihin ko doon sa mga kasama ko sa Muntinlupa na “sana naman bago mag ala-una
nandito na kayo” kasi minsan iniwanan ko sila kassi ang tagal nila eh. Si Boy [Rodriguez] naiinip
na kaya kami kami na lang pamilya [ang bumabasa]. Tapos ano ‘yung kapag bumabasa kami ang
kalimitan nun ang tapos ay one hundred thirteen ang page, ‘yun ang wakas nun eh. Ang ginagawa
namin bumabasa muna kami, basa basa may mga ano pa mga ARAL ARAL pa doon. May
makikita kang ARAL doon diba? Tapos ‘yung huli nun, ‘yung wakas nun ano naglelementasyon
kami. Yung lamentasyon na mahaba na wala sa libro.
B: Ah okay po.
A: Sariling ano compose nung dating ‘kong mga kasama. Sa kanila ko narinig, nakikinig lang
naman ako noon eh noong bata pa ako hanggang sa natuto na ako tapos siyempre yearly kang
laging kasama kung saan saan yung natatandaan tayo naman kapag bata pa, ang memorya [maayos
pa] ganun naman ‘di ba? Ganun ang ginagawa ko kaya gaya ng mga anak ko. kapag umaalis kami
[para bumasa] sinasma ko na ‘rin sila. Kasi kapag nawala na ‘yung mga kasama naming may edad
na, yung matatanda, siyempre kami kami naman. ‘Di ba? Kaya ‘yun kaya sinasama sila. Ito
[tumutukoy kay Mrs. Amy] hindi namanj ‘yan marunong [bumasa], natuto na lang yan sa
67 | G A L L E O N
kakasama sa akin eh. Kaya gaya - Tuesday, Wednesday.. Ang pabasa ko naman Tuesday at
Wednesday eh. Mayroon din akong sarili, sa lola ko pa ‘yun. Noong namatay ‘yung lola ko,
napunta sa nanay ko. Ngayon [noong] nawala ang nanay ko, siyempre pinagpatuloy ko naman.
Hangga’t kaya, ‘di ba? Dahil ‘yan naman ay binibigay ni Lord, kung ‘di mo kaya bibiigyan ka ng
way para kayanin mo, para maipagpatuloy mo. ‘Di ba? Kahit sabihih natin na.. Kasi minsan, may
kapatid ako sa abroad minsan sasabaihin ko kailangan ko ng ano [pera], magpapabasa ako. Ayun
tumutulong naman kaya sinasabi ko nga, swerte naman dahil marunong naman si Lord, ‘di ba?
Tuloy tuloy.
B: So ‘yung pagtatapos po hindi po talaga ‘yon tradisyon na galing sa lola niyo? Yung pagbasa po
mismo, yung paghohold po ng pabasa sa bahay niyo ayun po yung panata nila?
A: Hindi, kasi parang bumuo sila noon ng isang parang tinatawag nila na lamentasyon na bago sila
magpaalam meron muna silang ano kinakanta na wala sa libro at saka iba yung tono.
B: Ayun po ‘yung sa lola niyo pa po galing? Mayroon pa po bang mas matanda sa kaniya na
pinanggalingan po ‘nun or hindi niyo na po siya [kilala]?
A: Hindi, sa kaniya ko na narinig iyon eh. Kasi minsan noon dumadayo pa sila sa Bulacan, basta
kapag dumayo ayun yung magbabasa ka, maglelementasyon tapos kahit kumain kahit hindi, okay
lang, aalis na kami. Basta parang panata ba nila kaya sumasasama rin ako, nakikisama ako sa
kanila.
B: Tapos naipasa na po sa inyo ng nanay niyo.
A: Parang nagtuluy-tuloy. Ang nanay ko hindi yan marunong, yung lola lang.
B: Ah sa kaniya lang po talaga kayo na-ano [natuto].
A: Kasi naging ano pa namin diyan yung ano yung vice mayor dito ng pasay si Ibarra Cruz, yun
nakakasama pa namin yun. Marami kaming nakasama sa Leveriza. Tapos yung tiyahin naman ng
kasama ko, tiga-Muntinlupa, ayun naman yung mga ano mga apo naman nun ‘yung kasama ko.
B: So yung grupo niyo po nagsimula na magkakakilala tapos nagbabasa basa po? Mga pumupunta
po sa pabasa niyo po?
A: Hindi, sa akin ang pabasa ko, bale nagpupunta lang ‘yung mga kapitbahay tapos ‘yung mga
taga Muntinlupa na kamaganak nga na asawa ko.
B: So ‘yung lola niyo po talaga ‘yung sa kaniya po nanggaling [yung tradisyon].
A: Oo sa kanila.
B: So wala po kayong [kopya]? Hindi po ba siya sinulat, yung lamentasyon? Memory na lang po?
68 | G A L L E O N
A: Hindi. Memorya lang, yung naririnig mong kinakanta nila. Minsan nga ‘yung ibang nakakarinig
nun kinikilabutan kasi parang dun lang nila naririnig yun. Wala iyon sa iba eh.
B: ‘Yung tono po ba parang ginawa na lang din po ng lola niyo?
A: Oo narinig ko lang sa kanila yun yung tono nilang yun kaya wala kang maririnig na iba kaya
minsan kapag Tuesday kung wala kang gagawin, kung may time ka. Doon kela Llamas.
B: Opo, sige po. Ayun nga po yung ipapaalam ko po sa inyo. Siguro po after po nito yung mga
pupuntahan niyo po kung pwede po akong sumama?
A: Pwede! Basta available ka, pwede.
B: Mamaya po hihingin ko po yung schedule para po kasi po pupuntahan ko rin po sila
C: Parang pipicturan mo?
B: Opo tapos iinterviewhin ko po
C: Thesis ba ‘yan?
B: Opo, thesis po.
C: Sabi ko na eh.
B: Ayun po, sige po. Bakit po pagtatapos lang usually yung ginagawa niyo sa iba?
A: Hindi, usually bumabasa kami hanggang sa tapusin namin. Halimbawa, ang libro ay page two
hundred fifteen ang tapos, halimbawam dumating kami nang [nasa pahina] one hundred fifty.
Hahanapin namin hanggang doon sa may aral
B: Opo.
A: Dahil hindi naman namin kaya tapusin lahat kasi matagal diba at saka siyempre may mga
pinupuntahan din kami. Kumbaga limit limit lang. Halimbawa, dalawang oras lang kami doon o
isang oras lang. Kaya kung may ARAL na doon, hanggan doon lang kami tapos hanggang sa may
paalam kami doon. Yung lamentasyon namin may paalam.
B: Ah okay po. Hindi naman necessary na doon po sa pinakadulo kayo?
A: Hindi, kahit hindi siya sa dulo.
B: Basta yung lamentsayon niyo po gusto niyo ishare doon sa pamilya na babasahan.
A: Bago kami umalis doon sa pinuputahan namin, naglalamentasyon na kami. Hanggang sa
paalam, alam na nila paalis na kami.
69 | G A L L E O N
B: Kapag ganito po ba may practice po?
A: Wala [tawa].
B: Pasahan lang po talaga?
A: Wala, actual na yun.
B: Ah nakikinig lang po yung mga mas younger generations?
A: Oo basta kasi kapag nakasama ka at lagi lagi maano sa isip mo eh.
C: Hindi ka lang basta makikinig eh pag hawak mo yung libro masusundan mo na yung tono
A: Oo kasi ang mga tono naman nun hindi naman mahihirap eh. Yung iba nga gumagawa lang ng
sariling tono ‘di ba?
[tawanan]
C: Yung Dios de Salve tinono lang nila ‘yan.
B: Ah, sige po. Yung mga binabasahan niyo po puro kakilala lang po sila?
A: Oo yung mga dati, yung mga galing pa sa lola lola diba,
B: Mayroon po bang lumalapit sa inyo dahil kunwari, hindi niyo naman talaga kakilala pero
nalaman na ganun iyong ginagawa niyo.
A: Kapag marami kami umoo ako. Pero kapag kaunti lang kami [hindi], kasi mahirap eh. Yung
lamentasyon namin mahirap. Kailangan medyo buhayin mo yung [tono].
B: Oo nga po kapag naririnig ko nga po parang ang lakas. Mga ilan po kayo usually dapat po kapag
ganun?
A: Minsan, dati.
C: Dati ang dami natin mga labinlima tapos nabawasan na nang nabawasan. Namatay yung iba.
A: O kaya minsan ngayon siguro mga sampu na lang kami, dose ganun na lang.
C: Pero usually marami talaga.
A: Kasi mas masarap kapag marami di ba?
B: Nagsasama po ba kayo ng mga teenager po o bata po?
70 | G A L L E O N
A: Oo. Ako yung mga pamangkin ko, mga apo ko para matuto.
C: Kahit 9 years old, minsan kasama.
A: Para matuto.
B: Ah okay po. Mayroon po ba kayong mga parang kapag pupunta kailangan ganito yung suot?
A: Ay hindi naman, kailangan naman maayos ka lang.
B: Ah okay po, sige po. Bago po yung lahat nun mayroon po ba kayong paghahanda bago o
magmimeet na lang po ba?
A: Kasi kapag iniimbita kami maaga pa lang sinasabi na sa amin na, “O, ate Tess mayroon kaming
pabasa sa ganitong petsa ah, sunduin namin kayo” gaya niyan kela Boy. Si Boy naman darating
yan sa akin siguro monday. Sabi niya “Ate Tess ano ha,” [sasabihin ko] “Oo, Boy kahit di mo
naman sabihin eh kahit ano naman okay lang eh. Basta kami susunduin mo kami [at] iuuwi mo rin
kami.” Hindi naman kami nanghihingi ng pera basta iyan, pamasahe na lang.
B: Yung sarili niyo pong pabasa, paano niyo po siya ginagawa? Nagpapagawa po ba kayo ng altar?
A: Yes, naggagawa rin at yung mga santo ng mga kapitbahay libreng ilagay doon.
B: Tapos yung mga libro po, matagal nang nandoon?
A: Oo, pero bumili ako ngayon ng bago kasi medyo nalalagas na yung iba.
B: Saan po nabibibli yun?
A: Sa Baclaran.
B: Marami pong ganun sa Baclaran?
A: Hindi. Parang isa lang yung tinuro sa akin
B: Na bilihan po ng libro?
A: Oo bumili lang ako ng anim, pandagdag doon sa dati ko.
B: Ano po ba yung nakukuha niyo sa pagbabasa?
A: Hindi, kasi yan para na rin akong nagpenetensiya kumbaga sa ano, nabuo ko na naman yung
obligasyon ko na hanggang sa matapos ko [yung pabasa]. Kasi minsan inaabot kami ng Sabado de
Gloria eh, meron parin. Pagkatapos noon, maaliwalas na [yung pakiramdam] di ba?
B: Ilang taon niyo na po ito ginagawa?
71 | G A L L E O N
A: Nako
B: As in pagkamulat niyo po?
A: Nagumpisa ako nun noong bata bata pa ako sama sama lang muna sa lola hanggang sa lumaki
na hanggang sa sumasabay sabay na ako doon sa mga lola lola sa mga tiyahin tiyahin, nakakasabay
sabay na ako hanggang sa ngayon.
B: Mga ilang taon po kaya yun?
A: Siguro hindi lang fifty years kasi sixty eight na ako.
B: Ah okay po siguro po mga ten years old?
A: Siguro. Palagay mo na mga fifteen na lang.
B: Fifteen years old, okay po. Ito po bang pabasa sa tingin niyo po ba nakakaapekto siya sa
pagpapalakas po ng relasyon ng pamilya and ng mga kaibigan niyo din?
A: Siyempre ayan naman ay ano eh, basta mayroon ka lang (hindi maintindihan). Basta naka’y
Lord ka, kahit naman sabihin mo kay Lord walang pabasa okay lang eh, basta magsisimba ka lang,
basta ang faith mo nasa God.
B: Ayun pa lamang po ang mga katanungan ko.
WAKAS
72 | G A L L E O N
APENDISE B: Transkripsyon ng panayam kay G. Ronald Isales
Petsa: Ika-30 ng Marso 2018
Lugar: Brgy. 9, Perla street, Lungsod ng Pasay
Kinapanayam (A): Ronald Isales
Kumapanayam (B): Christelle Faith Galleon
B: Yung unang tanong po, ano po ba yung pasyon and ano po ba ang pabasa?
A: Ang pabasa ay isang kaugalian nating mga Pilipino na parang inaalay natin sa pagluluksa ng
Panginoong Hesukristo. Binabasa ito kahit wala sa tono. Ang imporante ay yung mabasa yung
buong nilalaman ng libro.
B: Bakit po ba siya ginagawa and saan po galing yung tradisyon na ‘to?
A: Ang tradisyon na ‘to [ay] nanggaling noon pa, sa panahon ng mga ninuno. Ginagawa namin ito
parang sinasalin lang sa mga nauna sa amin at kami ngayon yung humahawak. Pagkatapos namin,
may iba nang hahawak [at] tuloy tuloy lang ito.
B: Paano po yung mga pagkanta po nila rito [ay] natututunan na lang po ba? Hindi naman po ba
tinuturo?
A: Hindi tinuturo. Ikaw na mismo ang makakaintindi at paano mo i-aano ang tono niya. Kasi ang
importante - kasi maraming klase ang pagbabasa. Mayroong mabagal, mayroong mabilis,
mayroong masaya, [at] mayroong malungkot. Ang importante dito is yung mabasa ang laman ng
libro.
B: Yung mga kasama po ba sa pabasa, sino po ba yung mga sumasali?
A: Kahit sino sumasali basta marunong bumasa at talagang may paniniwala sa mahal na Nazareno.
Kartulad niyan, kami maglalakas mula Pasay hanggang Antipolo [at] Pasay hanggang Quiapo.
Tapos kapag hindi na namin kayang maglakad, sa Pabasa naman namin tinutuon yung panata
namin sa Panginoon.
B: Gaano na po katagal ‘yung pabasa?
A: Ang pabasa kasi nagsimula kami mga early 80s tapos nagdalin salin na sa amin.May nagsimula
na ng iba at may nagpasa na sa amin. Hindi naman namin matanggihan kasi siyampre, baka
mamaya magalit ang Panginoon, so itinuloy na namin.
B: ‘Yung pabasa po ba na ito sa barangay or yung mga lolo at lola lang po?
73 | G A L L E O N
A: Hindi naman actually sa barangay. Kumbaga sa ano, sa mga nauna - sinauna, kami na lang
nagtutuloy. Tapos sa barangay, tumutulong na lang. Kung ano yung maiseshare. Basta kami, kahit
na walang pumapalit, tuloy tuloy lang kami.
B: Mga kamag-anak niyo po ba yung [bumabasa]?
A: [Oo], kamag-anak, kaibigan. Yan ang mga [bumabasa].
B: Ah basta po taga Perla [street]?
A: Oo, kahit sino. May dumadayo rito para mag-basa. Para yearly kasi, yan ang mga panata nila.
Katulad niyan, kapag nagtatapos ng bandang alas-tres, iba na ‘yung nagtatapos na taga ibang lugar
na.
B: Iniinvite niyo po ba sila?
A: Actually iniinvite lang namin sila para magtapos pero yung iba kusa na silang pumupunta
hanggang sa naging tauhang panata na nila na magbasa at magshare dito.
B: Dito po sa pabasa ano po yung mga paghahandang ginagawa niyo?
A: Ang mga paghahanda namin ay yung pinaka kampilya, yung paglalagyan ng Poong Nazareno.
Tapos sa umaga siyempre, alas dose ang simula namin nang midnight ng friday so naghahanda
kami ng almusal [at] ng kape. Pagdating ng tanghalian, maghahanda rin kami hanggang sa mga
magtatapos.
B: Yung mga mas younger generations po pinipilit niyo po ba sa kanila?
A: No, hindi namin pinipilit iyang mga kabataan na bumasa. Minsan nga mga alas dos [o] alas tres
ang mga nagbabasa sa amin ay yung mga dose minsan pababa o otso pataas so hindi namin sila
sinasaway kasi natututo sila sa amin kung ano ang ibig sabihin ng pabasa at kung ano ang ibig
sabihin ng panata.
B: So pagaktapos po ng pabasa, mayroon pong pakain? Nagkakainan po or [hindi]?
A: Tanghalian nagpapakain kami, pagdating ng pagtatapos, mga alas tres, nagpapakain kami doon
sa nagtatapos. Ayun lang.
B: Hindi naman po talaga required sa pabasa na mayroong handaan?
A: Hindi, kusa mo lang. Kasi kami, kung ano lang ang maseshare namin, ayun lang. HIndi naman
kailangan na [sabihin na], “Oh magbasa ka para makakain ka,” hindi [ganun]. Kahit sino puwede
kumain, kahit sino puwede bumasa. Bumasa o hindi, may pakain kami.
B: Yung pagbabasa po ba, ano sa tingin niyo yung nakukuha niyo pong benefit doon?
74 | G A L L E O N
A: Sa pagbasa? Actually ang hinihiling namin ay good health, makaiwas sa sakit, [at] sa
kapahamakan. Actually iyan ang mga request namin kay Poong Nazareno na ibibigay niya nang
hindi namin namamalayan kasi hindi katulad ng iba, kapag nagrequest ang gusto nila maibigay
kaagad [pero] kami hindi. Nalalaman lang namin na mayroong blessing na dumadating sa amin
because of, sabihin na natin, yung pabasa o panata na hindi kami nanghihingi ng basta biglaang
kapalit kaagad. ‘Yun lang,
B: Every year po ba ito or mayroon na pong taon na hindi po siya nagawa?
A: No, yearly ‘yan.
B: Simula po noong mga 80s?
A: Oo. Sa late 80s, yearly yan na ginagawa namin,
B: Kilala niyo pa po ba kung kanino nagsimula ‘yung pabasa ninyo?
A: Actually ang pabasa nagsimula ‘yan kay Kuya Danny Salvacion, isang pulis Maynila na retired
na. Siya [ang] nagpasimuno [ng] ang lakad mula Pasay hanggang Antipolo tapos noong hindi na
namin kaya, nagsuggest siya na pabasa naman tayo. So siya ang nagsimula niyan [pagkatapos ay]
tuloy-tuloy na kami. Hanggang sa binitawan na niya [dahil] hindi na niya kaya [pagkatapos ay]
isinalin [niya] sa amin [at] tinanggap namin. Tuluy-tuloy kami [at] tulong tulong na kami. Kasi
dati yung unang ano niyan, siya yung nagsoshoulder ng lahat [ng] pakain, ganito, na walang
pinipili kung sino. So noong nasa amin na, kailangan din gawin namin o mas higitan pa namin kasi
lahat ng taong gusto kumain pinapakain namin. Kahit hindi kilala pakakainin namin para yung
blessing, yung panata namin kay Kristo ay hindi lang pansarili [kundi] pangkalahatan.
B: Naaalala niyo pa po ba? Kaya niyo pa po ba tantsahin kung anong taon po noong 1980s
[nagsimula ang pabasa]?
A: Actually nagsimula kami niyan 1982 - 82. Sinimulan ni Kuya Danny Salvacion.
B: Buhay pa po ba siya?
A: Buhay pa hanggang ngayon kaya minsan pumapasyal siya rito [at] binibista niya kami. Nakikita
naman niya na continuous kami yearly [at] hindi kami nagpapabaya. Sa ngayon kasi wala si Kuya
Danny, nasa Nueva Ecija. So at least tiwala siya sa amin na hindi namin pinabayaan at hindi kami
nag skip ng isang taon, basta tuluy-tuloy ito yearly. Que may pera o wala, tuloy [ang pabasa].
B: Danny Salvacion? Kamag-anak po ba siya ni Tito Jake?
A: Oo, tatay siya ni ano, ay si Gigi Salvacion kapatid siya.
B: Ah ano pa po ba? Parang nasagot na lahat.
A: Actually magkukuwento ako sa’yo.
75 | G A L L E O N
B: Sige po.
A: Mayroon kasing mga kaibigan, kasama na nagiinvite na kasi hindi namna nagsasabay-sabayyan
eh. Mayroong nagsisimula ng Sunday, ‘yung palaspas. Ano yan hanggang Biyernes Santo., so
pumupunta kami kapag iniinvite kami. Ganoon din ang trato sa amin ganoon din ang pagbabasa
namin, walang pagbabago.
B: Ngayon pong Holy Week nagpunta na po ba kayo? Saan po?
A: Oo nagpunta na ako ng Novaliches [at] Talipapa. Bumaba sa na rin ako sa Zapote, bumabasa
na rin ako sa Quezon City. Kasi ang system naman diyan, ang importante ay marunong kang
bumasa eh. Hindi mo kailangan ng tono. Bumasa ka kahit anong tono [at[ ang importante diyan -
katulad ng sinasabi ko - mabasa mo lang ang laman ng libro, yun lang.
B: Si Danny Salvacion po ba taga-Perla siya?
A: Dati siyang taga-Perla.
B: Ah kaya po pala naririnig ko.
A: Oo kumbaga sa ano, siya yung pulis na - actually kami yung mga kabataan noong aming araw,
mga lokoloko kami. So siya yung humawak sa amin, [sabi niya] “oh ganito tayo, magmula Pasay
hanggang Antipolo maglakad tayo.” Lakad lang kami, sa kaniya kami natuto. Sa kaniya rin namin
natutunan kung papaano magtiwala sa Panginoon at pananalig mo. Binigyan niya kami ng
pagkakataon na magbalik sa Panginoon kasi medyo naliligaw kami ng landas noong araw dahil
nga sa kabataan namin. Ngayon, kahit papaano ay nalilihis kami [at[ natututo kaming sumamba
kay Hesukristo
B: Marami pa po ba kayong alam na [nagbabasa]? Dito lang po ba sa Perla sa Pasay [mayroon] or
sa mga ibang street mo mayroon ding pabasa?
A: Oo meron, marami yan, kahit saan. May mga probinsya. Que mahirap, que mayaman, basta
kinumbida kami pupunta kami. Que may pagkain, que wala, ang importante yung tiwala sayo na
nakikita nila na, “Aba may pabasa dito sa Pasay, invite naman natin yung nagbabasa, yung
humahawak.” Hindi sila napaphiya, pinupuntahan namin sila. Ngayon kapag (hindi maintindihan),
next year ulit. Di ba napakasarap sa pakiramdam na magtitiwala sa ibang tao dahil sa pabasa na
ito na alam nilang ilang taon na naming hinawakan.
B: Yung mga santo po ba na nilalagay sa altar, kailangan po ba Nazareno tapos may Santo?
A: Actually hindi naman kami - minsan nga may naglalagay ng Virgin Mary [pero] hindi na namin
inaalis. Kahit alam namin na para sa Nazareno. Pero kapag nilagay na diyan binabasahan [ito].
B: Dinadasalan?
A: Oo kasi kapag sinabing pabasa, dasal na rin yun eh. Hindi naman kailangan sabihin na - kung
tutuusin, [para sa] Nazareno pero kapag nilagay ng ibang tao, hindi na namin matanggihan.
76 | G A L L E O N
B: Diba po sa isang rituwal mayroong mga steps o pagkakasunod sunod? Sa pabasa po sinusundan
lang yung libro?
A: Sinusundan lang yung libro.
B: Hanggang sa matapos?
A: Hanggang sa matapos siya.
B: Pero noon po noong wala pa yung mga taga-Antipolo na nagtatapos sino po yung nagtatapos?
A: Hindi, eversince sila na yung talagang tinatawag namin.
B: Ah since nung 1980s?
A: Oo sila na tinatawag namin kasi sila talaga yung mga lehitimong nagtatapos. Hindi naman
puwedeng kapag natapos mo na yung page, tapos na. Kailangan kami yung pagsisimula, sila yung
magtatapos, kung tawagin. Para ibig sabihin yung pabasa na ito tinatapos na nila, ito na ‘yun. Basta
kapag alas tres ng hapon kailangan tapos na yan para sa kamatayan ni Kristo.
B: Yung araw po ng pagbabasa hindi naman po siya [nagbabago]? Basta within the Holy Week
yung pagbabasa before mamatay si Jesus Christ?
A: Oo.
B: Before din po diba po ngapapabsa sila mama [at] sila daddy po?
A: Oo, yun oo.
B: Paano po ‘yun? Magkaibang araw?
A: Oo depende. Depende. Actually noong nandito sa Perla noong araw minsan nagsasabay,
naghahati na lang. Basa ka rito, lipat ka sa kabila. Noong buo pa ah, eh ngayon watak watak na.
Noon nagsasaby dito tatlong pabasa sunud-sunod ano yan magkakasabay yan.
B: Nandito pa po ba yung iba? Yung isa pa po [na nagbabasa]?
A: Wala na.
B: Ah wala na rin.
A: Kami na lang. Kumbaga sa ano, kasi kita mo naman nawala na ‘yung lehitimong taga Perla so
kami na lang dito.
B: Ano po yung - kilala niyo pa po ba sila?
77 | G A L L E O N
A: Oo. Sila Tita Lourdes, lola mo, tapos sila Lydia, [at] sila Florencio - yung mga pamilya
Florencio. Yan yung mga nagsasabay sabay.
B: Pero wala na po sila dito?
A: Wala na. Mga pumanaw na sila. So hindi na natuloy ng mga anak, so ito hangga’t kaya, itutuloy
na namin. Que may pera, que wala, tuloy kami. Pero may mga sumusuporta naman na ibang
kagawad. Katulad niyan, ako wala na akong bahay dito. Ang mayroon nalang [na bahay] dito [ay]
si Kagawad Inday. Sila ngayon ang nagsisimula, si Kagawad Inday at yung pamangkin niya [na]
si Karen. Sa umaga na lang ako bumabalik tapos kung ano na lang yung maseshare naming mag-
asawa yun ang binibigay namin. Basta ang importante tuloy tuloy kami [sa pagbabasa]. Walang
iwanan.
B: Sige, okay na po yun. Maraming salamat po.
WAKAS
78 | G A L L E O N
APENDISE C: Transkripsyon ng panayam kay G. Nicanor Francisco
Petsa: Ika-31 ng Marso 2018
Lugar: Antipolo street, F.B. Harrison, Lungsod ng Pasay
Kinapanayam (A): Nicanor Francisco
Kumapanayam (B): Christelle Faith Galleon
B: Ano po ba yung pasyon and ano po ba yung pabasa?
A: Pasyon?
B: At pabasa po?
A: Pasyon parang Passion of Christ yung sacrifice ni Jesus diba? iyon yung Pasyon. Ang pabasa
yun yung ni-rereenact nya lang sa pabasa yung nangyari, diba? Iyon yung pagkakaintindi ko sa
Pasyon at Pabasa.
B: Kaano ano po kayo ni Ma'am Luisa?
A: Mother ko iyon. Iyang mga yan, kapatid ko iyang dalawa.
B: Kayo po ba yung pinakamatanda?
A: Hindi, babae yung pinaka eldest namin.
B: Bakit nyo po sya ginagawa? Galing po ba sakanya itong tradisyon na ito o may mas nauna pa
po sakanya?
A: Hindi, kasi dati nung Uncle namin dun sa Leveriza, Meron sya. Meron naA kami ritong
Santacruzan. Meron kaming Santa Cruz de Mayo, yung Flores de Mayo, Santacruzan. Eh
nasunugan kami, nung nasunugan kami, yung space, naoccupy na. Ngayon, hindi na pwedeng
mag Santacruzan, kaya ang ginawa namin, nagshift kami sa pabasa para matakpan yung panata
namin na Santacruzan, isingit namin sa pabasa.
B: Mga anong year po kaya iyon?
A: Nasunog kami, 87 eh. Nagstart kami mga 2000 magpabasa. Kaya ayon continiuous na. Yearly
na yan.
B: Yung libro po na binabasa nyo? Eto po ay binibili nalang?
A: Oo, binibili nalang.
B: Yung mga bumabasa po, paano po sila dumadating? Mga kamaganak nyo po?
A: Kamaganak, kaibigan. Basta kusang pumupunta dito yan. Hindi na iniimbita yan, hindi na
iniinvite yan. Kusang dadating dito yan kasi nakaugalian na nga, tradisyon na nila na per
meroon, kusang pupunta.
79 | G A L L E O N
B: Yung mga nagbabasa po mga iba ibang age naA po?
A: May bata, meroong matanda, may teenager, may senior.
B: Wala naA pong qualifications para bumasa? Kahit sino po?
A: Wala kaya kita mo, may mga bata dito nakita mo, walang tsinelas nung nakita mo, kapitbahay
namin yan. may mga taga paranaque, may mga taga ibang lugar.
B: Yung tradisyon na po ito, pinipilit nyo ba sa mas younger generation para ituloy nila?
A: Sa tingin ko, oo kasi maganda eh.
B: Ano pong mga paghahandang ginagawa nyo bago mag pabasa?
A: Syempre, share share kaming mga magkakapatid, lalo na sa financial. Hindi ko naA
kakayanin, kaming family, kaming magkakapatid, mga siblings, talagang nagshashare.
B: Ano po bang ginagastos sa pabasa?
A: Pabasa, syempre pagkain, kandila, bulaklak.
B: At saka yung altar po?
A: Oo, yung altar saamin, may Santo eh.
B: Hindi po ba sya laging nanduon yung Altar? Inaayos nyo lang po tuwing mag pabasa?
A: Hindi, nandyan talaga saamin.
B: Yung mga Santo po na nandun, puro sainyo lang po?
A: Oo, sa aming pamilya, Francisco.
B: Hindi naA po kailangan usually na Nazareno yung nanduon? Okay lang po kahit mga Santo?
A: Oo, Kahit ano.
B: Meron po ba kayong mga pamahiin yuwing nagpapabasa?
A: Pag holy thursday, parang ayaw naming lumabas. Hindi kami nageenjoy, basta nasa bahay
lang kami.
B: Ano po ba yung benepisyo ng pagbabasa? Bakit po, itinutuloy nyo parin sya hanggang
ngayon?
A: Syempre yung blessing sa pamilya namin at saka yung mga prayers naming [nagwawagi]
B: Yung pagtatapos? Marunong po ba kayo magtapos?
A: Lahat kami marunong, pati lahat ng nagpupunta dito, natuto na kasi nga tradisyon, natuto na
lahat pati mga bata, alam na.
B: Yung ibang pinungtahan ko po na pabasa, wala po silang pagtatapos, hinihintay po nila yung
80 | G A L L E O N
grupo.
A: Meron.
B: Galing po ba yun sa nanay nyo?
A: Sa iba pa, Hindi lang sa nanay ko.
B: Mas matanda pa po sakanya?
A: Oo.
B: Hindi po ba sya nakasulat sa libro kasi parang memorize po ng mga ano eh.
A: Memorize na nila kasi palagi, yearly, nasasalin na.
B: Yung usual po na ginagawa kasi kapag patapos na sa iba, ibinabalik nila kasi naghihintay sa
grupo ng magtatapos, so dito po, tuloy tuloy na kasi marunong na po kayong magbasa ng
pagtatapos?
A: Oo marunong kami.
B: Yung buong family nyo po, marunong rin magtapos ng pagbabasa?
A: Oo kasi bata pa kami, nasanay na kami.
B: May mga anak na po ba kayo? Pati po yung mga anak nyo?
A: Oo.
B: Yung nanay nyo po, nakakakanta pa po ba sya?
A: Nakakakanta pa kaso minsan idedictate mo nalang kasi makakalimutin na.
WAKAS
81 | G A L L E O N
APENDISE C: Online Interview kay Gng. Marilou Galleon
Petsa: Ika-21 ng Abril 2018
1. Ano po ba ang Pasyon at ano po ba ang Pabasa?
Para sa akin pareho lang un, kwento ng buhay at paghihirap ni kristo. Ang kaibahan
lang ay ung pasyon ung libro yung pabasa yung ginagawa na pagkanta.
2. Bakit po ninyo ito ginagawa? Saan po nanggaling ang tradisyon na ito?
Tradisyon na po namin ito, minana pa ng mga lola at lolo namin sa mga lolo at lola
nila. Syempre kailangan ipagpatuloy ng pamilya kasi sayang naman... Saka offering na
din ito kay lord.
3. Saan po ninyo kinkuha ang libro na inyong binabasa? Paano po ninyo nalamaan ang
mga tonong inyong kinakanta? Pinag-aaralan po ba ito?
Ung mga libro ay binibili syempre, ung iba naman e mga luma na tinago pa nung mga
nakaraang pabasa. Ung tono ng pagkanta ay ganun na ang kinagisnan namin... mula pa
sa mga lolo at lola. Wala namang kailangang pagaralan, natututunan lang.
4. Kayo po ba ang nagbabasa ng buong libro? Kung hindi, bakit po kayo
nagtatapos/nagsisimula?
Ang pamilya po namin ang naguumpisa at nagtatapos ng pabasa. ung mga bisita ang
nagtutuloy. Nangiimbita rin po kami ng nagtatapos ng pabasa para espesyal ang aming
pabasa.
5. Paano niyo po nakukuha o pinipili ang inyong mga binabasahan? Mayroon po bang
mga kapalit
ito?
Does not apply to me.
6. Sinu sino po ang inyong kasama sa pagbasa? Matatanda? Bata?
Mga kamaganak at mga bisita ang mga kasama sa pagbasa... matanda man o bata.
7. Mayroon po bang kwalipikasyon ang inyong mga pinipiling kasama?
Wala namang kwalipikasyon maliban sa basta marunong kang magbasa.
8. Ano po ang paghahandang inyong ginagawa bago ang pagbasa? May praktis po ba?
Ano ang pananamit?
82 | G A L L E O N
Syempre ang altar at mga santo na dadasalan at babasahan. at syempre din, ang
makakain at maiinom ng mga babasa. kahit anu ang suot na damit pwede naman.
walang diskriminasyon.
9. Ipinipilit po ba na ipasa ang tradisyon na ito sa mga mas batang henerasyon?
Hindi naman po ipinipilt... habang tumatanda ka e nakikita mo kc ang kahalagahan ng
tradisyon. kaya cguro naitutyloy ng mga susunod na henersyon.
10. Sa inyong sariling pabasa ano po ang proseso? May mga ritwal po bang nagaganap?
Wala namang ritwal... sinisigurado lang na handa ang lahat bago magumpisa ang
pabasa.
11. Mayroon po bang mga pamahiin na sinusunod tuwing pabasa?
Wala rin namang pamahiin... siguro ung wala munang nood ng tv a kasiyahan habang
may pabasa.
12. Pagkatapos po ng inyong binabasa, ano po ang ginagawa niyo?
Ihahanda na ang mga kakainin ng mga bisita pang hapunan.
13. Ano po, sa tingin niyo, ang benepisyo ng pagbabasa sa inyo?
Blessing anak… Blessing
14. Ano po sa tingin niyo ang implikasyon ng ng pabasa sa inyong bansa
Pagpapatunay lamang na ang ating bansa ay dominante prin ng kristyano ant
kristyanismo.